Chapter Fourteen

75 2 6
                                    

Binitawan lang ni Ceylon ang kamay ko ng baba na kami sa sasakyan. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa pisnge dahil sa hiya. Sumakit din ang dibdib ko dahil sa lakas ng tambol ng puso ko.

This felling... it might be dangerous, right?

"Trisha!" Ang matinis na sigaw ni Step ang agad na bumungad sa akin pag pasok ko sa bahay.

She looked relief when she saw me entered the house. Tumakbo ito sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit. Akala ko naman isang taon kami hindi nag kita! Napa kagat ako sa pang ibaba na labi ko ng masagi niya ang sugat ko.

"Aray ko! 'Yung likuran ko naman." Reklamo ko.

"Sorry!" Aniya sabay kalas ng kamay niya na naka-yakap sa akin. "Nag aalala lang ako sayo, and I missed you..."

I smiled and hug her. Na miss ko rin siya, wala akong kasama sa hospital kaya sobrang akong bored. Kung puwede lang ay tumakas na ako roon ay ginagawa ko na. She didn't hug me back, takot na masagi naman ang likuran ko.

"Kumain ka na ba, hija?" Si ate Loida.

Lumabas ito galing sa kusina, ngitian niya ako at 'yung tao sa likuran ko. Umiling ako kaya naman ay walang pag aalinlangan na hinatak ako ni Step patungo sa kusina. Nag pa tianod na lang ako sakanya, mapilit pa naman itong isa na 'to.

"Kamusta ka?" Agad na tanong sa akin ni Step.

Umupo ako sa isa sa mga high chairs doon. I rested my chin on the back of my hand while looking at Step, preparing my food.

"Nagulat na lang kami kinabukasan kung bakit may dugo! Alam mo ba yun? Lalo na noong wala kaming na abutan na tao dito sa bahay! Basag pa ang dalawang window glass kaya sobra akong nag panic. Pinaka kaba niyo kami, nag tawag pa naman ako ng pulis noon. Akala ko na kidnap na kayong dalawa ni Sir." Walang preno na kuwento niya.

Inilagay nito ang banana cake na niluto raw nila ni ate Loida noong nalaman na uuwi na ako. Para namang hinaplos ang puso ko doon. Kahit naman wala na silang pa ganto, maid rin naman ako kagaya nila. But they do still effort so, I really appreciate it, a lot.

I spend my time talking to Step. Sinabayan niya pa ako na kumain kahit na ang kuwento niya ay kakatapos lang nila ni ate Loida na kumain ng miryenda.

"Inabot ko kay sir yung mga sasagutan mo, na missed mo kase ang exam ni Ms. Ramos. Mabuti na lang at pinayagan ka noong sinabi ko na nasa hospital ka."

Napa angat ako ng tingin sakanya.

"Pumunta ka sa klase ko?" Takang tanong ko.

Malayo ang distansya ng room ko sa room nila. Kahit parehas kami na Med Student at iba pa rin naman ang course ko. MedTech ako samantalang Nursing naman ang sa kanya.

"May kaibigan rin ako roon, kaya noong pumunta ako doon at tinanong siya kung may exam o activities kayo ay sinabi niya sa akin na meron daw. Kaya ayun, pumunta ako kay Ms. Ramos tapos binigay ko kay Ceylon. Sabi ko pasagutan sayo."

"Na kay Ceylon pa 'yun ngayon?"

"Oo, pero ang alam ko. Inilagay niya na ata sa kuwarto mo." Hindi pa siya sigurado sa huling linya.

Tumango ako at inubos ang laman ng baso ko. Sigurado ako na maraming akong kailangan aralin ngayon dahil ilang araw akong nawala sa school. Kapag collage student ka pa naman ay mahalaga ang bawat araw na lumilipas.

"Sagutan ko lang," paalam ko dahil gusto kong mag pahinga ng maaga.

Nang pumasok ako sa kuwarto ko ay nakahilera ang mga paper bag sa kama ko. Malinis at walang kalat sa paligid. Maging ang study table ko na medyo magulo noong iniwan ko ay maayus rin. May dalawang papel na nakapatong sa bukana, ito siguro 'yung exam ko.

Seducing The Mafia (MAFIASERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon