"Trisha!" Habol na tawag ni Chloe sa likod ko.
"Maglalakad na lang ako," I said without even glancing at them.
"Gaga ka! Sumabay ka na lang kaya sakin?" she offered, nilingon ko siya at umiling. "Ang tirik tirik ng araw, baka mamaya mahimatay ka pa sa daan!" Nag aalala na tanong niya.
"Okay nga lang," Pagkumbinsi ko sa kanya pero pinanliitan niya lang ako ng mata, hindi pa naniniwala.
"Sakin hindi, sumabay kana." Lumapit siya sakin at hinawakan ang pulsuhan ko, she gave me a convincing smile. "Tara na, okay?" Hinatak niya ako pabalik sa loob para makasakay kami sa kotse niya. Trip na ata niya talaga na hatakin ako kahit hindi pa ako pumapayag.
Pero sa kamalasmalasan, mag katabi pa ang sasakyan ni Ceylon at Chloe sa parking lot. Nag tama ang paningin namin ni Ceylon ng makarating kami sa sasakyan ni Chloe. I looked way and act like i didn't notice him.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, para akong tanga na iwas ng iwas kahit wala naman dapat iwasan. Dapat nga ay lumandi ako ng lumandi kay Ceylon. Hindi 'yung iniiwasan ko siya!
Nang balingan ko ulit siya ng tingin ay akma na mag sasalita na sana siya pero naunahan siya ni Chloe.
"Get inside," Chloe said in a serious tone.
Chloe started to drive, bago tuluyan lumabas ang sasakyan ni Chloe ay muling nag tama ang paningin namin ni Ceylon. It looks like he wanted to say something-- or maybe I'm just assuming?
"Pull yourself together, when Kylie sees that you are affected because of what she is doing, she will take advantage of that." Bigla ay sabi niya.
"I know," wala sa sariling sabi ko, tinuon ko ang pangin ko sa labas.
Mahabang katahimikan ang bumalot samin sa sasakyan, kaming dalawa lang dahil may susundo na kay Stephanie. Gusto ko na lumabas ng sasakyan at maglakad na lang pero alam ko na hindi papayag si Chloe. Gusto ko na bumalik sa Azolea, hindi para kausapin at lumandi kay Ceylon. Kundi para sampalin ng malutong si Kylie.
Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa babae na 'yun. Ayaw ko sa mga kagaya niya... hindi ko alam kung bakit, basta ayoko lang makipag plastikan.
Anong karapatan niya na angkinin si Ceylon? Jowa ba siya?! Ang pangit niya nga, e. Yung mga ganun muka di halatang papatusin ni Ceylon kung ako puwede pa. Argh! Why do I sound like a jealous girlfriend or something?
"Saan ka pala?" Chloe break the silence.
"Villa Grande," wala sa sailing sagot ko.
"Wow, Yayamanin ka pala." She teased me.
"Hindi ah, nakikitira lang ako."
"Free ka ba this Saturday?" Chloe asked.
"Hindi ko lang sure, bakit?" Hinarap ko siya ng nakakunoot ang noo ko.
"Balak namin na pumunta sa MOA, sama ka?"
"Tignan ko kung makakaalis ako."
"Sige, sunduin ka na lang namin if hindi ka mag reply--"
"Wag!" Agad na tutol ko, her brows frowned. Dahil sa inasal ko. "I m-mean wag na, kita na lang tayo sa MOA." Maagap na sabi ko, halata man ang pagkalito sa itsura niya pero imbes na mag tanong ay tumungo na lang siya.
"Uhm, andito na tayo. San banda?" Dinungaw ko ang bintana sa side niya para makita, nasa tapat na nga kami ng Villa Grande.
Pinaliwanag ko ang direksyon kay Chloe papunta sa bahay ni Ceylon. Sana ay wala pa siya dun. Nauna naman na kaming umalis kaya siguro naman ay wala pa siya dun. Baka nag date pa 'yung dalawa na 'yun. Tsk, pakialam ko naman kung nag date sila o hindi.

BINABASA MO ANG
Seducing The Mafia (MAFIASERIES #2)
Romansa(MAFIASERIES #2) ON-GOING Trisha Lyn Serrano is a secret agent, she is a fearless type of woman. Sanay na sanay ito pag-dating sa bakbakan dahil pinanganak siya para protektahan ang pamilya niya. She is also the type of woman who puts the family fir...