Chapter XVI - Almost

3.8K 88 25
                                    

Biglang nawala ang pagiging jologs ni Kim sa mga nakaraang kabanata. Kaya naisipan kong bawasan ang pag-i-ingles niya sa storyang ito. Hahaha!

 

Pasensya na po at ‘di gaanong nakakapag-update dahil masyado akong busy sa mga bagay-bagay kahit wala namang pasok. Hahaha!

 

 

-Mia

 

 

 

 

KIM’S POV

 

“You forgive me now?”

Hindi ko alam kung anong dapat isagot sa kanya. Hindi ko ma-identify kung talagang quits na ba kami o ano. At dahil hindi ko matimbang kung ano na ba, natrip-an kong patusin ng bula ang mukha niya. Nag-e-enjoy ako sa paglalaro nang bigla niya akong hilain at kornerin.

Nandito na naman ‘yung kakaibang kabog eh.

Dug dug dug dug dug

 

Hindi ko alam kung naririnig niya ba o hindi. Sa sobrang lakas, napakapit ako sa dibdib ko. Puso, tumahimik ka. Mapapahiya ako sa’yo nito eh.

“Xi…”

 

Palapit siya ng palapit. Ako naman, paatras ng paatras. Alam ko na ‘tong ganito eh. Parang nangyari na ‘to noon.

Alam ko namang kaakit-akit ako pero anak ng talangka! Lord, ba’t ganito? Nakatutok siya sa mga labi ko. Ako rin, nagiging instant manyak. Napapatingin ako sa mga labi niya. Masyadong mapula, at mukhang…appetizing? Appetizer na pwedeng pang main course? Parang tinatawag ako, sabay sabing “Kim, sarap ng real!”

Shemay! Eto ‘yung moment na mapapakanta ka ng  “Dan-dan-dan! Dalandan! Is it real, is it real?”

Tatlong pulgada.

Naging dalawa.

Hanggang sa ‘di ko namalayang, naging mahigit-kumulang kalahating pulgada na lang.

Gamit ang natitirang lakas ko para pigilan ang sarili ko at ang konteng hiyang dumadaloy sa dugo ko, tinulak ko siya. Sakto upang mahulog siya sa bath tub mula sa pagkakaupo. Sa sobrang laking-tao niya, kumalabog. Gusto ko sanang tanungin kung masakit ba pero masyado ng halatang masakit ‘yun. Sorry, Xi. Ayokong magpadala sa good offer  mo.

“Hey! Ba’t mo ako tinulak?!” Tanong nito habang dahan-dahang tumatayo sabay himas sa puwet niya. Medyo nakonsensya naman ako. Malakas nga talaga ata ang impact ng introduction ng puwet niya at ng sahig.

“Labas! Pwede ka ng lumabas.”

 

Nothing Better (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon