Chapter Sixteen

59 2 0
                                    

The sky is clear, kakaunti lang rin ang makikita kong ulap. Malakas ang hangin kaya marahas na nililipad ang buhok ko para tumabon sa muka ko. Sinikop ko 'yun para ilagay sa kabilang balikat ko.

Tama nga ako ng hinala ko kagabi. Maaaga akong nagising para hindi na maabutan pa si Ceylon. Pero halos tumakbo ako pabalik sa kuwarto ko noong nakita ko siya sa salas na bihis na bihis na at handa na para pumasok.

Pinaunlakan niya ako ng sakay since last day namin 'to para pumasok sa school. I'm torn for obeying what he said but some part of me is stopping me from doing it. Dahil sa kahihiyan na ginawa ko kagabi ay di ko alam kung kaya ko iyon tangapin!

Hindi ko mabilang kung naka ilang bugtong hininga na ako sa sasakyan niya ngayon.

"What's bothering you?" he asked after the long stretch of silence.

"Wala naman," bagot kong sagot.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan ngayon na nasa loob kami ng sasakyan niya. I feel so damn embarrassed!

"What are your plans for tomorrow?" he asked again.

"Wala pa rin, hindi ko alam kung aalis ba ako sa bahay o hindi."

Walang pasok bukas dahil nakaugalian na isarado ang school tuwing bago mag valentine's day. Today is February 12, dalawang araw walang pasok at sa lunes na ulit ang balik sa klase.

Nilingon ko siya ng hindi siya kumibo. Ang mata niya ay nanatili sa kalsada bago ako dapuan ng mabilis na tingin. Mabilis man ay kita ko ang pananatya sa titig niya. Inaalam kung anong maaring gumugulo sa isip ko ngayon. Nag iwas na lang ako ng tingin.

"I'm going in Antipolo," he said. "You want to join me?"

Nilingon ko siyang muli. Nakangiti akong umiling.

The last time I went there isn't a good memory for me. Lalo na kapag nakita ako ni tita Alma, panigurado na kukulo ang dugo noon sa akin. Nasa hamba pa lang ako siguro ng tangapan ng rest house nila baka pabalikin na ako dito sa manila.

"Wala sila tita Alma at maging ang mga kaibigan ko ay hindi sasama, kung 'yun ang inaalala mo." Maingat niyang sabi.

Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. Baka naman dahil lamang sa akin kaya wala siyang inimbita na kahit na sino. Pakiramdam ko ay may humaplos sa puso ko dahil sa impormasyon na sinabi niya sa akin.

"It's okay, you can invite them." Sehustion ko.

Umigting ng paulit ulit ang panga nito. Nang lingunin niya ako ay para akong natunaw sa talim ng titig nito. Ang gitla ng noo nito ay kunot na kunot.

"I'd like to invite you, instead of them. Ilang besses na silang nakapunta doon at nakapagsaya." Madiin ang bawat bitaw niya ng salita sa huling sinabi.

Napakagat ako ng pang ibaba kong labi. It's true. Mukhang sanay na sanay na sila roon noong unang besses na punta ko.

"Ikaw, isang besses pa lang at pangit pa ang trato nila sayo. I want you to enjoy the peaceful view, the refreshing air and let go all the negative thoughts. I want you to feel free...for some reason..." he trailed off.

"Thank you," i said sincerely.

"So... do you want to come with me? Just two days and one night."

Nakangiti ako na tumango. "Of course!" Masayang payag ko.

He smiled because of that. 'Yung ngiti na nakahinga ka ng maluwag.

Our topic went on and on until we finally arrived on the parking lot in azolea. Noong nahatid niya na ako sa harapan ng classroom ko, I wave as a goodbye samantalang nakangiti lamang siya na tumago.

Seducing The Mafia (MAFIASERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon