True to his words, Charles and I reviewed together. Tinuro niya rin sa akin ang mga part na hindi ko maintindihan.
Aaminin kong hindi ako katalinuhan at mahina ako sa Science. Si Charles lang ang madalas nagtuturo sa akin at nagpapaintindi ng lesson doon.
Nakakahiya nga minsan dahil pakiramdam ko sobrang bobo ko kapag dumidikit ako sa kaniya. Siya kasi ang Top 2 sa klase namin.
"Sa wakas, natapos din." I stretched my arms and let out a groan.
"Magpahinga ka muna." sabi ng katabi ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Inaantok ka ba?" tanong nito.
"Medyo." I yawned.
"Tulog ka na."
"Ikaw?" tanong ko sa kaniya.
"Babantayan kita." he placed his hands on my hair, and then stroked it gently.
"Okay." tipid na sagot ko at hindi na nakipagtalo. Mas lalo akong inantok sa ginagawa niya.
Pinikit ko na ang mga mata ko at hinayaang lamunin ng antok.
Hapon na nang magising ako. Nakahiga na ako sa couch nila Charles at naabutan ko siyang nanunuod ng TV habang nakasalampak ang sarili sa sahig.
Lumingon ito sa akin nang maramdaman na gising na ako.
"Gising ka na pala."
"Hindi ka natulog?" kunot noong tanong ko sa kaniya.
"Hindi."
"Bakit?"
"Hindi ba't sinabi ko na babantayan lang kita?"
Umirap ako sa kaniya. "Sana'y umidlip ka man lang kahit saglit para nakapagpahinga ka." inis na wika ko.
"Ayos na. Napagpahinga na naman ako." ngumisi ito sa akin.
"Ewan ko sa'yo."
Naikwento ko kay Charles ang nangyari kay kuya. Sa kaniya ko lang naman nasasabi ang lahat. May tiwala rin naman ako na hindi niya iyon sasabihin sa iba.
Nabanggit ko lang para may mapagsabihan ako. Iniisip ko pa rin kasi hanggang ngayon. Si Charles lang kasi ang hindi manghuhusga sa akin, sa amin.
"Anong plano ni kuya Shan?" ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
"Hindi ko alam. Natatakot akong tanungin siya."
"Mahal na mahal pa naman niya si ate Kath."
"Oo nga, eh. Matino naman si ate Kath kaya hindi ko rin maisip kung paano niya nagawa 'yon?"
"Huwag mo nang masyadong isipin at baka hindi ka makafocus sa exam natin."
"First time kasi 'yon. First time kong makitang umiiyak si kuya. Kahit nga nag-aaway na sa harapan namin sila mama ay wala pa rin siyang pake. Kaya nagulat ako noong nakita kong umiiyak siya, eh. Malalaman mo talaga na nasasaktan siya."
"Alam ko, dahil palagi mo naman ikinukwento 'yan e. Ang akin lang, magfocus ka muna sa exam natin bago sa ibang bagay na maaaring makaapekto sa pag-aaral mo. Baka sa kakaisip mo sa mga problema na 'yan ay makalimutan mo ang mga nireview natin." paliwanag nito.
May point.
"Okay." pagsuko ko.
"Kumain ka na. May pagkain diyan sa lamesa." tumuro ito sa lamesa nila.
"Pancit canton?" masayang tanong ko.
"Oo." nakangiti rin na sagot niya sa akin.
Muntik pa akong masubsob sa sahig sa pagmamadali ko. Paborito ko kasi ang pancit canton. Ito kasi madalas ang lutuin niya kapag nandito ako kaya naging favorite ko na rin.
"Magdahan-dahan ka naman." natatawang sambit nito.
Hindi ko na siya kinausap at masayang kinain ang pancit canton. Malaki ang ngiti sa mukha ko.
Hindi ko alam pero parang ang saya saya ko. Pinagmasdan ko siya habang tumatawa sa reaksyon ko. Parang bumagal ang takbo ng oras. Siya lang ang nakikita ko, hindi alintana ang kapaligiran. Natigilan ako saglit nang maisip ang posibilidad na maaaring mawala ang lahat ng ito. Mukhang napansin niya iyon dahil nawala ang ngiti sa mukha nito.
"Hindi ba masarap?"
"Masarap!" anunsyo ko. Pinilit kong ngumiti muli sa kaniya para hindi na siya mag-alala.
Iba ang pakiramdam ko. Kakaiba. Bigla akong natakot. Hindi ko alam kung para saan? Basta bigla na lang akong kinabahan para sa mga mangyayari.
I want to keep him. Him. This. Us. Ayoko mawala na parang bula lahat ng pinagsamahan namin. Gusto ko pang lumakad sa altar habang naghihintay siya sa may dulo. Ayokong dito agad matapos ang kwento namin. Marami pa akong gustong magawa kasama siya. I cannot lose him. Not now, not ever.