CHAPTER 6
“Miles, bakit ka umiyak?” takang tanong naman ni Darlyn sa akin. Lumapit siya sa akin kaya mabilis ko siyang niyakap at humagulhol sa kanyang balikat.
“Akala ko okay na kami, eh, pero mukhang galit pa siya sa akin, baka iniwan na niya ako,” iyak kong wika kay Darlyn.
“Ano ka ba Miles, huwag ka ngang mag-isip ng ganyan, baka busy lang siya.” pag-aalo naman niya sa akin.
“Bakit hindi man lang niya ako naisipan tawagan Darlyn? Alam niya naman ang number dito sa tindahan.” wika ko habang umiiyak pa rin.
“Huwag kang mag-alala Miles, alam mo naman na mahal ka ni Ranz diba? Hindi naman iyon magtitiis ng ilang buwan para ligawan ka kung hindi ka niya mahal kaya huwag ka ng umiyak,” wika ni Darlyn sa akin, kaya tumango naman ako sa kanya at pinunasan ang aking mga luha.
Lumipas ang ilang araw ay wala pa rin akong Ranz na nakikita halos gabi-gabi rin akong umiyak dahil sa kanya. Miss ko na kasi siya at ngayon ko lang napagtantong mahal na mahal ko siya.
Matamlay pa rin ako habang nagbabantay sa tindahan wala si Darlyn dahil isinama siya ni tiya para mamili.
“Ate pabili po,” tumayo ako sa upuan at nilapitan ang bumili.
“Ano ‘yon?” tanong ko sa kanya.
“Pabili po ng coke ate iyong one point five,” aniya kaya agad naman akong lumapit sa ref at kumuha ng coke.
“Ito na,” wika ko habang inabot ang kanyang bayad. Pag-alis ng bumili ay nilagay ko ang benta sa lagayan ng mapansin kong may taong nakatayo sa labas.
“Ano ‘yon?” walang gana kong tanong sa kanya.
“Pabili,” sambit niya kaya agad akong napatingin sa kanya, dahil kilala ko ang boses niya.
“R-Ranz,” sambit ko habang naglalandas na ang aking luha sa mga mata.
“Baby, I miss you,” wika niya habang may ngiti sa kanyang mga labi. Agad akong lumabas sa tindahan at patakbong lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak sa kanyang dibdib.
“Why are you crying baby?” tanong niya habang yakap niya rin ako.
“Akala ko nakalimutan mo na ako,” iyak kong sabi sa kanya.
“Bakit naman kita iiwan babe, alam mo naman na mahal kita.” wika niya kaya agad akong nag-angat ng tingin sa kanya.
“Bakit hindi ka na nagpakita sa akin?” kunot-noo kong tanong sa kanya habang pinunasan niya ang aking mga luha.
“I’m sorry baby, hindi na ako nakapag-paalam sa’yo . biglaan kasi ang mission namin at ako ang head ng headquarters namin,” paliwanag niya sa akin.
“Pero bakit hindi mo man lang ako tinawagan? Diba alam mo naman ang number dito?” tampo kong wika sa kanya.
“Sorry na babe, wala kasing signal doon,” wika niya sabay halik sa akin. Napangiti naman ako habang tinugunan ang kanyang halik.
Lumipas ang ilang buwan na masaya kami ni Ranz. Lagi rin kaming namamasyal sa tuwing nandito siya. kapag nasa headquarters siya ay panay tawag naman siya sa akin.
“Miles, malapit nap ala fiesta sa inyo, uuwi tayo roon.” wika ni Darlyn, ngayon ko lang din naalala na tama nga siya at medyo matagal na rin na hindi ako nakauwi sa amin.
“Bakit? Papayagan ka ba ni Tiya?” tanong ko sa kanya habang naglalakad palapit dito.
“Oo ano ka ba? Sabi niya pupunta rind aw sila.” aniya.
BINABASA MO ANG
The Husband Lies
RomanceSi Miles ay isang mapagpamahal na asawa ginawa niya ang lahat para protektahan ang kanyang pamilya, pero kaya pa ba niya itong ipaglaban kung ang lahat ay isang kasinungalingan?