Chapter 4 (Bakla ka ba?)

161 9 0
                                    

"Uy, Nathalie! Tulungan na kita?" Salubong sa akin ni Zeke. Buti pa to gentleman. 'Di tulad ng sitting pretty doon sa likod.

"Ah. Thank you. Doon nalang sa upuan ko." Binigay ko na sakanya yung dalawang gitarang bitbit ko saka ko siya sinundan papunta sa likod.

"Para sa intermission niyo ba 'to? Ano kakantahin niyo?" Tanong niya habang inilalapag ang mga gitara sa gitna ng upuan naming dalawa

"Yup. Pero yung kanta hindi ko pa alam. Bahala na yung isa diyan kung anong kakantahin. Tutugtog lang naman ako mamaya eh." Sabi ko ng may ngiti. Nakatalikod ako kay Prinz. Pero sigurado naman akong rinig niya ako.

"Ahh." Sakto namang dumating si ma'am kaya nagsimula na kami agad. After lunch pa yung period ng adviser namin kaya makakapag-isip pa kami ng kanta. I mean siya.

Wala pang sampung minuto ng discussion ay may nanggugulo na sakin. Haist!

"Pst." Ayoko siyang pansin.

"Pst." Hindi ko pa rin siya papansinin.

"Pst. Girlfriend ko." Nagkunwari akong kumukuha ng gamit sa bag ko para lang di siya pansinin. Sinong girlfriend niya?

"Pst. Girlfriend ko." Ugh! Sinong niloko ko? Ako lang naman ang naging instant girlfriend niya dahil na rin sakin. Di ko na kaya. Tinignan ko siya ng masama.

"Pwede ba? Di mo 'ko girlfriend!" Mariin kong bulong sa kanya. Baka pagalitan kami ng teacher pag nagkataong marinig kami dito. Terror pa naman.

"Anong hindi? Yung kakantahin pala natin mamaya ah?" pabulong niya ring sabi.

"Hindi ka na ba makapaghintay para diyan? Nang-iinstorbo ka na eh." Inis na sabi ko. Tumango naman siya at minsan pang bumulong.

"Okay girlfriend ko." Ugh! Hindi ko nalang siya pinansin. Ang kulit niya rin ha!

Ano ba tong pinasok ko? Jusko! Di ko keri to.

Lumabas ako kaagad pagka-ring ng bell. Yes! Matapos ang ilang oras na pangungulit niya, ramdam ko ulit ang kalayaan! Party party!

Hindi naman na niya siguro ako susundan 'di ba? Kaya ang ginawa ko ay dumiretso ako sa canteen. Gutom na ako! Hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil kay kuya. Isa rin yun eh! Isa ring bwisit.. Joke! Hehe.

Ano bang masarap na ulam ngayon? Hmmm...

"Masarap ba luto nila dito?"

"Ay ulam!! Anong ginawa mo dito?!"

"Kakain? Lunch na eh." Tumingin pa siya sa relo niya. Hindi ko nalang siya pinansin. Maasar lang ako sa kanya. Sayang ang precious energy ko.

Bumili nalang ako ng pagkaing una kong maturo sa tindera at iniwan siyang mag-isa sa pila. Tapos pumunta ako sa usual seat ko dito sa canteen. Sa pinakadulo kung saan walang makakaistorbo.

Akala ko malaya na ako. Kainis! Kasi naman nandito na naman siya sa harapan ko.

"Pwede bang sa iba ka maupo? Ang daming bakante oh?" Sabi ko na hindi man lang siya tinigtignan. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. Actually, sunod-sunod ang subo ko para matapos na ako at malayasan ko na siya dito.

"Ayoko nga. Kapag umalis ako dito, maiiwang mag-isa yung girlfriend ko." Bigla akong nabulunan pagkarinig ko ng sinabi niya. Narinig ko naman siyang humalakhak habang inabot ko naman ang tubig ko at pilit na binuksan.

Asar! Bakit ngayon pa mahirap buksan ang takip?!

Habang sinusubukan ko pa ding buksan yung bote ay bigla niya itong hinablot sa akin saka siya na mismo ang nagbukas. Agad din siyang tumayo at pumunta sa akin pagkabalik niya ng tubig ko.

"Dahan dahan ka nga kasi." Uminom kaagad ako sa bote habang hinahamplos niya yung likod ko.

Nakatulong naman yung ginawa niya pero imbis na mag-thank you ako ay sinigawan ko siya. Badtrip eh! Kung anu-ano kasi ang sinasabi.

"Ano ba yan! Tantanan mo nga kasi ako!"

Bumalik siya sa upuan niya saka niya ipinakita ang pinaka ayaw kong ngiti niya.

"Paano kung ayaw ko?" Sabi niya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Gusto mo sapak?" Sabi ko habang ipinapakita ang kamay kong handa ng sumuntok. Tinawanan niya lang ako kaya tinignan ko siya ng nanlilisik kong mga mata.

Napalayo naman ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Pwede kiss nalang?" Sabi niya na ngayon ay hawak na ang kamay kong nanggigigil para manapak sa manyak na 'to.

"Tigilan mo ako." Mariin kong sabi sa kanya at pilit na binawi ang kamay ko pero ayaw niyang bitiwan.

"Ano ba?! Nagugutom na ako!"

"Ah ganun ba? Sorry. Hahaha!" Natatwang sabi niya saka binitawan ang kamay ko. Kunti nalang. Kunti nalang talaga!

Kumain ako ng tahimik habang siya daldal ng daldal. Grabe! Daig pa ata babae kung dumaldal! Kaya bigla ko siyang natanong ng...

"Bakla ka ba?" Natigilan siya at nanlaki pa ang mga mata sa sinabi ko. Ngayon, oras na ako naman ang tumawa.

"Pfft!! Hahahahaha! Ang epic ng mukha mo!" Grabe. Biro lang yung sinabi ko pero mukhang tinotoo niya ata. Sa sobrang tawa ko nakakuha na kami ng atensyon ng iba kahit pa nasa pinaka dulo kami. Pero kahit na ganoon, hindi pa din ako matigil.

Nakahawak na nga ako sa tiyan ko eh.Ang sakit na kakatawa ko. Habang yung isa kong kamay nakaturo pa sa kanya.

"Anong sabi mo?" Tanong niya sa akin. Hindi ko na nakikita ang mukha niya ngayon dahil sinubsob ko na ang mukha ko sa lamesa. Ayoko ng tignan ang mukha niya. Baka mas lalo akong hindi matigil at masita pa ako sa kaingayan ko kahit wala kami sa library.

"W-wala wala." Sabi ko with matching iling-iling pa. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong medyo mas maayos naman na ang itsura niya kumpara kanina.

Ibinaba ko ang tingin ko sa pagkain ko at nagsimula ulit magsubo. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti ko.

Sinulyapan ko siya saglit at napansin kong nakatitig lang siya sa akin at hindi na ginalaw ang pagkain.

"Ano?" Tanong ko na nakangiti pa rin. Shocks! Para na siguro akong baliw. But who cares? Masaya ako eh. Haha! Ako na ang nang-iinis sa kanya.

"May dumi ka sa gilid ng bibig mo." Sabi niya bigla habang nakaturo siya sa kanang parte ng labi ko.

Pupunasan ko na sana yung sinasabi niyang dumi nang unahan niya ako.

Natulala ako sa ginawa niya. Mas lalo na ng maramdaman kong hindi niya lang tinanggal ang dumi...

Trinace niya ang lower lip ko at bigla siyang lumapit sa akin. Sa bigla ko ay hindi ako nakagalaw. Nakaramdam nalang ako ng malambot na lumapat sa labi ko.

Nanlaki ang mata ko at nakitang sobrang lapit namin sa isa't isa. Agad ko siyang tinulak at napahawak sa labi ko.

H-Hinalikan niya ako?

Tumingin siya sa akin at nag-smirk.

Nag-init ang mukha ko sa galit nang mapagtantong hinalikan nga niya ako!

"So sinong bakla?" Unti-unti akong humawak ng mahigpit sa bag kong nakapatong sa hita ko.

"Bwisit kaaaaaa!!!!" Hinablot ko kaagad ang tubig ko at tinapon sa kanya ng buong lakas. Tumama ito sa ulo niya at nakita kong nasaktan siya doon pero wala akong pakealam! Kulang pa yan!

Tumayo ako at kinuha ang bag ko saka ako lumapit sa kanya. Bago ko pa siya mahampas ng bag ko ay kumaripas siya ng takbo. Syempre hinabol ko.

"Halika dito! Hindi pa ako tapos sayo!" Tumakbo siya palabas ng canteen kaya hanggang labas ay pinagtitinginan na kaming dalawa.

"Habulin mo 'ko~" Sabi pa niya. Bwisit! Bakla talaga!

"Wala! Kahit anong gawin mo bakla ka talaga!" Sigaw ko habang patuloy na hinahabol siya.

"Ako bakla?! Yung totoo?! Gusto mo lang ata mahalikan ulit kita eh! Hahahaha!" Sigaw niya pabalik kaya nagsimula nang mangatsaw ang mga nakakakita sa amin. Ugh!

"Bwisit ka talaga!!!!!"


Meet My Instant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon