"Hoy! Ano yun?! Maid rin naman ako pero bat ikaw lang inaya!" Maktol na sambit ni Step sa harapan ko. Ngumuso ito kaya mas lalo akong natawa.
"May favoritism si doc." Nakangisi na sagot ko.
Nakakahiya pero di ko maitago ang wagas na ngiti na tumatakas sa labi ko, shit. Anubayan! Bakit kase may bigla siyang may pag ganun?!
Alam ko... alam ko na mali na matuwa ako sa mga simple na bagay na ginagawa niya para sa akin. Pero, hindi ko maiwasan. Parang may kung ano ang nasa loob ko ang gustong gusto ang pinag gagawa ni Ceylon.
Piniling ko ang ulo ko dahil sa kahibangan na naiisip ko. Mahirap sumugal sa bagay na ikakapahamak ng iba... maaring ikakasaya ko ang mga bagay na gagawin ko pero hindi ganun ang magiging epekto noon sa kanila. Lalo na sa mama at kapatid ko, nakakatakot ang maaring maging epekto noon.
Mahirap sumugal sa laban na alam mo sa umpisa pa lang ay talo ka na.
"Hoy anong-- maid ka?!" Nabalik na lang ako sa realidad ng sumigaw si Chloe.
"Ingay nito, para namang bago 'yun?" Medyo iritable na reaksyon ni Step.
"Kay ceylon?!" Hindi makapaniwala na tanong ni Chloe.
"Oo nga, ulit ulit?"
"Paanong--"
"Katulad pa rin ng dati, kailangan ni mama e." She said like it's not a big deal. "Kasama ko si Trisha dun, wag kang mag alala." Dagdag nito.
"Alam ko, nakita ko siya sa bahay ni doc e." Bumugtong hiniga si Chloe.
Napa awang ang bibig ni Step pero mabilis niya rin binawi 'yun, tumungo tungo si Step bilang pag intindi sa pangaral ni Chloe sa kanya. Gusto ko na matawa tuwing pagtataasan ng bosses ni Chloe si Step dahilan ng pagkasindak nito. Para silang magkapatid at si Chloe ang pinaka matanda.
"Nakakainis kayong dalawa, mag apply rin kaya ako na maid kay Cey?"
Nag panlumbaba si Chloe na amimo'y nag iisip pa kung tutuloy o hindi na.
"Wag na, baka mawalan pa kami ng trabaho dahil sayo." Natatawa na biro ko.
"Grabe ka!" Nag tatampo na sinabi ni Chloe.
"Joke lang," nakangisi na pagbabawi ko.
Nilingon ko ulit ang table nila Ceylon. May hawak ng makapal na libro si Ceylon at tila nag papaliwanag siya sa dalawa. Napangiti ako habang pinag mamasdan siya, napaka seryoso niya tuwing pag aaral ang pag uusapan. His always perusing the decision he already made, nahiya tuloy ako bigla. Pabago bago kase ang isipan ko. Hindi ko mawari kung Med o F.A ang gusto ko dahil pareho ko naman dream job ang dalawa na 'yun.
Katulad ng napag usapan namin nila Chloe at Step kanina ay tumulak na kami paalis matapos ng klase namin. It was a simple happy and tiring day. Kumain lang kami sa tabi tabi at namasyal sa pinakalamit na mall sa mapupuntahan namin. Gusto ko sana mag reklamo dahil inabot na kami ng hapon kakaikot at nanakit na ang paa ko kakalakad, pero nag eenjoy naman ako na kasama sila kaya ayus lang.
At some point, they filled the emptiness that i've been feeling this past few days. Wala si Jen kaya naman wala akong mapag sabihan ng problema, although one call away lang naman ang isa na 'yun, pero ayoko ko. Ayoko muna siyang istorbohin lalo na't complicated rin ang nagyayari sa kanya ngayon.
"Saan mo pala balak pumasok ng Med school?" Tanong ni Step sakin.
"Canada, balita ko maganda ang turo at facilities nila dun. Dun na rin siguro ako mag re-residency."
Canada is my dream land, gusto ko kapag natapos na ang contract ko kay Simon ay dun na kami mag stay. Pansamantala dahil mas gusto ni mama rito sa pinas.

BINABASA MO ANG
Seducing The Mafia (MAFIASERIES #2)
Romance(MAFIASERIES #2) ON-GOING Trisha Lyn Serrano is a secret agent, she is a fearless type of woman. Sanay na sanay ito pag-dating sa bakbakan dahil pinanganak siya para protektahan ang pamilya niya. She is also the type of woman who puts the family fir...