Chapter 17 (Date)

45 2 0
                                    

"Oo nga. Ang kulit naman nito. Doon ka na."

"Sure ka?"

"Aish! Oo nga! Okay ako oh." Pinakita ko kay Prinz yung tuhod ko. Ang kulit-kulit kasi. Sinabi nang magaling na yung sugat ko eh. Ayaw pa maniwala!

"Ah... oo nga." Sabi niya sabay ayos ng tayo.

"Oh nakita mo na kaya shoo ka na. Dali." Tinulak ko siya sa harap ko at pumasok na ng classroom. Balik na naman siya sa pangungulit at pang-aasar niya. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa o maiinis ako.

"Sungit." Rinig kong sabi niya bago ako tuluyang nakalayo sa kanya. Kahit naasar ako ay napangiti nalang ako.

Naupo na ako sa upuan ko saka ko naman nakita na papasok na rin si Prinz at naglakad siya palapit sa akin. So balik upuan na rin siya ngayon?

"Uy!" Bati ni Zeke sa kanya. Nag-appear sila sa harap ko nang makaupo si Prinz. Ito na naman. Isusuggest ko na talaga kay ma'am na sila nalang pagtabihin. Tss.

"Kamusta bro? Bati na kayo nitong katabi ko?"

"Nandito ako Zeke." Sabi ko sabay irap sa kanya. Kung makatanong parang hindi ko sila naririnig!

Hindi niya ako pinansin bagkus ay tinuloy pa niyabg makipag-usap. Ito namang si Prinz, sumakay pa sa trip niya!

"Mukhang hindi pa. Kahapon pa ako hindi pinapansin." Tinignan ko siya ng masama. Ni hindi siya nakatingin sa akin kahit si Zeke ay parang hindi ako nakikita! Grrrr!

"Ganoon ba? Bakit naman? May ginawa ka bro noh... Share naman."

Timpi lang, Nathalie. Habaan ang pasensya. Mga isip bata yang mga yan. Mga nasiraan ng ulo. Timpi lang.

"Hindi ko alam eh. Pero feeling ko nagseselos kasi siya--"

"Oh? Kanino naman?" Mas naging interesado pa si Zeke dahil sa sinabi ni Prinz. Kung anu-ano na namang sinasabi. Wala namang katotohanan!

"Hindi ako sigurado. Hmm... kay Hannah kaya?"

"Ano!? Kapal mo naman!?" Nanlalaking mata na sabi ko sa kanya. Aba't mahangin talaga 'tong isang 'to. Akala mo sobrang gwapo! At bakit ko naman pagseselosam si Hannah!? Pake ko sa kanilang dalawa!?

"Oh. Defensive ka naman masyado." Binatukan ko si Zeke kaya hinawakan niya ang palapulsunan ko saka ulit tinignan si Prinz.

"Bro, baka nga. Pero teka. Kay Hannah? Bakit kay Hannah?" Tuloy niya. Sinubukan ko ulit siyang batukan gamit yung isa pang kamay ko pero bago ko pa yun magawa ay pinigilan na niya ako. Nakatalikod na ako kay Prinz dahil hawak na ni Zeke ang dalawang kamay ko.

"May tinatanong lang eh." Simaaan ko lng siya ng tingin.

"Oh bitaw na." Hinila ni Prinz ang braso ko kaya bumitaw na si Zeke. Inismaran ko nalang siya.

"Oh eh bakit nga kay Hannah, bro?"

Siningkitan ko ng mata si Prinz. Warning para itikom niya ang bibig niya. Wala rin lang naman siyang masabing katotohanan ay mabuti pang wag na siyang magsalita!

Matapos noon ay nginitian naang niya si Zeke sabay taas baba ng kilay niya. "Secret daw."

Napairap ako sa mga kalokohan niya. As if naman totoong nagseselos ako kay Hannah! Mukha niya! Ano namang pagseselosan ko doon eh mas maganda pa ako? Saka hindi ganun kabangis ang ugali ko kumpura sa kanya. Mas malayong maganda ako kaya wala ako kinakaselos!

Natapos ang buong araw na puro discussion. Nagligpit kaagad ako para makauwi na. Buti nalang at weekend na bukas. Wala rin naman kaming nakaschedule na practice para sa play kaya makakarelax din ako sa wakas!

"Bye, Rosie!" Paalam ni Zeke.

"Tse!" Bulyaw ko at nilagay ang nahuhuling librong hawak ko sa locker.

Si Zeke lang ang tumatawag sa akin ng Rosie. Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula pero nung sinimulan na niya akong tawagin noon ay tinatawag ko na siyang Zekie kapag natripan ko. Pero dahil badtrip ako sa pang-aasar nila Prinz ay ni hindi ako nag-babye ng maayos.

Pagkasara ko ng locker ko ay mukha ni Prin ang bumungad sa harap ko. Pasalamat siya't gwapo siya kaya kahit halos araw-araw ko siyang kasama ay hindi nakakasawa.

"Anong kailangan mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Date tayo bukas." Walang paligoy-ligoy niyang sabi.

"Ayoko nga."

"Hindi kita tinatanong. Sunduin kita bukas ng 9 o'clock. Una na ako." Sabi niya saka ako tinalikuran at nagsimulang maglakad.

"Eh sabing ayaw ko eh!"

"'Di ko tinatanong!" Sigaw niya pabalik. Nagdabog ako saka lumakad papalayo sa lockers. Sa gate 2 ako dadaan para hindi niya malaman kung saan ako umuuwi.

Pagkalabas ko ng gate ay lumingon ako sa paligid. Marami ring lumalabas na estudyante rito kaya medyo napaparanoid ako na baka nandyan lang siya sa gilid at nagmamasid. Nung may dumaang taxi ay agad kong pinara at sumakay. At least lapag taxi hindi na niya ako masusundan. Di tulad sa jeep na may sign kung saan pupunta.

Nang makarating ako ng bahay ay tinignan ko kung may nakasunod sa akin pero wala naman. Napangiti nalang ako. Success! Makakatulog ako ng matagal bukas. Kahit tanghali na ako magising ayos lang.

**

"Bangon na." Gising sa akin ni mama.

Tinakpan ko ng unan yung mukha ko saka nag-iba ng pwesto sa kama. "5 minutes pa, ma."

"Bangon na sabi. Tanghali na!" Bumangon ako kaagad nang sumigaw na siya. Kung ang ibang nanay sabihin lang yung buong pangalan ay susunod na; ako, sigaw lang. Masyado daw kasing mahaba yung pangalan ko kaya sigaw nalang daw sa kanya. Daming alam ng nanay ko!

Ginulo ko lalo ang paniguradong gulo ko nang buhok. Nauna na akong bumaba kay mama. Pagkarating ko sa kusina ay talaga namang tanghali na.

"Pa. Akin yung bone marrow ah." Sabi ko at dumiretso muna sa lababo para maghilamos ng mukha. Nang sure na akong natanggal na ang muta ko ay saka ako umupo. Nandito na rin si mama. Nanalangin kami tapos kumain.

Sa gitna ng pagsubo ko ay tinawag ako si papa.

"Hmm?"

"May naghahanap sayo kanina. Boyfriend mo raw. Totoo ba yun?" Halos mailuwa ko ang kinakain ko. Ano daw!?

"P-po?" Talaga naman, Prinz!

"Pumunta siya dito kanina. Bihis na bihis. May date ba dapat kayo ngayon?"

"Mama!" Nalaglag ang panga ko. "Wala akong boyfriend, okay? Lalong lalo na na hindi ko boyfriend yung pumunta dito kanina. M-may p-practice kasi kami mamaya para sa play namin. D-dito sa atin ang meeting place. B-baka hindi lang siya nasabihan kagabi na nalipat yung o-oras." Napatango-tango naman sila mama.

God, sorry nagsinungaling ako! Kasalanan 'to ni Prinz eh! Saka paano ba niya nalaman yung address namin!? Sabi na eh. Tama hinala ko. Sinundan niya ako kahapon!

Meet My Instant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon