Chapter o3

213 4 2
                                    

“Good afternoon sir. Welcome to Happy Restaurant.”

Wow. Isang taon ko na palang linya yan. Nakakasawa din ah. Dejk. Syempre kung nagsawa ako, saang kangkungan na lang ako pupulutin, aber?! Besides, kahit mahirap na may tatlo kang trabaho eh masaya naman. :”>

--

6 PM.

Change outfit! Eto na ko ngayon sa iba kong trabaho. Waitress sa bar na exclusive sa mga mayayaman. Pano ko nakapasok dito? Ewan. Ang chismis eh crush daw ako ng supervisor namin kaya ang gaan ng loob niya sa’kin. Imba. Lahat na lang may crush sa’kin eh ang pangit-pangit ko naman. =______=

“Melo, dalawang B52 sa table three.” Sabi sa’kin ng co-worker mko sabay abot ng tray ng order.

“Okay.”

Lumakad na ko sa table three. Syempre smile lang. Kunwari hindi ako naiilang sa iksi ng palda ko. Kunwari hindi ako nahihirapan sa taas ng heels ko. Kaya yan Melody. Kapag natapilok, tayo agad sabay sigaw: DARNA!

Nakarating din sa table. Dalawang middle-aged foreigners pala umorder. Mapapasabak pa ko sa English. “Your order gentlemen.” Sabi ko sabay lapag ng order nila.

“Thanks. You’re a pretty girl.”

Straightforward naman nito. “Thank you sir.”

“How much is it then?”

“Oh. That. Your drinks cost…”

“No. Not the drinks.”

“Then what?”

Ngumiti lang yung dalawang lalaki at tumingin sa’kin ng…malaswa? Hala. Dirty, perverted old men! Eew! Tsupi! >___<

Napapakikit na ko. Pano ko naman malalaman kung panong aksyon ang gagawin ko?! Isang taon na ko dito pero ni minsan walang bumastos sa’kin. Tongue in a lungs na buhay naman to. Ang tino ng trabaho mo, magaganito ka. Waaaah! Help!!!!!

-_____________O

One eye open, nakita kong nakatulog yung dalawang tanders. Ananyare?! Eh baka lasing na. Iinom inom, di naman pala kaya. Lame!

“Melody? Can we talk?”

=_______________________=

Epal naman tong supervisor ko oh. Ayun na oh. Nagde-detective conan ako dun eh. Inaalam ko kung pano nakatulog yung dalawang tander-dome na yun kasi naman dalawang shot glass lang naman nasa table nila tapos lasing? Agad-agad?!

“I can’t do this anymore Melody.”

“Sir?”

“I’m sorry.”

“Po?” ang labo kausap ng supervisor namin. Ano naman pinagsasasabi nito?

“I’m replacing you Melody. You’re no longer a waitress. In fact, you no longer work for us.”

O____________________O

ANO?! BAKIT?! MATAPOS YUNG MAGANDA KONG TRABAHO DITO, BIGLA-BIGLA, GANUN NA LANG?! MADALAS AKONG EMPLOYEE OF THE MONTH TAPOS TATANGGALIN NIYO PA DIN AKO?! ANO TO? LOKOHAN?! PAUSO NAMAN!

“Bakit sir?” nanginginig na yung tuhod ko. Gusto ko ng umiyak o sumigaw pero syempre hindi ko magawa. Ayoko naman mawalan ng trabaho nu. Kailangan ko to. Sobrang kailangan ko.

“Actually Melody, it was a hard decision. Do you know that you’re an asset here? Kapag ikaw ang waitress, dumadami ang customers natin. I think that maybe you’re a lucky charm or something. Pero…”

“Pero???”

“I cannot risk your safety. Find a safer job Melody. You’re done here.”

“Ha? Sir. Wag naman ganun! Kailangan ko po tong trabaho na to…”

“I know.” May inabot siya na envelope sa’kin. “That’s your last salary here plus replacement fee. I’m sorry Melody.”

Lumabas ako ng office ni sir. Medyo makapal yung envelope. Wala din akong lakas ng loob buksan yun. Hindi ko kailangan ng panandaliang pera. Gusto ko permanente. Pano ko babayaran yung renta ko? Yung extracurriculars sa school? Future tuition sa college? Napakarami kong kailangan bayaran para mawala lang bigla sa trabahong to.

Lumabas na ko ng bar. Depressed lang. Kung kailan naman kasi matindi pangangailangan ko, tsaka mawawalan ng trabaho. Hay naku na buhay to!

O.O “Ginagawa mo dito?”

Tumayo mula sa kinauupuan niya yung alien. “Zxen.”

“Ha?”

“Di ako alien.”

“Tigil-tigilan mo nga kakabasa sa isip ko! Badtrip ako! Wag mo ko pagtripan!”

“Ba’t kita pagtitripan eh amo kita?”

“Amo?!”

“Oo. Malamang. Ako ang genie, ikaw ang master. It makes sense.”

“Kala mo lang.”

Nilayasan ko na siya. Hindi maganda mood ko. Mawalan ka ba naman ng trabaho dahil sa dalawang matandang manyak, ewan ko na lang kung matuwa ka.

a/n: all italics are thoughts. ((:

“Nawala mo man trabaho mo, pwede ka naman humiling ng bago eh.”

Hinarap ko siya. Ang kulit ng lahi nito ah! “Wish mo mukha mo!” Walkout! Banas eh.

“Melody.”

Ignore him.

“Melody.”

Keep walking.

“Melody!”

“Ano ba?!”

“Bakit ang sungit mo?”

Bastusan na tanong?! “Try mo mawalan ng trabaho.”

“Sabi ko naman sa’yo pwede kang humil—”

“Shut the…Argh! Saang planeta ka ba galing alien ka?! Hindi totoo ang wish—”

“Pano kung totoo? Di nagsayang ka ng opportunity?”

“Hindi nga yun totoo! So leave me alone!”

Pakiramdam ko umuusok na yung ilong ko sa galit. Pinipilit niya pa kasi na totoo yung wishes. Wishes his face! Masyado na kong nagtagal sa mundo para malaman na kung aasa ka lang dun eh malaman na forever kang nga-nga.

“Melody.”

“Ano na naman?!”

Tumingin lang ng seryoso si Zxen sa’kin. “Take a leap of faith.” Hinawakan niya yung kamay ko at parang nawala lahat ng stress ko sa katawan. Gumaan bigla yung pakiramdam ko. “Deep breath.”

“Wooooo~”

“Now make a wish.” Pumikit pa ko for effect. “I wish bumalik na yung trabaho ko.”

TING!

“Ano yun?”

“Wish granted.”

Three wishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon