Chapter Fifthteen

59 1 0
                                    

"Please, stop. Lasing ka Ceylon..." nag mamakawa na tinig ko.

"Nope, I'm already on my state."

Kumunoot ang noo ko habang pinag mamasdan siya. Medyo magulo na ang buhok niya at may iilan na rin ang tumatabon sa bandang noo nito. The light of the moon that comes from the window reflect on his brown eyes.

Ayan na naman ang mga mata niya! Pakiramdam ko ay pinapaikot ako.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago salubungin ang nakakapaso niyang titig. He looked amused while waiting me to say something.

"Bukas na tayo mag usap, lasing ka."

Mas lalo lang siyang humakbang palapit sa akin. Halos isampa niya ako sa lababo ng tumama ang matipuno niyang dibdib sa akin.

"I want us to talk tonight," malambing na sabi niya.

"Baka... baka kase hindi usap ang mangyari..."

Napa pikit ako ng mariin noong sabihin ko 'yun. Damn it! Ano naman ba ang pinag iisip ko!

"Babe, what are you talking about, hmm?"

Tinapunan ko ito ng masamang tingin noong sinabi niya 'yun. Kinagat nito ang pang ibaba niyang labi para pigilan sumupil ang ngiti.

Noong balingan ko ang labas ay nakabukas pa rin ang ilaw roon! Agad ko siyang natulak at lumayo dahil sa takot na makita kami sa gano'ng posisyon! Baka kung ano pa ang isipin noong mga kasama niya!

"S-sir, may tao po sa salas."

Nauutal ako sa pagsasalita dahil sa lakas ng tambol ng puso ko. Umatras ako ng humakbang siya papalapit sa akin pero natigil ako sa pag atras ng tumama ang likuran ko sa dingding. Sing lamig ng buong katawan ko ang pader na sinandalan ko ng tuluyan na siyang makalapit sa akin.

Napigil ang hininga ko ng yumuko siya sa harapan ko para magpantay ang tingin namin. Pinagpahinga niya ang braso niya sa dingding malapit sa ulo ko. Napa singhap ako ng ilapit niya ang muka niya sa tenga ko. Bawat kawala ng hininga niya, pakiramdam ko ay kinikiliti lahat ng bahagi ko sa katawan.

"Pinalayas ko na," He whispered.

"Sige po, l-linisin ko lang ang salas sir."

Tinulak ko ang dibdib nito para makalayo ng kaunti sa sa akin, pero hindi man lang siya gumalaw kahit na kaunti. Pakiramdam ko ay isa akong kawawang kuting na hinaharangan ng malaskuladong aso.

Pinilit kong isiksik ang katawan ko sa kakarampot na espasyo sa gilid namin para tuluyan akong makalayo sa kanya. Narinig ko ang tawa niya ng tumakbo ako patungo sa salas. Napa hawak ang isa kong kamay sa dibdib ko para pakalmahin ang nag huhuramentado kong puso.

Ang tarantado na 'yun! Tuwang tuwa pa sa mga kalokohan.

"I'll help you." A baritone voice echo from my back.

Napa talon ako sa gulat dahil doon. Hawak pa rin ang dibdib ko at nanlalaki ang mata ko ng lingunin ko siya.

"Naku, w-wag na po!" I tried my best not to trembled, but I failed.

Wala siyang imik sa sinabi ko. Naglakad lang siya patungo sa lamesa, dala dala ang isang plastik na pag lalagyan ng can beer.

Nag pakawala ako ang ng isang bugtong hininga at naglakas loob na rin naglakad patungo sa mesa. Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyare, kahit pa hindi ako komportable. Mukang wala na talagang makaka awat sa gusto niyang mangyari.

Dinala ko ang mga hagasin na plato sa sink, bago bumalik sa salas dala ang tissue at alcohol para linisan ang lamesa.

Nang bumalik ako sa kusina ay napa awang ng bibig ko ng makita si Ceylon sa sink na sinisimulan ng hugasan ang mga plato. Agad akong lumapit sa kanya at Isiniksik ang sarili para mapalitan siya pero hindi man lang siya umurong kahit na kaunti. Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin.

Seducing The Mafia (MAFIASERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon