Chapter o5

147 5 1
                                    

a/n: na-uh. hindi ko pa to nakakalimutan. hehehe. no longer on hold or in slow update. please read, vote and comment. (((:

--

“If the spuare root of pi is…”

Aral-aral din. Monthly exam na namin next week at kailangan ko ng mag-review. Medyo mahaba naman yung panahon kong amg-review. Simula kasi ng natanggap akong lounge singer eh yun na lang trabaho ko. Kahit kasi pagsama-samahin mo yung sahod ko sa tatlong trabaho ko dati eh hindi tatapat sa trabaho ko ngayon. Sulit din. :”>

“Anong ginagawa mo?”

Ugh. Eto na naman po siya. Tinabihan niya ko para maki-usyoso sa ginagawa ko. Ampness naman oh! Nadi-distract ako! >.<

“Nag-aaral.”

“Ah…Anong subject?”

“English.”

“English? Puro numbers yan oh. Baka math yan.”

“Alam mo naman pala eh. Di lumayas ka na.” Sinipa ko siya. Mahina lang naman.

“Sungit nito.” Sabi niya sabay alis. Buti na lang!

Sheesh. Bakit kasi ako pinahihirapan ng ganito?! Nag-iba na kasi yung look niya eh! Hindi na siya mukhang alien! Mukha na siyang tao! Nakakatakot kaya! Lalo na’t…lalaki siya. Awkward! Hanggang nandito siya, nakakailang!

--

3 PM

“Kain na Melody.” Naghain si Zxen ng juice at sandwich sa harapan ko. Napakamot na lang ako sa ulo. Keep your distance nga sabi eh!

“Di ako gutom.”

*Crooooooo* a/n: tiyan yan ni Melody. Sorry lang. Mahina sa sound effects. Hehehe.

“Pff. Di pala. Kain na nga. Oh baka gusto mo subuan pa kita…”

“Kakain na nga ko! Sige na! Alis!”

Naman eh. Bakit niya ko pinahihirapan ng ganito?!

Zxen’s POV

Problema ba nun? Pinaghainan mo na, siya pa galit. Masama magpasalamat? Nasipa pa. Ang weird ng babaeng to. Tsk. Pinaalis niya ko. Kala mo naman di ko kayang bumalik. Psh. Yaan ko nga muna yun ng lumamig ulo. Baka may ‘bisita’ siya kaya masungit.

Gumala-gala muna ako. Naglakad-lakad. Bahalang dalhin ng paa ko kung saan nito gusto.

“Ahhhhhhh!”

Si Melody! Dali-dali akong tumakbo pabalik ng apartment. Damn. Bakit kasi ang bilis ko maglakad? Mga limang kanto ba naman layo ko. Tch. Ano na naman nangyari dun?

“Melody?!” sigaw ko pagkarating sa apartment. “Melody? Melody!”

“Ano ba?! Sigaw ng sigaw!” Sumulpot si Melody mula sa CR. Agad ko siyang hinigit.

“Anong nangyari? Sumigaw ka kanina. Ayos ka lang?”

“Interview?” tinanggal niya yung hawak ko sa kanya. “Natabig yung juice na ginawa mo. Nabasa damit ko. Nagulat ako kasi ang lamig sa balat. Nagulat! Bawal yun?”

Tinataasan na naman ako ng boses. Tsk. “Bakit ba nakasigaw ka na naman?”

“WALA!”

Melody’s POV

Ang hirap kapag studio-style yung apartment, di ka makakapagkulong kung trip mo. Kaya yun. Nagtapos na lang ako sa pagre-review at hindi pinansin si Zxen na tinititigan ako.

“Pambihira…” sabi niya sabay kamot ng ulo at alis. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag!

“Dammit Melody. Ano nga bang problema mo?”

Three wishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon