Chapter 7

1 0 0
                                    

CHAPTER 7

SPG

“Ranz, alam kong galit ang Nanay mo sa akin at ayaw niya sa akin na maging girlfriend mo.” ani ko, habang tahimik naman si Ranz at sa daan lang ang kanyang atensyon.

“Wala akong pakialam baby kung gusto ka niya o hindi. Ang importante mahal kita at mahal mo ako.” aniya.

“Pero Ranz, ayaw kong ako ang magiging dahilan ng paglayo ng loob mo sa sarili mong ina.”wika ko sa kanya, dahil sa totoo lang ayaw ko talagang magalit siya sa Nanay niya ng dahil lang sa hindi pagtanggap nito sa sakin.

“Baby, pwede ba, huwag mo nang isipin si Mommy ang importante okay tayo, at ayaw ko nang hindi ka makasama palagi.” aniya habang hinawakan ang aking isang kamay.

“Ha? A-anong ibig mong sabihin Ranz?” takang tanong ko sa kanya.

“Gusto kong sumama ka na sa akin baby.”aniya na ikinagulat ko.

“Nagbibiro ka ba Ranz?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya, dahil baka binibiro lang niya ako. alam naman niyang tinutulungan ko rin ang pamilya ko.

“No baby I’m not, at simula ngayon sa uuwi ka na sa condo ko.” aniya habang nakatingin sa daan.

“Ranz. Ano naman ang sasabihin ko kila Tiya. Lalo na sa mga magulang ko. alam kong magagalit sa akin si Mama at Papa. Ranz bata pa ako. b-baka hindi ko pa kayang gampanan ang pagiging isang asawa.” ani ko.

“Why do you think your young baby? Nagalaw na nga kita, kaya dapat lang na pananagutan na kita.” kunot-noo niyang wika sa akin.

“Pero Ranz. Paano ko naman matutulungan ang pamilya ko. kung gusto mong magsasama na tayo?” kunot-noo ko ring tanong sa kanya, dahil hindi ko pwede pabayaan ang pamilya ko.

“I can give them, baby.” aniya.

“Ano? Hindi mo pwedeng gawin ‘yon dahil lalo lang magalit sa akin ang Mommy mo.” wika ko, dahil kapag nalaman ito ng Nanay niya alam kong magagalit na naman ito.

“Wala naman siyang pakialam baby, and beside it’s my own money kaya trust me baby please,” aniya, habang hinalikan ang aking kamay. Kahit ayaw ko siyang sundin alam kong hindi siya papatalo sa akin at gagawin niya kung anong gusto niya.

Mayamaya pa ay napansin ko nang huminto na siya kaya napatingin ako sa bintana. Napatingala naman ako sa malaking building habang pinasok na niya ang kanyang sasakyan sa parking lot.

“We’re baby,” aniya at lumabas ng sasakyan. Umikot naman siya at binuksan ang pinto na malapit sa akin.

Nang makababa ako ay pumulupot agad sa aking beywang ang kanyang isang braso habang naglalakad kami papasok. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa loob ng building dahil ang ganda nito at napakaganda rin ng white marble title sa ground floor. 

Nang bumukas ang elevator ay agad na kaming pumasok at pinindot niya naman ang eight floor. Nang bumukas ang elevator ay agad kaming lumabas ni Ranz. Huminto kami sa isang pinto at nag swipe siya ng kanyang key. Nang bumukas ang pinto ay may pinindot siya sa gilid at agad bumukas ang ilaw.

“Welcome to our home baby,” wika niya sabay siil ng aking labi.

“I miss this baby,” paos niyang wika habang pinipisil ang aking pang-upo. Tanging ungol lang ang naisagot ko sa kanya.

Naramdaman ko naman ang aking pag-angat kaya pinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg habang naghahalikan pa rin kami.

Binuksan niya ang isang pinto at agad kaming pumasok. Naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likod habang nakadagan sa akin si Ranz. Habang ang kanyang isang kamay ay naglalakbay sa loob ng aking damit. Hindi ko naman mapigilang napaungol habang nasa kaliwang dibdib ko na ang kanyang isang kamay.

The Husband LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon