Chapter 5 (Kinilig ka noh?)

138 8 0
                                    

"You may now leave." Sabi ng disciplinarian sa amin. Nanatili akong walang imik at yumuko nalang saka dumiretso sa pintuan para makalabas ng guidance office.

Kainis! Pangalawang araw palang may warning na kaagad ako. Kasalan 'to lahat ni Prinz eh. Sarap kalbuhin!

"Thank you, ma'am." Rinig kong sabi pa niya bago pa ako tuluyang makalabas.

Binilisan kong maglakad para hindi niya ako maabutan. Atsaka late na rin kami para sa first afternoon class namin. Kaya kailangan ko magmadali.

Hahawakan ko na sana ang doorknob ng may nauna sa akin. Nakapatong tuloy ang kamay ko sa kamay niya.

"Tsansing." Rinig kong bulong ni Prinz sa tenga ko kaya nakiliti ako. Tinignan ko siya ng masama. Nanadya ata 'to eh.

"Asa." Sabay alis ko ng kamay ko sa kamay niya.

"Pakipot pa." Sabi niya at kinidatan pa ako.

"Pwede ba? Buksan mo na ang pinto. Late na tayo!" Reklamo ko sakanya kasi parang wala siyang balak pumasok.

"Kailangan ko ng susi para buksan." Palusot niya.

"Shunga ka ba? Bukas yan. Hindi yan nilolock mas lalo na kapag may klase! Utak nga." Humalukipkip ako sa harapan niya habang hinihintay siyang buksan ang pintoo kahit alisin man lang niya ang kamay niya sa doorknob. 

Ayoko ngang hawakan ang kamay niya. Mamaya may germs.

"Slow mo." Iniinis talaga ako nito eh.

"Anong slow--" Natigilan ako ng hinalikan niya ang pisngi ko saka nagmadaling buksan ang pinto para makapasok.

Ugh! Bwisit! Tapos ako pa ang sasabihin niyang tsansing!

Padabog akong pumasok kahit parang galit pa ang adviser namin dahil halos sampung minuto kaming late.

"Saan kayo galing?"

"Pinatawag po kami, ma'am. Sorry po." Si Prinz ang sumagot sa lahat ng tanong ni ma'am habang nanatili naman ako sa likuran niya at napapairap nalang sa kawalan dahil sa kaplastikan niya.

"Sige. Maupo na kayo." Pagkarinig ko noon ay agad akong humakbang papunta sa upuan ko. Kitang kita ko na ang ngiti sa labi ni Zeke. Halatang nanunukso.


"Anong ginawa niyo?" Hindi ko nalang siya pinansin at padabog pa ring umupo sa upuan ko. Tinawan naman niya ako dahil sa kabadtripan ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi siya nagtigil.

Ngiting-ngiting umupo si Prinz sa tabi ko. Hindi ko rin siya pinansin dahil siya naman talaga ang rason kung bakit kanina pa nag-iinit ang ulo ko.

Nagsimulang maglecture si ma'am kaya doon nalang ako nag-concentrate imbis na pakinggan ang kwetuhan nila Prinz at Zeke sa magkabilang tabi ko.

"Kung kayo nalang kaya ang magtabi?" Singit ko bigla sa kanila nang mapansin kong hindi pa sila natatapos magdaldalan. Tinawanan lang nila ako bago tumahimik.

Ten minutes before the time natapos na ang discussion. Nakahinga naman ako ng maluwag. Inantok ako doon sa totoo lang. Nakita ko pang nag-inat si Prinz.

"May diniscuss kayo kanina habang wala kami?" Tanong ko kay Zeke.

"Yung mga mag-iintermission sa harap na."

"Wala naman." Tumango ako sa kanya at pinakealaman ang pinagawa ko sa kanyang doodle kaninang umaga. Magaling kasi siyang magdrawing kaya sabi ko drawingan niya ako. Tinuro ko sa kaniya yung papel at sinabing kulayan na din niya habang natatawa nang may humila sa akin patayo.

Meet My Instant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon