Eight

0 0 0
                                    

JAE'S POV

"Saan ka galing?" tanong agad ni Aika habang nakataas ang kilay pagkapasok ko. Nilagpasan ko naman siya at dumiretso sa kwarto ko. Dahil makulit siya sinundan niya ako at umupo sa higaan ko na naka de-kwatro.

(At bakit mo kasama yung LOVE mo?)

Love my ass.

"Long story, Aika. Not now magpapahinga muna ako."

"What the hell? I waited for you for hours, Jae. Kahit summary nalang beh?"

"Na-flatan ako and aksidenteng nakita n'ya ako."

I'm not sure if it's accident though. Alam kung may tinatago rin yung giraffe na yun.

"So nakita ka niya and hinatid ka rito ng love mo?"

"Anong love? tanga si giraffe yun. And umalis ka na nga muna, magpapahinga na'ko"

"Okay okay, bye love"

I rolled my eyes at sinara yung pinto. Mag ha-half bath muna siguro ako at magbibihis bago matulog.

-

"So what sis? Anong gagawin natin ngayun since dedz yung cheap mong motor?" si Aika.

"Baka nakakalimutan mong sumakay ka jan kahapon? arte nento"

Kinuha niya naman yung cellphone niya "Okies, mag ta-taxi nalang tayo!"

"Magta-tricycle lang tayo, okay? ang mahal ng taxi" ani ko at nagsimulang maglakad. Wala kasi masyadong bumabyahe rito.

"I guess ang haggard ko na hindi pa nagsisimula ang klase"

"Oo, mukha kanang chanak na haggard."

"Excuse me?! ako pa talaga tinawag mo na chanak?"

"Tanga edi sino pa ba? andaming arte, dalian mo at baka ma-late tayo"

A few minutes later ay nakarating na kami sa Leighton. Yung kasama ko namang maarte ay retouch ng retouch sa make-up niya.

"Hindi ka ba pupunta ng canteen beh?"

Umiling naman ako "Wag na, bilhan mo nalang ako. Mauuna na'ko sa classroom."

"Iniiwasan mo ba si love mo? ayy! I mean si giraffe pala!"

"Ulol!"

"Dalian mo at baka mahuli ka" ani ko at diretsong naglakad. Narinig ko pa ang tawa niya bago siya umalis.

Habang naglalakad ako papuntang classroom. Bigla naman silang nagsigawan sa likuran kaya bigla akong na-curious. Most of them ay boys and napapamura pa ang iba. Medyo malayo na yun kaya dumiretso nalang ako sa paglalakad papuntang classroom.

Pagkapasok ko naman ay nagtaka naman ako bakit nandito na yung tatlo. Si Klein nakangiting nakatingin sa'kin. Si Percy naman ay nagbabasa lang ng libro at yung isa ay nag ce-cellphone.

Isang sulyap lang yun at naglakad na'ko papuntang upuan ko. Sinundan naman ako ng tingin ni Klein hanggang mapa-upo ako.

What is wrong with him? he's weird.

"Tara 'tol! Bakit ba nandito tayo?" tumingin naman siya kina Percy.

"Tanga mag-aaral nga 'di ba? kaya nga tayo nasa skwelahan e!" sagot naman nong giraffe pero nakatutok pa rin siya sa cellphone niya.

"Mukha ka bang nag-aaral p're?"

Doon na niya nilingon si Klein. "Hatdog" ani nito at bumalik sa pagkaka-focus sa telepono niya.

"Gago p're makikita naman talaga niya tayo kahit saan tayo magpunta rito. Tara canteen Percy? Pinsan mo naman yun!"

"I'm enjoying my book, mamaya na lang siguro" Percy answered.

Mind reader..Where stories live. Discover now