"Nag-review ka na ba para sa exam?"
Umiling ako kay Charles nang tanungin niya ako. Malapit na ang final examination pero hindi pa rin ako nakakapagreview dahil tinatapos ko pa ang mga projects namin. Next next week na ang exam. Malapit na kasi ang graduation kaya marami na silang iniiwan na gawain.
"Hindi pa ako tapos sa mga projects. Ikaw ba?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.
"Hindi pa rin. Sabay na tayong mag-review next week. Sa bahay na lang tayo para na rin makapagfocus ka."
Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot at nakinig nang muli sa discussion. Nag-text ako kay mama na mal-late ako ng uwi dahil may tinatapos kaming project ng mga kaklase ko.
"Ingat kayo. Keep me updated." bilin ni Charles bago kami maghiwalay. May tinatapos din kasi silang project ng mga kagrupo niya. Hindi naman kami magkagroup sa subject na iyon kaya wala kaming choice kundi gumawa nang magkahiwalay.
Sa bahay ng isang kaklase namin ginawa ang project. Malaki ang bahay nila ay nandoon na naman lahat ng kailangan namin kaya walang naging problema. Nagtulong-tulong na rin kami para matapos na agad namin. Konti na lang naman ang gagawin namin dahil patapos na rin iyon.
Nagpahinga kami saglit nang matapos na kami. Tinext ko si Charles at kinamusta ang ginagawa nila. Patapos na rin daw ang sa kanila. Nagpaalam na rin kami na uuwi na kami dahil baka gabihin pa at mahirapan kaming maghanap ng sasakyan. In-update ko rin iyon kay Charles.
Pag-uwi ko ay tahimik na ang bahay. Hindi nag-away sila mama o katatapos lang nang away nila? Pumasok ako at nakitang sa couch natutulog si papa. Sumilip ako sa kwarto nila at nakita roon si mama na mahimbing na ang tulog. Maaga silang nakatulog?
Dahan dahan lang ang paglakad ko papunta sa kwarto. Maingat ang bawat galaw dahil baka magising ko sila. Kumuha ako ng pamalit at nagpalit saglit sa banyo pagkatapos ay nahiga na rin. Tumayo ako sa may kama at nag-isip. Isang minuto yata akong nag-isip kung tatanungin ko ba si kuya sa pangyayari. Sa huli ay napagdesisyunan kong tanungin siya.
Hinawi ko ang kurtina na nagsisilbing pinto sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko pa man natatawag ang pangalan niya ay nagkatinginan na kami.
"B-bakit?" nag-aalalang tanong ko. Namumula ang mga mata nito at sigurado akong umiiyak siya.
"Wala." malamig na sabi nito sa akin.
"Umiyak ka ba?"
"Matulog ka na." utos nito sa akin. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko.
"Umalis ka na nga. Patayin mo na ang ilaw, sumasakit ang mata ko." ramdam ko ang pagka-irita nito.
"O-okay." napayuko na lamang ako at sinunod ang sinabi niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako para sa kaniya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak. Hindi dahil sa sugat, sa bali o sa pag-aaway nila mama. Sigurado akong hindi sila mama ang dahilan noon.
Hindi ako mapakali kaya binuksan ko ang cellphone ko at minessage ang isang tao.
To: Ate Kath
ate, nag-away po ba kayo ni kuya?Matagal bago ako nakatanggap ng reply mula sa kaniya.
From: Ate Kath
bakit mo natanong?To: Ate Kath
nag-aalala lang po akoHindi ko sinabi na nakita kong umiiyak si kuya. Sigurado kasi ako na pupunta rito si kuya at pagsasabihan ako na pakielamera. Alam ko naman na pakielamera talaga ako pero nag-aalala lang naman ako sa kaniya.
From: Ate Kath
buntis ako, Gianne.From: Ate Kath
i'm sorry. sana mapatawad niyo ako.Nabitawan ako nag cellphone ko pagkabasa noon. Gulat na gulat sa nabalitaan. Hindi man niya sabihin sa akin nang diretso ay alam ko na agad ang sagot. Gets ko na. Kaya pala umiiyak si kuya. Mahal na mahal niya talaga si ate Kath.
Tumulo ang mga luha ko para kay kuya. Ang sakit sakit. This is the kind of betrayal I never wish to happen to me.
Bakit, ate Kath? Bakit si kuya pa? Saksi ako sa relasyon nilang dalawa. Long distance relationship sila kaya alam ko ang hirap ni kuya para lang mapanatili ang relasyon nila. Minsan lang sila magkita dahil sa mahal na rin ng pamasahe. Taga rito sila noon sa Cavite pero dinala na sila sa Bataan ng tatay nila kaya naman hindi ko na siya nakikita.
Gusto kong i-comfort si kuya pero alam kong mas gugustuhin nitong mapag-isa. Kung kaya ko lang sana siyang hatian sa sakit. Kung kaya ko lang sanang pagaanin ang nararamdaman niya. Wala man lang akong magawa para sa kaniya. Wala man lang akong maitulong. Napakawalang kwenta kong kapatid.