Chapter o2

241 10 0
                                    

**Ah~ Hah~ Ah~ Ah~ You're so good to me baby, baby...**

Dinilat ko yung mata ko sa tunog ng alarm clock kong ang aga-aga eh nakikipagrak-rakan. Its 4:30 in the morn—eh? Ba’t ang liwanag?

“Come on Melody! Do you want to die?”

Err~ Nagkatotoo na ba yung sinasabi ni Leila? Grabe naman. Patay agad. Hindi ba pwedeng gumraduate muna ko?! Nilibot ko yung mata ko sa paligid. Parang hindi naman heaven. Parang nasa kwarto pa nam…

“AHHHHHHHH!”

Tinakip ko yung kumot sa sarili ko. Lalaki! May kung sinong lalaking ang liwa-liwanag sa dulo ng kama ko! Ang weird pa, parang kumuha lang siya ng kumot tapos yun na yun. Waaa! Sino to?

“Wag.kang.sumigaw.”

Eh? Ba’t ganun siya magsalita? Parang alien lang? Pahinto-hinto.

“Stay.still.”

Lumapit siya sa’kin tapos hinawakan yung kamay ko. There was a flash of blinding light at parang may very very light na electric current na dumaan sa katawan ko. Binitawan niya ko and he looked at me knowingly.

“Melody Lyka Guevan. 16 years old. Orph—”

“Pano mo ko nakilala?! Stalker ba kita?!”

“I’m your savior.”

“Ha?”

“You don’t remember.”

Remember? Ang alin? Ano ba ginawa ko? I worked my shifts. Got home. Studied. Slept. Nagising ng may gwapong multo whatever sa paanan ng kama. Ano ang dapat kong tandaan?!

“I’m Zxen (pronounced as Zen. Maarte ang inyong lingkod kaya may X pa. Hahaha.). You wished for a savior. Eto na ko.”

“Savior?”

Hinawakan niya uli yung kamay ko and then I remembered…

“I wish for someone to save me…”

Binawi ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Kanina para lang akong libro na binasa niya tapos ngayon talo pa niya reminder sa tindi ng pagpapaalala niya.

“Pano mo nagawa yun? Ano ka ba?”

“I’m here for you.”

“Lul! Bumalik ka na lang sa pinanggalingan mong mental!”

“Hindi ako nagbibiro. I came to grant you three wishes.”

Tinitigan ko siya with his white cloth outfit thingy. Saang mental kaya labas to? “Walang ganun nu! Nu ka? Genie?! In this modern day, ba’t ako maniniwala sa’yo?!” Tumingin ako sa orasan. 4:45 na! “Panira ka! Male-late na ko!”

“You won’t be.” He snapped his fingers tapos bigla…nahinto yung galaw ng mga tao sa labas. Ultimo pagsikat ng araw, suspended. Pero sa loob ng apartment ko, normal naman ang lahat.

“Pano…”

“Hininto ko lang yung sense of time ng tao maliban sa’yo syempre.”

“Pano…”

“Nababasa ko na isip mo. Don’t worry. You can read mine too.”

Mananahimik na lang ako. Badtrip eh. Hindi na ko nakatapos ng linya dahil sa kanya.

ZXEN.

Should I believe him? Should I not? Torn ako eh. Hello?! Siguro kung dumating siya sa buhay ko nung mga five years old ako, malamang na naniwala ako sa kanya pero hindi eh. 16 na ko! Malakas na ang pagkamulat ko sa reality. Wishes, as far as I know, don’t come true. At sino ba siya sa akala niy? Porke mukha siyang weird eh dapat maniniwala na ko? Porke napahinto…Yeah. How did he do that?

“Tao ka ba?”

“Pick-up line ba yan?”

“Huh?”

“Uso yan sa inyo ngayon di ba? Pick-up lines?”

“Luh?! Ba’t kita bibigyan ng pick-up line? Tanong yun. Sagutin mo!”

“Well, no. Nasa pagitan ako ng tao at genie.”

“Eh di ano ka? TaNie? GenO? Hahaha!”

“Let’s set the rules.” =_____= Walang sense of humor. Nagjo-joke ako dito oh. “Your joke wasn’t funny.” Hala! Badtrip. Nambasa na naman ng isip. “First rule. Bawal bumuhay ng patay. Isipin mo na lang, inaagnas na tapos ipapabuhay mo sa’kin? Hindi magandang tingnan. Second, bawal pumatay. Kung may galit ka sa kung sinong tao, wag mo na ko idamay. Lastly, bawal magpa-inlove ng ibang tao sa’yo. Hindi ko kayag diktahan ang puso ng iba.”

“Yun lang? Okay. Pagalawin mo na oras. Madami pa kong gagawin. Tsaka mawalang galang na, lumayas ka ng apartment ko.”

“I can’t.”

I crossed my arms. “At bakit naman?!”

“Hanggang hindi mo nauubos ang tatlong wishes, I’m stuck with you.”

“Seriously?!”

Ngumiti lang siya at nasampal ko lang noo ko. Badtrip men! Sabi na ba wala akong mapapala sa wishes na yan eh!

Three wishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon