CHAPTER 3
“And what’s my reward?” wika niya habang idiniin ako sa kanyang katawan.
“Anong reward reward ka riyan?” takang tanong ko naman sa kanya.
“Because I caught you.” aniya.
“Eh, bakit mo naman kasi ako hinabol.” maktol ko namang wika sa kanya.
“Of course because I want my reward.” Aniya.
“Bakit sinabi ko ba-.uhmmm!” hindi ko natapos ang aking sasabihin ng siniil niya ako ng halik sa labi.
“Ranz, ano ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya ng binitawan na niya ang aking labi.
“That’s my reward.” aniya.
“Sira.” sambit ko habang lumayo sa kanya.
“Your lips is so sweet baby!” sigaw niya na ikinahinto ko. baliw ba siya bakit ba siya sumigaw.
“Baby wait!” sigaw niya ulit.
“Baby-hin mo ‘yang mukha mo!” sigaw ko naman sa kanya at umahon sa tubig. Narinig ko naman ang kanyang halakhak kaya napalingon ako sa kanya. At ang luko malapit na pala ito sa akin, kaya napatakbo ako dahil nahihiya rin ako sa kanya.
“Hey! Miles, wait!” sigaw niya pero nag patuloy pa rin ako sa aking pagtakbo. Nakakahiya talaga ang ginawa niya kaasar.
Pagkatapos kong magbihis ay nahiga na ako sa kama. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod dahil sa byahe namin. Malayo-layo rin kasi ang Quezon sa amin.
Narinig ko naman ang katok sa pinto kaya nagtalukbong ako, dahil alam kong si Ranz ito at hindi ko pa siya kayang harapin, dahil nahihiya rin ako sa kanya.
Tumunog naman ang aking phone kaya tiningnan ko agad ito dahil baka si mama ang tumawag. Pero napakunot ang aking noo ng makitang iba ang numerong tumawag.
“Hello,” wika ko ng masagot ito.
“Miles, baby open the door please,” sagot niya na ikina-bilog ng aking mata. Paano niya nakuha ang number ko.
“T-tika lang,” sambit ko at agad pinatay ang kanyang tawag. Tumayo naman ako at nagtungo sa pinto. Ng mabuksan ko ito ay nagtataka ako dahil may hawak siyang bulaklak.
“For you,” wika niya sabay abot ng bulaklak sa akin.
“Bakit mo ako binigyan nito? Hindi pa naman ako patay.” wika ko na ikina-laglag ng kanyang balikat.
“Hindi naman ‘to para sa mg-.”
“Hoy! Ranz, anong pumasok sa utak mo at binigyan mo ako niyan ha? Nasisiraan ka na ba ng ulo.” asik ko pa sa kanya. Dahil sa probinsya namin nagdadala lang kami ng bulaklak kapag bumisita kami sa mga patay.
“No! it’s not like that. This flower is for the per-.”
“Huwag mo akong pinag lululuko Ranz. Hindi ako tanga.” wika ko sa kanya.
“Hindi ko naman sinabing your stupid but iba kasi ito sa sinabi mong flowers.” aniya.
“Anong iba? Magkatulad lang silang bulaklak.” ani ko
“Iba kasi ‘to it’s for special someone.” wika niya na ikina-kunot ng aking noo. Ano kayang pinagsasabi nito.
Makalipas ang ilang buwan ay palagi pa rin tumatambay sa tindahan namin si Ranz. Na papalapit na rin ang loob ko sa kanya, dahil sa kabaitan niya sa akin.
“Gusto mo bang sumama sa akin?” tanong niya sa akin habang magkaharap kami sa upuan.
“Saan naman?” wika ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Husband Lies
RomanceSi Miles ay isang mapagpamahal na asawa ginawa niya ang lahat para protektahan ang kanyang pamilya, pero kaya pa ba niya itong ipaglaban kung ang lahat ay isang kasinungalingan?