"Chantal, lumabas ka na riyan at baka ma-late ka na sa klase." sigaw ni papa mula sa labas ng kwarto ko.
"Opo, saglit na lang po ito." nagmamadaling sinuklay ko ang buhok ko at isinukbit na ang bag pagkatapos.
"Ito ang baon mo. Hindi na kita maihahatid sa school niyo dahil baka ma-traffic pa ako at hindi agad maubos ang paninda natin." bilin nito sa akin. Nagmano ako sa kaniya at umalis na siya pagkatapos.
Habang naglalakad ako patungo sa may pilahan ng tricycle ay may nakita akong lalaki na kapareho ng kulay ng uniform ko. Chineck ko pa ang sarili ko dahil baka namamalik-mata lang ako. Totoo nga!
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kaniya habang pinapanatili pa rin ang distansya naming dalawa. Kinakabahan ako habang naglalakad sa likuran niya. Nag-iisip kung ano ang dapat kong sabihin. Should I greet him? Should I ask him where he studies? Or should I just shut my mouth?
Para akong sira habang pabalik balik ang pagtaas ng kamay at pagbaba nito. Nagulat ako nang bigla itong tumigil at humarap sa akin kaya naman agad kong ibinaba ang kamay ko at awkward na ngumiti.
"Uh... hi?" nahihiyang bati ko sa kaniya. Hindi man lang ako ginantihan ng ngiti.
Akala ko may sasabihin siya pero tinitigan lang ako nito hanggang sa mailang ako. Sa huli ay nagdesisyon na lang akong ipagpatuloy ang paglalakad ko dahil mukha wala itong balak na gumalaw sa pwesto niya hangga't hindi ako umaalis.
Sumimangot ako nang makasakay na sa tricycle. Nakita kong nagdalawang isip pa ito kung sasakay ba sa parehas na sasakyan. Sa tagal niyang pumasok ay dinagsa na ang pilahan ng mga estudyante at hindi na siya nakasakay pa. Napatawa ako nang maisip na kailangan niya pa ulit maghintay ng padating na tricycle dahil nagkaubusan na.
"We will only be having our class orientation today. You are required to introduce yourself to the class from where you are seated. No need to stand in front. And also, why did you choose this strand?" anunsyo ng aming guro.
Sunod-sunod na nagpakilala ang mga kaklase ko at nalaman ko rin ang mga dahilan nila. Nainis pa ako nang marinig na ang dahilan ng iba ay dahil ito raw ang pinakamadaling strand. Noong turn ko na ay sinabi ko lang na gusto kong maging public servant someday.
Pagkatapos noon ay ipinapasa na niya ang index card na pinagawa niya kanina bago kami ang aming introduction.
Napatingin kaming lahat sa pinto nang may kumatok doon.
"Magandang umaga po, Ma'am." napasinghap ako nang mapagtanto na iyon ang lalaking nakita ko kanina.
Tumigil ito saglit at sinubukang habulin ang hininga niya bago ulit nagpatuloy sa pagsasalita. Mataray na tinignan ito ng aming teacher.
"Ma'am, I'm sorry for being late. I'm asking permission to enter your class, Ma'am." ramdam ko ang paggalang nito sa pananalita niya.
"You may come in." sagot ni Ma'am.
Bago siya paupin nito ay kinailangan niya munang ipakilala ang sarili niya sa aming lahat.
Maikli lang ang sinabi nito na impormasyon tungkol sa kaniya. Literal na pangalan lang at kung ilan taon na siya pagkatapos ay ang dahilan niya. Nalaman ko na mas matanda siya sa akin ng ilang buwan. Magse-seventeen pa lang kasi ako sa September.
"I want to help people dealing with mental issues. I want them to feel that there is someone who cares about them. They are not alone; they have someone with whom they can share their stories." iyon ang dahilan niya.
My eyes are filled with admiration. I can feel the sincerity in his voice. Finally, an answer that is worth hearing.
Hindi ko maiwasan na mapalingon sa likuran kung saan nakaupo si Jayce. Kingston Jayce nga pala ang pangalan niya pero may bet ko siyang tawagin na Jayce dahil katunog ng Wingston na sigarilyo ang first name niya.
Mukhang napansin yata ng katabi ko ang pagsulyap ko sa kaklase namin kaya kinausap ako nito.
"Kilala mo ba siya?" mahinhin na tanong nito.
"Medyo." pagsisinungaling ko. Hindi ko rin kasi kayang itanggi dahil ano na lang ang sasabihin ko kapag tinanong niya kung bakit kanino ko pa nililingon si Jayce?
"Gusto mo bang makipagpalit ako ng upuan sa kaniya?" she politely asked. Mabilis akong umilint dahil baka naoffend siya sa kilos ko.
"Hala, hindi po. Hindi naman kami gaanong close ni Jayce. Kapitbahay ko lang po siya." mabilis na tugon ko habang ang kamay at patuloy pa rin sa pagtanggi.
"Sigurado ka ba? Okay lang naman sa akin." ulit na tanong nito. Tumango lang ulit ako at nahihiyang tumawa. "Chantal ang pangalan mo, diba?"
"Oo, ikaw ba?" totoo kasi na nakalimutan ko ang pangalan niya. Hindi kasi ako magaling sa pagkakabisado ng mga pangalan at mukha.
"Ashley." dinig kong sagot nito.
"Ashley?" ulit ko.
"Ashleigh. A. S. H. L. E. I. G. H." she spelled her name.
Ashleigh? Ang unique naman ng spelling.