Chapter 10

113 9 4
                                    

a/n: umabot din ng two-digit number sa chapter! Hooooooo~ Pakibasa po ang iba ko pang works para masaya. ^^

Vote. Comment. Be a fan. Kung gusto niyo lang naman. (((((:

♥ Choi Seo Young

--

It turned out, pinalayas na pala kami ng landlady kong pinaglihi sa pigsa. Nabalitaan daw kasi niyang medyo gumaganda ang buhay ko kaya yan. Nagdemanda ng increase sa renta. Hindi pinagbigyan ni Zxen. Nagtawag ng back-up ang bruhilda! Pinabugbog si Zxen na hindi lumaban kasi ayaw niyang madehado yung kalaban. Anak ng… Kapakanan pa ng kalaban ang unang inisip! Tsk.

So eto kami ngayon. Lagalag. Naghahanap ng pansamantalang masisilungan. Alas-singko na. Mamayang kaunti, magdidilim na. Grabe. Ayoko namang matulog sa kalsada. =______=

“Melody.” Biglang nagsalita si Zxen. Medyo nagitla ako ng narinig yung boses niya.

“O?”

“Two wishes left. Gamitin mo na yung isa.”

“H-Ha?”

“Sabi ko, may dalawang kahilingan ka pa. Gamitin mo na yung isa.”

=__________= Infairness, nakalimutan kong may sa genie pala si Zxen. “Grabe to. Tinagalog mo lang eh. O sige. Sige. Eto na.” Pumikit na ko sabay dilat uli. “Anong hihilingin ko?”

“Aba. Ewan ko sa’yo! Tinutupad ko lang kahilingan mo nu. Nasa’yo na kung anong gusto mo.”

“Sabi ko nga. Sunget.”

Pumikit uli ako. Ano nga bang magandang ihiling? AH! Malamang na masisilungan. Kampon naman kasi ng kontrabidang palaka yung landlady kong yun. Ayos na kami ni Zxen dun eh. Kahit maliit. Kahit medyo masikip. Masaya naman. Mga taong KJ talaga… pakalat-kalat na lang. Tsk.

“O sige. Matutuluyan. Bahay. Apartment. Kahit ano. Hindi naman ako choosy. Basta kaya kong bayaran. Tsaka sana wag naman yung ka-ugali nung luma kong landlady ang me may-ari di ba? Nakakasura eh.”

*TING!*

--

10 PM

Palalim na ng palalim yung gabi. Anak ng tokwa. Kinakabahan na ko. Lord, wag niyo naman po akong hayaang matulog sa kalsada. =________=

**You’re like a water molecule

Evaporating in the air

I wanna catch every drop of you…**

“Sino namang hukluban ang tatawag sa’kin sa ganitong oras?” sabi ko ng biglang nag-ring yung phone kong pangkaras ng yelo. Duh. Atleast may phone! “Hello?”

“Congratulations! Your number won a condominium unit at blah blah blah…”

“P-Po? Teka. Teka. Rewind. I won a what?”

“A condominium unit maam. Congratulations!”

“Eh? Paano po yun nangyari eh hindi ako sumali sa kahit na anong raffle-raffle. Kung scam to…”

“Naku maam. Hindi po scam to. Totoo po. This is a random raffle to our patrons at naisali po yung number niyo dun. Nanalo kayo maam. Kahit i-check niyo po sa Google, legal ang trabaho namin.”

“Ow…kay. Saan uli yung condo unit na yun?”

Sinabi ni ate lahat ng details tungkol sa napanalunan kong condo. Pero bago ang lahat, nag-internet na muna kami ni Zxen at ginoogle ko nga yung office nila. Seryoso nga si ate sa sinasabi niya na legal ang trabaho nila. =___=

“Tara na Zxen. Ng makatulog na tayo. Gravy. Antok na ko.”

“Teka lang. Hindi pa ko tapos sa binabasa ko.”

“Ha? Eh ano ba yang binabasa mo?”

Sumilip ako sa PC ni Zxen at nakita na nagbabasa siya sa wattpad. Wattpad? Tama di ba. Wattpad. Binabasa niya yung Dark Side ni akire2514. Bawas pogi points tong alien na to ah. Kalalaking tao, pumapatol sa ganyan? Corny.

“Hindi to corny. Nakakatawa nga eh. Subukan mo nga basahin minsan ng matuwa ka.”

“Tara na nga. Trespasser sa iniisip ko. Psh.”

--

O_____________________O

“I now live here?! Seryoso?!”

“Melody, you’ve said that for the fifth time already. O.A. ka na.”

“B-But…Ang ganda kasi! Ang laki!”

11 PM na. Kaka-move in lang namin ni Zxen sa unit ko at sobrang impressed ako. Paano kasi…nasanay ako sa studio-type apartment ko. Eh eto ang laki! Tapos kumpleto na sa gamit—well almost. Wala na kong problema sa appliances. Kulang na lang ako sa mga maliliit na gamit. Yung dinnerware, kitchenware, toiletries. Makukuha ko yun sa konting grocery. Mwahaha.

“Weeeeeee~~ Testingin mo to Zxen! Ansaya!” sigaw ko sa kanya habang nagtatatalon ako sa kama. King-sized yung bed kaya sobrang galak ko sa kakatalon. *v*

“Ayoko. Tumigil ka na nga Melody. Mamaya mapano ka diyan eh.”

“Di yan. Tiwala lang. Bwahahaha!”

“Kitamo ka. Kapag ikaw nalaglag diyan, papaluin kita.”

“Ano ka, tatay ko?” sinamaan lang ako ng tingin ni Zxen tapos akmang lalayasan ako. Kaya ang ginawa ko…tumalon ako. At pumasan sa kanya. ^____^

“Putek! Ano ba Melody! Kala ko ba inaantok ka na? Bakit ang hyper mo pa din?!”

Zxen’s POV

“Putek! Ano ba Melody! Kala ko ba inaantok ka na? Bakit ang hyper mo pa din?!”

Inayos ko yung pagkakapasan sa’kin ni Melody pero medyo inaalog ko siya. Nanahimik kasi bigla.

“Melody? Ui. Galaw-galaw.”

Hindi pa rin siya sumasagot. Paghinga na lang niya tsaka yung pagtibok ng puso niya yung naririnig ko.

“Melody? Mamaya tulog ka na diyan… Melody?”

Bopols. Sasagot ba yan kung tulog siya. Minsan rin utak ko napupunta sa paa ko eh. =____=

Nilapag ko siya sa kama at nakita ko…nakapikit na siya. Tulog na tulog na ang prinsesa ko. Iniayos ko siya ng higa sabay kinumutan. Ang sarap pa ng pagkakatulog niya. Parang baby. I couldn’t resist. I kissed her on the forehead.

“I’m gonna go insane…and you’re to blame Ms. Melody Lyka Guevan.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three wishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon