Chapter 1 (First Day)

218 12 0
                                    

Friend!! Sayo ko na i-dededicate to kahit hindi ko alam kung binabasa mo ba to o hindi. Hahaha. Love you!!

**********

First day ng pasukan. Pinaka boring na araw ng mga estudyante... o ako lang? Eh kasi naman. Ano pa ba ang ginagawa ng mga estudyante sa first day? Nagpapakilala lang naman. Pagkatapos nun tutunganga nalang. O ako nga lang ba ulit yun?

Tapos na magpakilala ang lahat pero wala sa mga kaklase ko ang binigyan ko ng atensyon habang nagpapakilala sila kanina. Ano namang silbi? Eh tatlong taong magkakakilala din naman na kami. Sadyang ulyanin lang ata ang mga teacher namin kaya paulit-ulit naming kailangang i-introduce ang sarili namin.

Pero ipapakilala ko sa inyo ang sarili ko kasi ngayon niyo palang naman ako makikilala.

Ako si Nathalie Rose Ferrer. 16 yrs old. 4th year high school student. Anak ako ng nanay at tatay ko. May kuya ako. 19 years old. Isang kuyang bading. Joke! Baka patayin ako nun. Haha! Wala pa kasing nagiging girlfriend. Torpe kasi.

NBSB din naman ako tulad ng kuya ko. Pero hindi naman ako torpe noh! Atsaka boys ang dapat laging first move kaya bakit naman ako magiging torpe. Di ba? Saka bata pa ako noh! Kailangan lubus-lubusin ang pagiging single.

Pero baka sabihin niyong kaya wala akong boyfriend kasi pangit ako ah! Maganda kaya ako! Tanong niyo pa sa mga magulang ko. Sa kanila ako nagmana eh. Haha. Sigurado sasabihin nila, oo. Syempre. Anak nila ako eh! Pag pangit ako pangit din sila kaya ganun. Aish!

Well, ang totoo dyan, wala pa akong balak magkaroon ng boyfriend. Ayoko pa talaga. Panira sa pag-aaral ko. Di naman ako ganun katalino pero achiever naman ako kahit papaano.

Paano ko nasabing panira?

Kasi naman I witnessed some relationship, that instead of their partners to be their inspiration in their studies, it became as their destruction. You know? When they fight and all.

Pweh! Nosebleed ako dun. Wrong grammar pa ata. Hahaha! Yaan na. At least I tried. Hihihi. Tagalog na nga lang!

So yun nga. Kaya ayaw ko magkaboyfriend. Ayoko na ulitin yung sinabi ko kanina. Katamad kaya. Basta yun yung rason ko. Okay?

"Uy. May pinapagawa si ma'am na activity." Tinignan ko yung nangalabit sakin. Ay. Kanina pa ba tayo nagkwekwentuhan? Di ko namalayan.

"Ano daw yun?" Walang gana kong tanong sa kaklase ko habang nakapangalumbaba ako sa arm chair ko.

"Yung by partner. Alam mo na yun. Para daw magkakilala daw tayong lahat."

"Ehhh.. kilala naman na natin lahat dito eh. Paulit-ulit naman nating ginagawa yun." Reklamo ko. Eh sa paulit naman talaga. Kakasawa kaya. Wala bang bago? Saka no use. Magkakakilala naman na kami eh.

"Yaan mo na. Saka new student naman yang katabi mo eh." Nginuso niya yung katabi ko.

"Huh? May new student?" Tanong ko sabay tingin sa kaliwa ko. Hindi ko napansin na may new student pala. Sabi ko naman sa inyo kanina na wala yung atensyon ko sa mga kaklase ko di ba? Akala ko kasi walang new student.

Pagkatingin ko nakapatong yung ulo niya sa braso niya. Natutulog ata eh kaya yinugyog ko siya. Este pinat lang sa balikat para magising. Di pa kami close eh. Saka na pag close na kami. Haha.

Hindi pa rin siya nagigising kaya pinat ko ulit yung balikat niya ng dalawang beses.

At sa wakas! Inangat din niya yung ulo niya at muntik nang liparin yung panty ko. Ay joke. Makapit ang panty ko di kayang liparin. What the?! Ano sinabi ko? Erase please!!

Laglag ang panga ko nung nakita ko yung mukha niya. Ang gwapo niya sheeet!! Mas lalo na at bagong gising pa siya.

"Ano yun?" At ang husky ng boses!! Nakaka-inlove!

"Hey, bakit mo ako ginising?" Sinara ko yung bibig ko. Nakatulala pa din ako sa mukha niya. Parang angel yung mukha niya. Wah! Thank you lord for this blessing! Aalagaan ko to, promise. Sayang eh.

"Huy! Start na." Nagulat ako sa biglang pag-yugyog sakin ni Zeke mula sa likod. Napaayos ako ng upo. Naramdaman kong umayos din naman ng upo yung katabi ko.

"Ano gagawin?" Nilingon ko siya onti dahil sa tanong niya. Kunti lang kasi bigla akong nahiya. Napanganga ako sa harap niya kanina eh. As in literal na nganga. Nakakahiya kaya. Pero hindi niyo naman ako masisisi kung mukhang Diyos tong katabi ko ngayon eh.

"Eh. A-ano." Hindi ko na maituloy yung sasabihin ko. Nakakamesmerize naman kasi yung mukha niya eh. Sobra gwapo! Napakurap ako nung bigla nalang siyang nag-smirk.

Nag-smirk siya. Aba mayabang. Nakakaturn off. Sayang.

Umubo ako saglit para i-clear yung throat ko pagkatapos hinarap ko na siya ng maayos.

"Kailangan natin mag-introduce sa isa't isa. Then pupunta tayo sa harap para iintroduce natin yung partner natin sa iba." Dire-diretsong sabi ko pero parang di siya nakikinig. Suot pa din niya yung smirk na yun habang nakatingin pa rin sakin. Sa totoo lang. Naiinsulto ako sa smirk niya. Nayayabangan o kung ano man. Basta ayoko ng ganyang klaseng ngiti. Naiinis ako.

"Okay." Yun lang sinagot niya matapos ang ilang segundo. Ang tagal niyang di nagsalita tapos 'ok' lang sasabihin niya?

"Let's start then. Ako nalang muna mag-iintroduce ng sarili ko." Then nagpakilala nga ako sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung may pumapasok sa kokote nito. Humanda siya pag di niya alam ang sasabihin niya tungkol sakin sa harap mamaya.

"Ikaw naman. Tapos na ako." Inayos niya ang upo niya at humarap sakin.

"Okaay!" Nag-inat pa siya niyan. Aba parang pinapahiwatig niyang na-bore siya sa pagkekwento ko.

"Grabe. Tagal mo nagkwento. Boring naman." So na bore nga siya. Bwisit na gwapong to! Pasalamat ka mahaba pasensya ko sa gwapo!

"So ano na? Ako naman nabobore sayo eh." Inis na sabi ko sa kanya. Hindi pa rin siya nagsisimula eh. Nagsasayang siya ng oras. 10minutes lang ang binigay bago kami pumunta sa harap by partner.

"Ahhh. Yung akin kahit imprompto mo na. I-dedescribe mo lang naman ako eh. Kaya mo na yun. Sabihin mo gwapo yung partner mo." Kapal! Ang yabang talaga. Gwapo nga mayabang at mahangin naman.

"Gwapo ka? Yung totoo?!" Naubos na yung sinasabi kong pasensya. Aba. Kung ikaw ba naman ang makaharap ng ganitong klaseng gwapo. Oo alam kong gwapo siya pero pag sinabi ko pa yun sa kanya baka lalong lumaki ang ulo niya. Kaya bakit ko sasabihin?

"Anong hindi? Napanganga ka nga kanina nung makita mo mukha ko eh." Nakataas kilay niya tanong at nakasmirk. Ugh! I hate that smirk! Humanda siya mamaya kapag oras na naming pumunta sa harap.

Grabe!! Kakaturn off!!


Meet My Instant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon