Chapter 3 (Boyfriend)

171 9 0
                                    

"Mommy, alis na kami ni Kuya!!" Pagpapaalam ko. Badtrip si kuya kaya ayaw magsalita. Bakit? Dahil pinilit ko siyang ihatid muna ako bago siya pumasok. Wala kasi yung driver slash gardener namin. Ewan ko ba kay mommy kung bakit ayaw mag-hire ng isa pa para hindi dalawa ang trabaho ni Mang Ben.

"Uy kuya. Ano sa tingin mo magandang kantahin? May intermission kasi kami mamaya." Tanong ko sa kanya habang nagdadrive na siya papunta sa school ko.

"Uy!" Pinalo ko ng mahina yung balikat niya. Hindi niya kasi ako kinakausap eh.

"Ano ba?! Hinahatid ka na nga ang gulo mo pa!" Sinulyapan niya ako saglit tapos binalik niya sa daan.

"Ay. Ganun ka kagalit kuya? Grabe ha. Nagpahatid lang naman eh. Saka ngayon lang naman."

"Bakit ka nga ba nagpahatid? Pwede ka naman magtaxi eh." Ang gentle man niya talaga. Asar.

"Pwede magtipid kuya? Uso yun ngayon. Malapit lang naman yung school mo sa school ko eh. Arte mo."

"Umayos ka ng sagot kung ayaw mong ibaba kita dito."

"Sungit. Meron ka?" Pang-iinis ko pa sa kanya. Wahaha! Pulang pula na yung mukha niya. Ganito kami ng kuya ko kung mag-usap kaya masanay na kayo. Pero kahit ganun love ko yan!!

"Hingang malalim kuya. Umuusok na naman yang ilong mo oh." Pinindot ko yung ilong niya. Triny niyang umiwas pero too late. Napindot ko na. Hihi.

"Hoy Nat-Nat!! Tumigil ka nga. Mamaya mabangga tayo dito! Sayang gwapo ko!"

"Ay san banda? Di ko kita. Saka please lang ha. Don't call me 'Nat-Nat'. So boyish. Di ako tomboy noh. I'm too pretty to be a boy." Maarteng sabi ko.

"Anong pretty ka dyan? Baka cute."

"Oh thanks kuya. Alam ko namang pretty and cute--"

"Cute parang dog. Pfft. Di mo kasi ako patapusin eh." Natatawa niyang sagot.

"Yeah. So funny. Tatawa na ba ako?" inis na sabi ko naman sa kanya. Di niya pinansin yung sinabi ko at pinark niya nalang sa tabi yung sasakyan. Andito na pala kami.

"Baba na."

"Atat? Bababa na nga eh." Inabot ko yung gamit ko sa likod at bumaba na.

"Bye Nat-Nat!!" Pagpapaalam niya. Ugh! Sabing wag akong tawaging ganyan eh.

"Bye din Olive!!" Bawi ko sa kanya. Nawala yung ngiti niya at pinaandar na yung sasakyan. Samantalang naiwan akong tumatawa dahil sa reaction niya. Ang totoo niyang Oliver ang pangalan niya.

"Hoy!!"

"Ay Oliver!!" Nagulat ako dahil may biglang nanulak sakin. Buti nalang nabalanse ko kaagad yung katawan ko kung hindi susob na mukha ko sa semento.

Tinignan ko ng masama yung nanulak sakin. Ay yung so-called queen bee daw sa campus pala ang kaharap ko ngayon. Kasama pa niya yung mga alipores niya.

Tsk. Mas bagay sakanya queen bitch.

"Oh. Oliver. So finally may boyfriend ka na rin?" Epal 1

"May nabola ka na rin?" Epal 2

"Hindi. Baka yung kuya niya lang yun. Tama ba?" Epal 3

"Sa bagay. Sino ba naman ang may gugusto sa kanya. Sinaunang panahon ang trip niyan. Kaya wala siyang boyfriend since birth." Pinaka epal sa lahat si Hannah. Yung leader nila.

Tsk tsk. Hindi ba sila nagsasawa kakaharang sakin at pagsabihan ako ng mga ganyang bagay? Yung tungkol sa pagkakaroon ko ng boyfriend? Last TWO yearS pa sila eh. Pare-pareho din naman sagot ko.

"Kayo. Hindi niyo problema kung may boyfriend ako o wala okay? Kung ayaw ko pa hindi niyo ako mapipilit." Huminga ako ng malalim. Sinusubukan kong pahabain pa yung pasensya ko sa mga to.

"Ang sabihin mo walang may gustong manligaw sayo kaya ganun. Pangit ka kasi!" Nagbigla ako sa sinabi nila. Ako pangit? Aba naman. Sinong may sabing pwede nila akong lait-laitin. Napahigpit ang kapit ko sa gamit ko. Pilit na pinapakalma ang sarili.

Chill ka lang Nathalie. Kung pangit ka mas pangit sila.

Pero di na ako nakapagpigil nung ininsulto pa nila ako lalo.

"Walang magkakagusto sayo. Nerdy type ka kasi kahit wala kang suot na glasses. Boring pa at higit sa lahat maliit ang hinaharap!"

"Wow. Nahawakan mo na? Baka magulat ka kapag nahawakan mo. Mas malaki pala kaysa sa panangin mo." Grabe. Hindi ko alam na kayang kong sabihin yun sa harap nila mas lalo ngayon na ang dami ng nakatingin sa amin. Pero bahala na!

"And alam mo. Sa totoo lang may boyfriend na ako eh. Ayoko lang sabihin sayo kasi baka sulutin mo!"

"Pwede... Depende kung gwapo bf mo baka kasing pangit mo din naman yung napili mo. So san na nga yung boyfriend mo?" Taas kilay niyang tanong. Kaya nagsitaasan din yung kilay ng mga alipores niya. Wow. Galing ah. Follow the leader nga naman.

"Ang sabi ko ayokong ipakilala siya sayo kasi baka sulutin mo." Matapang kong sabi kahit na kinakabahan na ako. Eh san naman ako kukuha ng boyfriend eh wala nga ako nun?!

"Haynako dear. Sabihin mo na kasi na wala ka talagang boyfriend. Tanggap naman namin kahit na wala dahil sa itsura mo eh." Lumapit pa siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. Mas matangkad kasi siya sakin. Idagdag mo pa na nakaheels siya habang ako nakaflats.

Medyo umatras ako at saktong may nakita naman akong dumaan sa tabi namin. Nakatalikod siya sakin kasi sa likod ko siya galing. Hinawakan ko siya sa braso at lumapit sa kanya. Bahala na si batman sa gagawin ko.

"Uy boyfie!! San ka pupunta? Sabay na tayo." Makikita ko na sana yung mukha niya nung bigla akong kinausap ulit nila Hannah kaya sa kanila napunta yung atensyon ko.

"So siya ang boyfriend mo? Himala. Gwapo nabola mo." Nakataas parin yung kilay niya. Hindi ba siya nangangalay? Tsk. Pake ko ba?

"Oo. Hindi ba obvious?" Hinawakan ko pa yung kamay nung lalaking kasama ko at pinagsakilop para mas effective. Grabe ang lambot naman ng kamay nito. Tamad siguro. Hehe.

"Okay then. Pagsabihan mo lang yang boyfriend mo. Baka di na kayo umabot sa susunod niyong monthsary." At umalis na sila. Napabuntonghininga nalang ako at hinarap yung taong naidamay ko pa sa gulo.

"Sorry ha nadama-- ikaw?!"

"Oo. Ako nga. Bakit?" Sino kausap ko? Walang iba kundi si Prinz. Ang mayabang, mahangin at hindi man lang gentleman! Pinagdala ba naman daw ako ng dalawang gitara dahil tinatamad siyang magdala ng kanya?! Ang bigat kaya. Buti nalang hinatid ako ni kuya.

"Aish. Yung kanina. Wag mong initindihin yun. Sumosobra na sila kanina kaya napakilala kitang boyfriend ko." Nagsimula na akong maglakad pero hinila niya ako pabalik at inakbayan.

"Oh. San pupunta ang girlfriend ko?"

"H-huh?" Pinagsasabi na naman nito? Medyo lumayo ako sa kanya para maalis yung pagkakaakbay niya. Ang bigat na nga ng dala ko idagdag pa niya ung braso niya.

"Ikaw. San ka pupunta?"

"Hindi yun! Anong girlfriend pinagsasabi mo?"

"Ikaw. Di ba boyfriend mo ako? Edi girlfriend na rin kita. Halangan naman na boyfriend mo ako tapos hindi kita girlfriend?"

"Eh hindi naman yun totoo eh!"

"Wala ka ng magagawa. Nasabi mo na eh. Panindigan mo." Pagkatapos nun nauna na siyang maglakad papasok ng classroom.

Ugh! Di nga kita boyfriend eh!


Meet My Instant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon