Chapter 9

5 0 0
                                    

Enrollment ngayong araw. How I hate enrollments. Sinamahan ako ni papa dahil medyo malayo ito sa amin. Hindi rin ako pamilyar sa lugar. Tumanggi man ako pero alam kong hindi rin ako makakapagenroll kung hindi ako nagpasama sa kaniya.


Nag-fill up ako ng form na inabot sa akin kanina. HUMSS ang nilagyan ko ng shade dahil iyon ang kukuhanin ko. Naghanap pa nga kami ng school na may ganitong strand dahil hindi ito inooffer sa ibang school.


"Tara na po, pa." aya ko sa akin ama nang matapos ako at maihulog sa box ang form ko. Ilalabas ang list of students after mafinalize lahat ng enrollees.


Two months had passed but I still have no friends. It's been three weeks since kuya stop replying to my messages. I don't know what happend to him. Walang update. Walang pasabi. Bigla na lang siyang nawala. Hindi ko masabi kay Charles na bisitahin sila kuya para sa akin dahil mamamasahe pa siya. Hindi bale kung magkapitbahay lang kami.


Ang daya daya ni kuya. Hindi niya na ako naalala. Siguro naisip niya na hindi niya talaga ako kasundo. Siguro nagsawa na siya sa ugali ko. Hindi ko maiwasang isipin ang mga gano'ng bagay dahil may posibilidad na totoo iyon. Anong magagawa ko? Alam kong ako 'yung umalis at nang-iwan sa aming dalawa pero masisisi niya ba ako?


Lumabas ako ng bahay at humanap ng malakas na signal. Sinilip ko ang pangalan ko sa list of students kahit na mabagal ang pagl-loading noon. Hindi nagtagal ay nakita ko rin ang pangalan ko. Wala akong kilala sa mga kaklase ko. Hindi rin pamilyar ang mga pangalan nila.


Nakagawa na kaya sila ng gc? Paano kung may gc na pala tapos hindi ako kasali? Wala rin naman ako friends sa kanila sa Facebook.


"Nakita ko na po ang pangalan ko, Pa." sagot ko nang matanong kung nakita ko na raw ba ang announcement sa group page namin.


"Oh ano?"


"Wala akong kakilala sa kanila, Pa." nahihiyang sabi ko. Nakayuko.


"Hayaan mo na. Magkakaroon ka rin diyan ng kaibigan. Hintayin mo lang."


"Sige po."


One week later. Naghintay ako ng announcements sa group page ng aming school. Chineck ko rin ang message requests at spam messages ko dahil baka nandoon ang gc namin at hindi nga ako nagkamali. Pinindot ko iyon at in-accept. Nagbasa basa ako at nakitang nag-uusap ang iba sa kanila. Nagkakatuwaan sila at mukhang magkakakilala na talaga. May isa pa kaming gc na kasali ako. Sa tingin ko ay para ito sa buong section namin na hindi kasali ang adviser.


"Kumpleto na ba ang uniporme mo?" my father asked. He bought me four pair of uniforms. Ang pang-p.e ay wala pa dahil hindi pa naman inaannounce.


"Kumpleto na po. Sana ay kahit dalawa na lang po ang binili niyo." kaya ko namang maglaba e.


"Mas mabuti iyan at hindi ka mahihirapan sa paglalaba."


"Salamat, pa. Magpahinga ka na po."


I can feel the sadness in my father's eyes. Nararamdaman ko na gusto niyang bumalik kami sa dati pero mahirap na. Hindi na pwede. Sumuko na si mama.


Gabi gabi pa rin akong umiiyak at hinihiling na sana bumalik na ang lahat sa dati. Na sana panaginip lang ang lahat ng ito. Miss na miss ko na sa Cavite. Kahit na madalas ay hindi kami magkasundo ni mama, namimiss ko pa rin sila. Namimiss ko na rin si Kuya. Ano na kayang ginagawa niya? Bakit hindi na siya nagparamdam? Iniwan niya na ba talaga ako? Wala na ba siyang pakialam sa akin?


Madalas ay si Charles ang karamay ko sa ganitong bagay pero wala siya rito. Siguro isa na rin ito sa sign para itigil ko na ang pagiging dependent ko sa kaniya. Na hindi sa lahat ng oras ay nandiyan siya para sa akin. Kailangan kong tumayos sa sarili kong mga paa. Kailangan kong buuin ang sarili kong mag-isa dahil ako lang ang makakatulong sa sarili ko. All I have is myself at the end of the day.


Hindi nila ako matutulungan kung ako mismo ay ayaw umusad. I'm sorry, ma, kuya, papa but I have to let go. I have to let go of the hope that we could still go back to what we are before so I can move on. Hayaan niyo na akong umusad, please.

ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon