Chapter 8

4 1 0
                                    

C8 THL

Makalipas ang ilang buwan na pagsasama namin ni Ranz ay hindi ko pa rin nasabi sa mga magulang ko na wala na ako kila tiya at may kinakasama na ako, natatakot kasi akong sabihin sa kanila at alam kong sasama ang kanilang loob sa akin.

“Baby, ang lalim na naman ng iniisip mo?” aniya, kaya napatingin ako sa kanya.

“Naisip ko lang ang mga magulang ko Ranz.” sagot ko sa kanya, habang nakatingin sa daanan dahil pauwi pa lang kami.

“Diba, sabi ko sa’yo huwag mo na silang alalahanin, dahil pupunta naman tayo roon.” wika niya sabay halik sa aking kamay kaya napapangiti ako sa kanya. Pero nagawa ang atensyon ko ng makita ang isang karinderya, dahil bigla akong natakam ng makita ang inilagay nilang spaghetti sa istante. Parang tutulo ang aking laway habang pinagmasdan ang matingkad nitong kulay na parang kulay orange.

“Baby, anong tinitingnan mo?” tanong ni Ranz sa akin, dahil nagtataka siya kung bakit ako nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

“Ranz, tingnan mo oh, gusto kong kumain no’n.” Turo ko pa sa spaghetti.

“Gusto mong kumain ng spaghetti?” tanong niya naman sa akin, kaya mabilis akong tumango sa kanya.

“Sige magluluto ako pagdating natin sa bahay.” aniya, kaya, bigla akong nainis sa kanya.

“Ayoko! Gusto ko nga ‘yon. Kaya bilhan mo ako no’n.” galit ko namang sigaw sa kanya napansin ko naman ang kanyang pagkagulat dahil sa aking ginawa.

“Pero Baby, nasa gitna tayo ng highway. Paano tayo makakabili niyan.” sagot niya naman sa akin habang napansin ko ang kanyang pagtitimpi, hindi ko rin naman maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nagkaganito.

Sa inis ko naman sa kanya ay parang gusto ko ng tumalon sa bintana ng kanyang kotse para makabili sa nakikita kong spaghetti.

“Baby. Ano ba’ng nangyayari sa’yo?” wika niya habang hinahawakan ako dahil gusto ko nang lumabas ng sasakyan para makabili ng spaghetti.

“Gusto ko ngang kumain no’n Ranz,” iyak ko namang sabi sa kanya habang tinuturo ang spaghetti na nasa karinderya.

“O-okay, huwag ka ng umiyak babalik tayo mapa makabili niyan, bawal kasi tayong mag-u-turn dito.” bigla namang namilog ang aking mga mata ng marinig ang kanyang sinabi.

“Talaga! Bibilhan mo ako no’n?” tuwang wika ko sabay turo ng spaghetti. Tumango naman siya sa akin kaya niyakap ko siya dahil sa tuwa na aking nararamdaman, hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkaganito.

Nang mabilhan ako ni Ranz ng spaghetti ay agad ko itong kinuha sa kanyang kamay at mabilis na kinain.

“Baby, dahan-dahan lang baka mabilaokan ka niyan.” wika niya habang nakatingin sa akin. hindi naman ako sumagot sa kanya at hinayaan lamang siya. wala rin akong balak na bigyan siya.

Nang matapos na kaming kumain ay pansin ko naman ang mukha ni Ranz na hindi makapaniwala na nakatingin sa akin, dahil halos maubos ko ang spaghetti na binebenta nitong karinderya.

“Baby, diba kumain pa tayo kanina? Bakit parang gutom na gutom ka?” taka naman niyang tanong sa akin habang kibit balikat lang ang tugon ko sa kanya.

Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko habang nasa loob na ulit  kami ng kotse dahil pakiramdam ko ang gaan gaan ng aking katawan kahit ang dami kong nakain na spaghetti.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto at humiga kanina ko pa kasi nararamdaman ang sobrang antok.

“Baby, baka hindi ka matunawan niyan. Tumayo ka muna at maligo.” rinig kong wika ni Ranz pero hindi ko siya pinansin. Hanggang sa nararamdaman ko na lang na bigla na lang ako umangat sa eri.

The Husband LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon