Prologue

7.8K 65 3
                                    

Karamihan sa atin, ginugugol ang buong buhay mahanap lng ang taong nakatakda nating ibigin. May iilang nahanap na ang taong para sa kanila at mayroon din namang patuloy na nakikipagsapalaran sa larong kung tawagin ay pag-ibig. Isang napakalaking palaisipan kung bakit tila isang pre-requisite upang maging masaya ang pagkakaroon ng isang taong magmamahal sa’yo at mamahalin mo.

Sa sobrang abala natin sa  paghahanap ng taong para sa atin, minsan hindi natin namamalayang nakilala na pala natin ang taong ito. May pagkakataon ding nakasalubong na pala natin siya pero hindi natin napansing siya na pala dahil tutok tayo sa paghahanap ng taong tugma sa ating pamantayan. May pagkakataon ding abot-kamay na natin siya ngunit hindi mo isinugal ang sarili mo dahil inunahan ka ng takot na nasa kalamnan mo. Maari ring hawak-hawak mo na siya, pinakawalan mo pa. Pero sa lahat ng aking nabanggit, may iisang sitwasyon ang sa tingin ko’y pinakamasaklap. ‘Yun eh ‘yung, nasa harap mo na, nagbubulag-bulagan ka pa.

Nagsimula ang lahat sa isang kasunduan – kasunduang walang kasiguraduhan kung ano ang kauuwian. Ang napakalaking katanungan, ang kasunduang ito ba’y mauuwi sa matamis na pag-iibigan? Paano nga ba mapapanindigan ang isang relasyong bunga ng personal na interes at pangangailangan?

Isa itong kwento ng kasal-kasalan at pinaghalong kwento ng birtwal na pagmamahalan at ng munting kasinungalingan.

----------

Click and play the Youtube video on the right side of the page. It will be the official soundtrack of this book. The song originated from South Korea, sung by Jung Yup of Brown Eyed Soul. The English version was sung by Juris. Credits to owner.

NOTHING BETTER

Copyright © 2013 by Mia Bacolod de la Fuente | All Rights Reserved

Nothing Better (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon