Porque ba high school na kailangan magkaroon na agad ng boyfriend?
Porque ba halos lahat ng kaklase mo may boyfriend kailangan meron ka din?
Porque ba 21st century na kailangan makiuso sa ibang tao na mag boyfriend?
Higit sa lahat...
Pag walang boyfriend pangit na agad?!
Hindi naman ah?!
Hindi naman kailangan eh!
Saka anong connect ng itsura mo sa hindi pagkakaroon ng boyfriend?
Sakit lang sa ulo ang magkaroon ng karelasyon. Duh! Commitment kaya yun. Ayoko pa matali noh.
Saka pwede aral muna? Makakapaghintay naman ang love eh.
Ito lagi ang sinasabi ko. Aral muna bago boyfriend. Eh kasi naman nasisira pag-aaral ko pag may boys eh. I mean, pag may crush pa nga lang ako nadidistract na ako. Pano pa kaya pag boyfriend?!
Pero dahil sa pang-iinis at pang-iinsulto ng mga taong nakapaligid sakin...
Nagkaroon ako ng instant boyfriend.
Badtrip kasi eh.
Ayoko sa lahat yung tinatapak-tapakan ang pagkatao ko. Kaya nanghila nalang ako ng kung sino ang mapadaang lalaki sa tabi ko at iniharap sa mga manlalait na hipon.
Pero kamalas-malasan nga naman. Taong mahangin pa at ubod ng yabang pa ang nahugot ko. Sarap ingudngud yung mukha niya sa lupa. Tsk tsk.
Pero wala na akong magagawa. Naipakilala ko na eh.
Meet my instant boyfriend.
BINABASA MO ANG
Meet My Instant Boyfriend
Teen FictionNathalie Rose Ferrer, nagkaroon ng instant boyfriend na nag-ngangalang Prinz Gilbert Fernandez dahil kay Hannah. Ang hindi niya alam ay planado lahat.