Chapter o6

139 5 2
                                    

Friday evening.

Eto na. May work uli ako sa bonggang hotel na pinagtatrabahuhan ko. Salamat sa trabahong to, medyo gumagaan na ang buhay ko. Nakakabayad na ko ng tuition on time. Pati ng renta sa apartment ko. Medyo nakapundar na din ako ng konting appliances at damit. Pero syempre, nag-iipon pa din ako. Gusto ko rin naman makaabot ng college nu.

“Masyadong maiksi. Magpalit ka ng damit.” Sabi bigla ni Zxen habang chinecheck ko yung sarili ko sa full body mirror. Ang extra talaga nitong alien na to. Masyadong pakialamero.

“Ayoko nga.” Kontra ko naman. Nagsuot na ko ng heels. Medyo sanay na ko mag-heels. ^^v

“Tss. Kaya ka nababastos eh.”

“Hoy!” sabi ko sa kanya at tinuro yung isa pang sapatos na di ko pa nasusuot “Tingnan mo nga ako ng mabuti. I mean, really really look. Mukha ba kong kabastos-bastos? Sa pangit kong to? Sa payat kong to? Mukha lang akong anemic! Mukha akong sakitin! Tingin mo may mag-iinteres sa’kin?! Tigil-tigilan mo nga ko Zxen. Sinusura mo ko eh.” Umupo uli ako sa kama at tangkang sinuot yung isa pang sapatos. Anong karapatan nitong sermunan ako?! Badtrip eh!

“How can you be so naïve?” bulong niya. Pero syempre narinig ko.

“May sinasabi ka? Kung may sasabihin ka, sabihin mo sa mukha ko! Hindi yung bumubulong k—AH!” medyo tinulak niya ko, sapat para mapahiga sa kama at siya…ayan…amp! Ang gwapo! Mga five inches siguro ang layo ng mukha niya sa mukha ko! Nakakailang bwiset!

“Oo. May sinasabi ako. Kaya makinig ka. Hindi ka panget. Maganda ka.” TUG-DUG. “May babastos sa’yo because you’re perfect.” TUG-DUG. “Walang magkakainteres sa’yo kasi panigurado ako, lahat sila magugustuhan ka.” TUG-DUG. “Kaya magpalit ka na. Please?”

For ten seconds, ganun lang ang set-up namin. Super face-to-face. Kaya ko siyang sampalin kung gusto ko. Kaya ko siyang sipain kung yun ang pnili ko. So bakit ganun? Hindi ko magawa? Bakit hindi ako pumapalag? I just let him there. So close to me. I just let him…make my heart beat triple time. Ay naku! Ano ba tong nangyayari sa’kin? Hindi ko maintindihan!

“Okay. Magpapalit na.” Sinagot ko na lang. Tumayo na siya para makatyo na rin ako. Hinalungkat ko na yung damitan ko para humanap ng medyo mas mahabang dress.

“Ihahatid kita.”

TUG-DUG.

--

“O. Hangganmg dito ka na lang. Magta-time in na ko.” Sabi ko kay Zxen ng narating namin yung hotel.

“Sige. Anong oras uwian mo?”

“10 pa. Bakit?”

“Hihintayin kita.”

TUG-DUG.

“Ayoko! Bakit?! Tingin mo di ko kayang umuwi mag-isa?!”

Hinawi niya yung buhok ko na humarang sa mukha ko dahil sa biglang ihip ng hangin. Nak ng…yung puso ko ang lakas ng kalabog! Maha-heart attack pa yata ako ng wala sa oras! “Kaya mo. Pero just in case lang. Iba na panahon ngayon. I want you to be safe.”

“Wow ah. Safe ba ko sa’yo?”

“Hahaha.” TUG-DUG. Naman o! Tumawa lang, may tug-dug agad?! Ano ba yun! “Kahit sa lamok, hindi kita padadapuan. Ganun ka kaligtas sa’kin.” Ngumiti siya… TUG-DUG. “Sige. Time-in ka na.”

Ngumiti ako sa kanya tapos pumasok na sa hotel. Medyo nakakapanglutang naman yung ngiti…Ay erase! Erase! Ano ba tong iniisip ko! Forget him. Ineechos ka lang nun! Kalimutan mo na! Umiling-iling lang ako tapos dumiretso na sa lounge after kong mag-time-in.

Three wishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon