Chapter Five

106 0 0
                                    

"Masarap?" Tanong niya noong sumubo ako ng isang kutsara ng binake niya.

Inalok niya ako na kumain kanina.He baked cassava cake. Amoy pa lang ay ginutom na ako lalo na noong nilabas niya na iyon sa mini oven.

"O-oo, magaling ka pala mag luto."

Hindi ako makatingin ng daretso sa kanya dahil takot naman akong masalubong ang malamig niyang titig. Hindi ko mawari kung anong klase ng pakiramdam 'yun. Basta, isa lang ang siguro ko. Ayaw ko na siyang makita na ganun ka-galit ulit.

"Uhmm... not just good looking, kung sa pagiging ideal husband ba papasa ako?" A playful smile appeared on his lips.

Nagbara ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya kaya naman mabilis kong kinuha ang tubig sa gilid ko para uminom.

"Why?" Kunoot ang noo niya ng magtanong.

"Wala, para sakin... a-ano..." I trailed off.

Pakiramdam ko ay parang naging kamatis bigla ang pisnge ko dahil sa ideya na biglang pumasok sa isipan ko.

Imagine having a husband like Ceylon. Cooking a meal for his wife and children. I think it's cute. Sa laki ng katawan niya at libro lagi ang hawak hindi ko lubos maisip na mahilig rin pala siyang magluto.

Bukod kaya sa pagluluto ano pa ang kaya niyang gawin? Hmm...

"Ano?" He leaned closer.

"Hindi siguro..."

"Bakit hindi?"

Umayos ito ng upo at mas lalong lumapit sakin. Kahit pa nasa kabilang banda siya ng mesa ay nagawa niya pa rin sakupin ang personal space ko sa mesa.

"Baka tumaba ang magiging asawa mo, ang sarap pa naman ng luto mo."

"I don't care if she gain weight, It won't change the fact that I love her." he said with full of confidence.

"Balak mo na mag asawa?"

"Ikaw ba?"

Tumiwid ito ng upo kaya nakita ko naman ang malapad niyang dibdib. Nag iwas ako ng tingin doon. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga.

"H-hindi ko pa alam e..."

"Sabihan mo ako kapag handa ka na."

I turned to him. With my brows shot up and confused reaction on my face.

"B-bakit?"

"May irereto ako sayo." Ngitingiting sabi niya.

I laughed at that. Really? Irereto? E, baka nga hindi pa ako nakikila ng irereto niya sakin ay tangihan na ako. Makita pa lang ang picture ko.

Hindi ko na pinatulan ang sinasabi niya na reto reto kineme. Inubos ko ang cassava cake sa platito na hinain niya. Balak ko ng matulog dahil maaga pa ako kinabukasan.

"Mauna na po ako," paalam na sabi ko.

Tapos na akong maghugas ng pingan at kubyertos na ginagamit namin. Naabutan ko pa ang paghikab nito ng harapin ko, ang mapupungay niyang mga mata ay dumapo sakin.

"Hindi ka man lang interesado sa irereto ko sayo?" Muling tanong nito. Umiling ako.

"Wala naman akong tipo sa mga kaibigan mo."

"Hindi naman sa kanila..." he trailed off.

I titled my head to the side while catching his eyes. Malikot ang mata nito at halatang ayaw ipahuli. Tumikhim ito at nag paalam na para matulog.

Hindi ko rin minsan maintindihan ang trip ng isang 'yun. Ilang araw niya akong hindi pinapansin tapos kanina ay bigla na lang nagbago ang mood niya. Parang bigla siyang umamo sa amo niya.

Seducing The Mafia (MAFIASERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon