KAISER'S POV
Nauuna naman siyang maglakad at sumusunod lang ako. Para tuloy akong stalker ng tanga. Hanep!
"Hii Kaiser" biglang may humila sa kamay ko.
"Tang-"
"Gusto mo bang mag-libot dito? Kagaya ng dati. Naalala mo pa ba yon?" maarteng ani ng babae.
Sinulyapan ko naman kung nasaan na si Jae ngunit patuloy lang siya sa paglalakad.
"Hindi, may gagawin pa ako."
"Ano ka ba! Alam ko namang hindi ka makaka-tanggi sa'kin!"
Tumanggi na nga ako 'di ba? Bobo.
"Hindi, bitawan mo'ko."
"Aysus, hard to get. I like it!" Sabay hila sa'kin.
Eww.
"Hoy, bitiwan mo nga yang giraffe" biglang may nagsalita sa likuran.
"Did you just call him giraffe? sira ba ulo mo?!"
"E, kung pokpokin ko yang ulo mo?"
"You try!"
"Hindi ako nagbibiro" sabi niya at lalapit na sana nang bitawan niya ako.
"Kilala mo ba yan, Kaiser?"
"Sa tingin mo?"
Nainis naman siya at umalis na lang.
"Anlaki mo jusko, hindi mo man lang magawang tanggihan yun?" si Jae.
"Tinanggihan ko naman"
"E, bakit parang sasama ka pa?"
"Hindi naman talaga ako sasama"
"Kung hindi ako sumulpot, malamang sasama ka"
"Oo na, sasampalin ko na sa susunod"
"Ewan ko sa'yo" ani niya at naglakad na. She's really weird.
Hanggang natapos yung araw kaka-practice. Umuwi naman agad ako.
SUNDAY MORNING~
Nagising naman ako kasi biglang tumunog yung cellphone. I picked it up without looking who's calling kasi I know who it is.
"Oh tangina? Anong oras pa p're!"
"C'mon it's already 9:13!"
"Ano ba gusto mo, Klein?"
"Gusto ko si baby Aika" agad na sagot niya.
"Ulol wag ako, ang aga-aga apaka corny mo"
"Anyways, we're going to pick you up in an hour. We're going to the mall and kasama ko na si Percy. You better get up now bro!"
"Ha? Tang-" hindi ko pa natapos yung mura ko ay enend niya na yung call.
Tumayo na'ko at dumiretso sa cr para mag toothbrush at maligo. After is nagbihis na'ko. I'm just wearing a simple white oversized shirt and short. Bumaba na'ko and saktong nakita ko si mom na nagluluto.
"Good morning ma" bati ko at yumakap sakanya.
"Oh anak? kumain kana at may lakad ka yata?"
I smiled at tumango "Yes, going out with Percy and Klein"
"Ahh, mabuti naman at naisipan niyong lumabas"
"Yea, may camping daw tomorrow e!"
"Okay, mag-ingat kayo anak" ani niya at nilagay yung niluto niyang pagkain.
