Chapter 9

12 2 3
                                    

C9 THL

“Oh, ito kainin mo ‘to.” Napatingin ako sa plato na binigay niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya ng makita ang laman ng plato na mga buto at parang pagkain ng aso.

“Bakit? Ayaw mo?” galit niyang tanong sa akin kaya kinuha ko ang plato sa kanya.

“Pasalamat ka nga at pinapakain pa kita.” wika niya habang bumabagsak ang aking mga luha sa aking mga mata.

“Ano naman ang iniiyak-iyak mo diyan?” Umiling ako sa kanya habang sinubo ang binigay niyang pagkain sa akin.

“Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung anong pinakain mo sa anak ko at nagkagusto sayo. Siguro ginayuma mo ang anak ko.” wika niya habang dinuduro niya ang aking ulo.

“Ito ang tatandaan mong babae ka. Kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya kaya kong ako sayo layuan mo na ang anak ko. pwede ka namang lumayas dahil wala siya rito.” galit niyang wika sa akin.

“Hindi ko po ‘yon magagawa Ma’am, dahil po malapit na po kaming mag-kakaana-. Ahh!” napadaing ako ng bigla niya akong sampalin sa aking pisngi.

“Kahit kailan ay hindi ko matatanggap iyang anak mo!” sigaw niya at mabilis akong iniwan.

Pinunasan ko naman ang aking mga luha sa aking mga mata habang napapalakas ang aking paghikbi.

“Ranz, umuwi ka na,” sambit ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

Dalawang buwan na akong pinapahirapan ng kanyang Mommy at mahigpit niya akong pinagbawalan na sagutin ang telepono, dahil ayaw niya na nakausap ko ang asawa ko. gusto ko sanang umalis na rito pero natatakot ako, dahil baka magalit si Ranz kapag wala ako dito sa pagdating niya.

“Miles! Bilisan mo diyan at kailangan mong magluto.” sigaw ng nanay niya kaya agad akong tumayo.

“Magluto ka ng masarap dahil may bisita ako at ‘wag mo akong ipahiya sa magiging manugang ko.” aniya. Madugang? May iba pa ba siyang anak? 

Nang matapos akong magluto ay hinanda ko ang mesa para sa bisita ng Nanay ni Ranz.  Kahit pinapahirapan niya ako ay sinusunod ko siya para magustuhan niya rin ako.

Ilang sandali pa ay may narinig akong boses ng babae habang tuwang-tuwa naman si Ma’am Dina. Sinusunod ko na lang siya noong sinabi niyang Ma’am ang itawag ko sa kanya dahil hindi niya raw ako anak.

“Bagong katulong mo ba ‘to Mommy?” tanong ng babaeng kasama niya papasok dito sa kusina.

“Oo Anak, bagong katulong na parang linta,” Irap niyang sabi habang nakatingin sa akin. napayuko naman ako ng marinig ko ang sinabi niya.

“Oo nga pala nakausap mo na ba si Ranz? Kailan ang kasal niyo?” nabigla ako sa sinabi niya sa babaeng kaharap niya. anong kasal? Ako ang asawa ni Ranz at kasal na kami kaya hindi na siya maaring iksal sa iba.

“A-asawa ko na po si Ranz,” hindi ko mapigilan ang sarili kong sagutin siya, dahil alam niya naman na kasal na kami ng anak niya, kaya bakit niya pa ito ipapakasal sa iba.

Bigla namang tumayo ang babaeng kasama niya at masama niya akong tinitingnan.

“Ang kapal naman ng pagmumukha mo na angkining asawa ang boyfriend ko. hindi mo ba alam na malapit na kaming ikasal.” wika niya, kaya lalo akong nakaramdam ng galit.

“Hindi mo siya boyfriend dahil asawa ko siya.” madiin kong wika sa kanya pero bigla niya akong tinulak. Mabuti nalang at napahawak ako sa pinto kaya hindi ako natumba. Agad naman akong nakaramdam ng kaba at napahawak sa aking tiyan.

“Wala kang karapatan saktan ako!” sigaw ko sa kanya, pero tumawa lamang siya.

“Mommy, hindi ko alam na matapang pala itong katulong mo.” wika niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Husband LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon