Chapter 5

5 0 0
                                    

Tapos na ang final examination. Hinihintay na lang namin na ilabas ang mga scores namin sa susunod na linggo.

"Gusto kita." seryosong sabi ni Charles sa kalagitnaan nang kwentuhan namin.

Nagulat ako at hindi ako nakapagreact. Hinihintay ko na sundan niya ito ng salitang "joke lang" o kaya ay tawanan ako nito pero wala. Kanina ko pa napapansin na nakatitig siya sa mukha ko at pakinig na pakinig.

"Ayos ka lang ba?" I let out an awkward laugh.

"Gusto kita." ulit lang nito sa sinabi niya kanina. Tumuwid ako ng upo.

"H-hindi pwede." umiwas ako nang tingin sa kaniya. "Magkaibigan tayo."

Mabilis ang tibok ng puso ko. Gustong kong matuwa sa sinabi niya pero taliwas iyon sa nararamdaman ko ngayon. Hindi pa. Hindi pa ako handa. Natatakot akong mawala agad siya sa akin. If we break up, if ever that happens, I won't be able to be friends with him anymore. I believe that ex-lovers should not be friends again unless they still love each other. He's the only man I can see my future with. I cannot lose him.

"Ano ngayon?" lumapit ito sa akin para iangat ang mukha ko. Nandito kami sa bahay nila ngayon. Natutulog si Clarisse sa may kwarto nila.

"Hindi pwede. Magkaibigan tayo. Hindi mo ba naiintindihan?" matapang na pagkakasabi ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Hindi ako nagbitaw ng tingin kahit naiilang na ako.

"Alam ko. Anong problema kung gusto kita? Lalake ako at babae ka. Hindi ba pwede iyon?"

"Hindi pwede, Charles. Hindi tayo pwede. Hanggang k-kaibigan lang ang tingin ko sa'yo."

"Bakit?" nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

"Dahil hanggang doon lang talaga. Charles, alam mo naman na ikaw na lang ang meron ako. Ayokong mawala ka."

"Oo, alam ko. Kaya nga gusto kong maging girlfriend ka para maprotektahan ka sa lahat." pangungumbinsi nito.

"Pwede mo naman akong protektahan kahit hindi tayo. Gano'n naman tayo nagsimula, 'di ba?"

"Ayaw mo ba sa akin?"

"Ayokong sumugal... I cannot risk our friendship." I'd rather lose this opportunity than lose you. Gusto kong idagdag.

"Hanggang kaibigan lang ba talaga?" his bloodshot eyes show that he's hurting.

"Oo. Hanggang kaibigan lang." desidido kong sagot.

"Kahit minsan man lang hindi sumagi sa isipan mo na magkagusto sa akin?"

"Charles, magkaibigan tayo. Mas mahalaga ng friendship natin kaysa sa feelings na 'yan."

"Kahit kaunti?"

"Huwag na nating pag-usapan. Kalimutan mo na lang 'yung nararamdaman mo para sa akin. Ayokong sirain ang pagkakaibigan natin para lang sa nararamdaman mong 'yan." dahil ayokong mawala ka agad. Ayokong dito agad tayo matapos. May pag-aalinlangan man ay mas pinili kong saktan siya sa mga salita ko.

Hindi pa ngayon. It's not the right time for us. Sa tamang panahon, kapag handa na ako. Kung wala nang hahadlang sa atin. If I wasn't this broken for you, maybe things can work out. I don't want to have you when I'm still broken and still finding myself. Being in a relationship with you will only cause you nothing but pain. Masyadong emosyonal. Madadamay at madadamay palagi ang relasyon natin.

Marami akong gustong sabihin sa kaniya. Gusto kong ipaliwanag pero mas pinili ko na huwag na lamang. Hindi na rin siguro kailangan. There are things that are better left unsaid.

At gano'n nga ang ginawa niya. Kinalimutan niya ang pangyayaring iyon. Na animo'y hindi kami nagka-usap tungkol sa nararamdaman niya. Hindi niya ako pinilit. Hindi na niya pinilit. Hindi na namin pinag-usapan hanggang sa dumating ang graduation.

Hindi ako sigurado kung kinalimutan niya ba talaga o pinakita niya lang na wala na siyang nararamdaman? Nasaktan ako. Nasaktan ako dahil naisip kong gano'n lang pala kadali sa kaniyang kalimutan ang nararamdaman niya. Masyado naman yatang mababaw ang pagkagusto niya sa akin kung gano'n? Tama nga ba ang desisyon ko na hindi aminin sa kaniya na gusto ko rin siya? Pero paano kung umasa lang siya sa akin kapag nalaman niya?

"Lebolura, Charles Kenneth P." tumayo ito mula sa kaniyang upuan at tinanggap ang diploma niya.

Sa pwesto ko ito unang tumingin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Congrats." I mouthed.

Hinintay kong matawag ang pangalan ko.

"Ventura, Chantal Gianne S." umakyat ako sa may stage at tinanggap ang diploma ko. Hinanap ng mga mata ko si Charles at nakitang nakatingin din ito sa akin habang nakangiti nang malaki.

Ilang beses lang natawag ang pangalan ni Charles dahil may mga karalangan itong tinanggap. Nang matapos ang ceremony at nilapitan ako nito at binigyan ng isang medalya.

"Para saan ito?" nagtatakhang tanong ko.

"Basta."

"Eh?" tinanggal ko ang medalya sa leeg ko at muling iniabot sa kaniya. "Ayoko."

"Tanggapin mo na." tinulak nito ang kamay ko pabalik sa akin.

"Para saan nga ito?"

"Just because." he stated.

My eyes became watery. Pakiramdam ko iba ang ipinapahiwatig nito. May ibang ibig sabihin. Ito na ba ang huling pagkikita namin? Nanlalamig ang mga kamay ko habang sinusuot niya iyon sa akin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi makagalaw.

Bakit parang may mali? Bakit parang hindi tama? At nakuha ko ang kasagutan sa mga sumunod na araw.

ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon