**Ah~ Hah~ Ah~ Ah~ You're so good to me baby, baby...**
Dinilat ko yung mata ko sa tunog ng alarm clock kong ang aga-aga eh nakikipagrak-rakan. Alas kwatro y medya pa lang ng umaga pero bumangon pa din ako. Mag-a-alarm ba ko kung ayaw ko magising ng maaga? Di ba ? Di ba?
Ako nga pala si Melody Lyka Guevan. Ulilang lubos? Ako yun eh!
Sinundo ang mama ko ni pareng leukemia. Kasi naman, hindi kami mayaman. Nagtagal eh hindi rin namin kinaya yung pampagamot kay mama. Makalipas ang isang taon, etong tatay ko eh akalain mong sumunod. Na-depress daw kasi siya sabi nila. Kaya yan. Yan ang history ng pagiging ulila ko.
So ngayon, eto ako. Sa isang apartment na halos kapulubihan ko na ang renta, may tatlong trabahao, at nasa isang semi-private academy dahil sa scholarship.
--
Gumayak na din ako para sa school. Malayo din kasi sa apartment na tinutuluyan ko pero walang choice. Eh sa dito mura, alangan naman choosy pa ko eh hindi naman ako mayaman. Iniisip ko na lang na exercise lang yung everyday one hour na lakad-takbo sa school. Wag kang aayaw! Think positive! XD
Pagkarating dun, na-flood na yung mata ko sa mga estudyanteng makapustura eh akala mo may party-party lang. Parang lahat kasi ng testers sa cosmetic section ng department store eh tinesting nila. Ordinaryong mamamayan lang kasi ako. Tsaka wala akong panahon magpaganda! Kung pati paghinga nga eh involuntary, malamang na napahinto na ko sa sobrang busy ko.
"Melody, mamaya may meeting ang Student Government. Wag kang ma-late ha!”
“Oras?”
“Uwian.”
“Busy ako.”
“Ha? Kailangan ka namin Melody!”
“Kailangan niyong huminga, kumain… Hindi ako physiological need. Tigilan niyo nga ko.”
“Melody, orientation ng freshmen mamaya sa photography club. Punta ka ha?”
“Oras?”
“Lunch.”
“Busy ako.”
“Ano? Hindi kami makaka-function ng wala ka.”
“Ba’t naman? Nasakin mga utak niyo?! Naku ha…”
Lagi na lang Melody. Melody. Melody. Argh! Dahil sa ako ang president ng Student Government at photography club. Syempre kailangan yung mga credits nun para sa college application. Baliw lang ako. Mas pinahirapan ko buhay ko. >__________<
--
Lunch~
Cliché man pero eto eto ang favorite part of the day ko. Kasi eto lang yung panahong nakakahinga ako.
“Yes mam. Kayang-kaya po! Bukas? Pwede po! Salamat!”
“Trabaho na naman?!” sigaw ni Leila habang pinapakialaman yung leaflets, pamphlets at lahat na ng may -lets sa harapan ko. “Grabe ka Melody! May death wish ka ba? May tatlo ka ng trabaho!”
“Maglalakad lang ako ng aso tuwing umaga. Hindi mahirap yun nu. Tsaka, kailangan ko yung trabaho. Alam mo ba kung gano kamahal ang tuition sa college?”
“Kaya nga sabi ko sa'yo, ampunin na kita. Dun ka na lang sa'min tumira…tsaka…” kinindatan niya ko “Alam mo namang crush ka ni kuya.”
I just rolled my eyes.
“Ayaw nito maniwala oh! Alam mo bang lagi akong kinukulit nun para sa number mo? Syempre bestfriend kita kaya hindi ko ibibigay agad...”
“Leil (pronounced as Layl), wala akong panahon diyan sa cheverlu ng kuya mo. Busy ako men. Busy.”
“Psh. Tatanda kang dalaga niyan eh.”
“And so?!”
“Ang manang ng utak mo! Friend, highschool tayo baka nakakalimutan mo. Eto yung buhay natin. Mag-PBB teens!”
“PBB teens?! Nu yun?!”
“Ay ewan sa’yo Melody. Try mo nga bumaba minsan sa bundok ng maiba naman buhay mo.”
Humilata si Leila sa damuhan. Pinagtinginan lang siya syempre kasi di tulad ko, anak siya ng isang prominenteng businessman at theater actress ang mama niya. Isa siya sa mga elite ng school na to kasi mayaman na siya, matalino at maganda pa. Parang tumayo nga lang siya, pwede na isabak sa Miss World. Ganun siya kaganda! As for her kuya, hindi ko yun kilala. Hindi naman nababanggit ni Leila pangalan nun except for the fact na may crush DAW siya sa’kin which is weird kasi hindi ko naman siya kilala nga! Pano kaya nangyari yun nu? Crush ako eh ni hindi pa nga kami nagkikita.
“Seriously Melody, lighten up.”
“Sira.” Tumabi ako sa kanya. “Hindi naman kasi tulad mo, wala akong sandalan. Pader lang sandalan ko. Subukan kong mag-lighten up, nga-nga ako.”
“Eh di pakasalan mo na lang kuya ko.”
“HA?!”
“Eh kailangan mo ng mayaman di ba? Bongga yun friend! Sister-in-law kita!”
“Baliw ka Leila.”
“Joke lang.”
Humiga lang kami dun ni Leila. Pinanood yung pagdaan nung mga ulap sa langit. Alam naman niya ibig kong sabihin eh. For the past six years, natuto na kong tumayo sa sarili kong paa. Syempre no choice eh. Wala naman akong sinisisi sa pagiging ulila ko. Minsan lang talaga, I get curious. Pano bang mabuhay na may nag-aalaga sa’yo? Na kapag umuuwi ka ng bahay niyo, may magtatanong, ‘kamusta ang school’ o ‘kumain ka na ba’? O yung gigising ka sa umaga at may nakahanda ng almusal sa mesa at may magsasabi sa’yo ng ‘kumain ka ng madami’, ‘mag-aral ka ng mabuti’, ‘ingat ka’. I miss it. Pero ganito talaga ang buhay. Nag-survive nga ko ng ilang taon, kakayanin ko pa yan! :”>
“Melody?”
“Ow?”
“I wish you happiness. ^______^”
Napangiti na lang ako. Ang sweet kasi niyan talaga. Parang pinaglihi sa asukal. Dejk. “Thanks friend.”

BINABASA MO ANG
Three wishes
RomanceMeeting you was FATE, becoming your friend was CHOICE, and falling inlove with you is OUT OF THE QUESTION. Please read the prologue! ^______^ --> Choi.Seo.Young