Chapter o9

106 5 2
                                    

♪ It’s five o’clock in the morning

Conversation got boring… ♪

Tinigil ko yung pagtugtog ko sa piano. Nasa music room kasi ako. We’re back from Korea! Oyeah! Hahahaha. Wala naman kaming ginawa dun. Nagkape lang nga talaga. Pero kapag naaalala ko talaga yung ginawa naming trip to ChoonCheon, parang sasabog yung puso ko. Ewan ko ba dito. Sanayan na lang siguro ano?

“Huminto ka?”

Lumingon ako at nakita si Leila. “Kanina ka pa diyan?”

“Di naman. Tuloy mo na kanta mo friend. Alam mo naman kung gano ako ka-fan ng boses mo eh.”

“Hahaha. Sira!”

“Di nga.” Umupo siya sa tabi ko. “Bobolahin ko pa ba bestfriend ko? Dali. Ako magp-piano. Kanta ka ha?”

“Teka.” Pinigil ko yung mga kamay ni Leila “Baka panahon ng kopong-kopong yang kantang yan…Ikaw na lang kumanta.”

“Hindi. Hahaha. Alam mo to.” Nag-umpisa ng tumugtog si Leila… O___o “Sing sunshine.”

 ♪ Now playing: Mine – Santana – Glee Season 4

♪ You were in college, working part-time, waiting tables

Left a small town and never looked back

I was a flight risk, afraid of fallin’

Wondering why we bother with love, if it never lasts… ♪

Feel na feel ko yung pagkanta. Acoustic ng Mine ni Taylor Swift eh. (:

♪ I say, “Can you believe it?”

As we’re lyin’ on the couch

the moment, I can see it

Yes, yes, I can see it now… ♪

Napapangiti na lang ako bigla sa kinakanta ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit eh. Parang may iba sa pakiramdam. Kakaiba pero hindi siya nakakatakot.

♪ Do you remember, we were sittin’ there, by the water?

You put your arm around me for the fist time

You made a rebel of a careless man’s careful daughter

You are the best thing that’s ever been mine… ♪

TUG-DUG.

♪ And I remember that fight, two-thirty A.M.

When everything was slipping right out of our hands

I ran out, crying, and you followed me out into the street

Braced myself for the goodbye, cause that’s all I’ve ever known

Then, you took me by surprise

You said, “I’ll never leave you alone.” ♪

Tagus-tagusan eh. All my life I have been alone. Self-supporting sa lahat ng bagay. Sinwerte na lang ako ng nagkaroon ako ng bestfriend na tulad ni Leila pero ngayon…ewan ko ba. Lately nagkakaroon na ko ng dahilan umuwi ng maaga. May nangangamusta na sa mga pangyayari sa school… I don’t feel alone anymore.

“Melody. Bakit tumigil ka?” nilingon ako ni Leila. Tuloy pa din kasi siya sa pagtugtog pero di na ko kumakanta “Friend, you okay?”

“Ayos lang ako.”

“Di nga? Eh bakit nanahimik ka na lang bigla? Don’t tell me…”

“Tell you what?”

“Sapul ka sa kanta nu?”

Tumango na lang ako. Totoo naman kasi eh. Nasapul ako ng bongga sa kanta. Straight to the heart lungs and kidney. K payn. Korny ko. =____=

“Halalala…” siniko-siko ako ng bestfriend ko “Inlab ka na friend! Wiwit! Kinikilig akow!”

“Umayos ka nga Leila. Nakakahiya to oh.”

“Sus. Wala namang nakatingin! Sino yung swerteng lalaki? Kilala ko ba?”

“Di mo siya kilala.”

“Pakilala mo sa’kin. Pak na pak ka friend! Inlababo na din sa wakas! Nyahahaha!”

Papasok sa room namin, wala ng ginawa si Leila kundi kilitiin ako at asarin. Grabe magpakita ng moral support nu? =____=

“Kayo na ba ni mystery guy mo?”

“Eh?”

“Kayo na ba?”

“Hindi.” Umubob ako sa upuan ko “Hindi nga niya alam na mahal ko siya eh. AW! Bakit ka namamatok?!”

“Umamin ka na. Sige ka. Maunahan ka pa. Bwahahaha!”

“Ayoko nga. 99.9% tatanggihan ako nun.”

“May .1% namang natitira. Gamitin mo yun.”

“Ha? Ayoko. Sobrang hina ng percent na yun nu. Ayaw!”

“Ang tongaks mo friend. Kung weather prediction nga na nagsasabing 30% lang yung chance ng ulan tapos ang ending 100% umulan the whole day…”

“I don’t get you…”

“My point is: it’s just a damn number. Beat the odds. It’s better to regret doing something than to regret doing nothing.”

Napaisip ako sa sinabi ni Leila. Badterp. Palibhasa may experience na sa love-love na yan kaya kung makapag-advice wagas. =3=

--

Uwian.

Sa huli, napag-isipan kong umamin na lang. Wala naman sigurong mawawala. Palakasan na lang ng loob to. Kung mapahiya ako, tatalon na ko sa building namin. Dejk. Marami pa kong pangarap sa buhay ko.

Nang nakarating ako sa pinaka-building namin, nag-form na yung ngiti sa labi ko. Ang tindi na din ng heartbeat ko. Kumaripas na ko ng takbo paakyat. Nasa third floor kasi yung apartment ko.

“Saglit na lang, makikita ko na siya…” bulong ko. Hay naku. Uso lumandi. Hahaha.

Nawala ang ngiting nakaporma sa mga labi ko ng nakita ko si Zxen… duguan yung gilid ng labi… at mga damit at gamit ko na nakakalat sa labas… Napalitan ng galit at pagtataka.

“ANONG NANGYARI?!!!!!!”

Three wishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon