Chapter XXIV - Back

2.5K 59 15
                                    

Long time no UD. Pasensya na po. :D Kung hindi ko busy, writer's block naman. Salamat at nakapagsulat na ulit.


Enjoy tonight's UD. Fighting!


-Mia






KIM'S POV


"Huy! Nahihilo na ako kakatingin sa'yo ha. Ano bang trip mo at kanina ka pa palakad-lakad diyan?!"


Maya't maya kong tinitignan ang phone ko."Ipatingin ko na kaya 'to sa cellphone technician? Baka may sira lang 'to kaya 'di ako nakakatanggap ng tawag mula sa kanya."


"Ulul! Ba't ba ang clingy mo?!" Masyadong epal. Palibhasa, walang love life. 'Di ako clingy. Sadyang nag-aalala lang.


"Kuya Cholo. 4 days! 4 days na niya akong hindi inuuwian sa bahay. At 4 days na rin akong hindi tinatawagan. Anong gusto mo? Magpa-house party ako?!"


"Teka nga, teka." Umupo siya sa high stool sa tabi ko. "Ba't ka ba napa-praning? Asawang hilaw ka lang 'di ba?"


Bigla akong natigilan. Tinignan ko siya ng masama. "Sakit mong magsalita ha! Bawal bang mag-alala?! Tsaka malay mo, napa'no na 'yun. Eh 'di magugulat ako na may pupuntang pulis sa bahay at ibabalita sa akin na nasagasaan siya ng padyak. 'Di rin nag-iisip 'to eh!"


"Aminin mo nga, gusto mo na ba siya Kim?!"


"Ako? Magkakagusto du'n? Hahahahahahaha! Patawa ka naman, eh!" Sino namang magkakagusto sa mamaw na 'yun? Ubod ng sungit, medyo engot at isa pa, may pagka-bipolar. Pambihira!


"Hindi raw gusto pero parang kang si Sisa diyan. Asan ba raw kasi pupunta? 'Di man lang ba nagpaalam na aalis?"


"Hindi. Kasi 'di ba, kung nagpaalam ng maayos, 'di sana ako parang aligaga rito. Isip-isip din naman!"


"Ang suplada nito. Kaya walang nanliligaw sa'yo. Amazona kang masyado!"


Inirapan ko siya. Napakasaya niya kasing kausap. Nakakatulong sa pag-comfort 'yung mga pambabara niya. Grabe.

Maya-maya umuwi rin ako, dala-dala ang konteng pag-asa na sana magtext siya at sabihing okay lang siya. Pagkarating ko, walang ni anino ni Xian ang bumulaga sa akin. It felt weird, weirder that what I felt when I left him weeks ago.

"Ma'am Kim, 'di ka pa po ba magla-lunch? Sabay na tayo ma'am. May bagong open po na French restaurant 3 blocks away."


"Ha? Okay lang ako Mel. Kayo na lang."


"Nako, ma'am. Bawal po ang KJ. Kahit ngayon lang po."


At dahil makailang ulit nila akong pinilit, wala akong nagawa kung hindi sumama rin. Malaki 'yung French resto. Makikita ang authentic Parisian feel sa buong lugar. Abala ang mga mata ko sa kakamasid sa features ng lugar nang may mahagip ang mga mata ko.

Nothing Better (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon