Nagmartsa ako papasok ng classroom. Tatatlo palang ang nandito dahil maaga pa. At kasama doon sa tatlo ang sinabihan kong pumasok ng maaga.
Hanggang ngayon ay umuusok pa rin ang ilong ko. Ni hindi man lang ako nakapagrelax nung weekend dahil sa kanya! Lagi akong sinesermonan nila papa sa pagboboyfriend ko!
Kapag nagkaboyfriend na ako dapat sabihin ko sa kanila agad. Kahit manliligaw. Saka kung magpapaligaw man ako ay dapat sa bahay, hindi kung saan-saan. Lalo na sa text! Dahil hindi masisigurado kung sincere ba yung tao o trip-trip lang. At marami pang iba! Nadagdagn pa nga dahil nagduda sila sa akin lalo nang wala namang naganap na practice nung sabado!
Alam ko naman yung mga yun pero nakakairita lalo na kapag pauli-ulit nalang na sinasabi. At higit sa lahat, kung wala naman talaga akong boyfriend! Wala pa nga akong boyfriend, eh kung pagsabihan ako ay akala mo mag-aasawa na! Kahit yung pag-aaway ng magkarelasyon pinaalalahanan pa ako! Kesyo daw dapat may trust, dapat nagkakaintindihan. Jusko! Kung hindi pa pasukan kinabukasan ay hanggang madaling araw nila ang pagsabihan ng kung anu-ano!
"Hoy!" Sinipa ko yung legs niya at alam kong masakit yun dahil buto yun. Deserve niya. Sumakit din ang tenga at ulo ko dahil sa kanya nung Sabado! Bumabawi lang ako!
"Sh*t! Ano na namang ginawa ko!?" At talaga namang magamaang-maangan pa siya!
"Ikaw! Paano mo nalaman kung saan ako nakatira, ha!?"
"Girlfriend kita 'di ba? Syempre alam ko!" Nakahawak pa rin siya sa legs niya pero ako naman si nganga natahimik bigla.
"A-anong girlfriend!? 'Yang girlfriend girlfriend na 'yan! Sabi ng hindi-- Hmm!" Mabilids siyang tumayo saka tinakpan ang bibig ko. Pinilit kong kumawala sa kanya pero hindi ko matanggal yung pagkakatakip ng kamay niya sa akin.
Pinakawalan niya ako saka mabilis akong hinatak palabas ng classroom. Ni wala man lang akong oras para magreact dahil sa bilis ng nangyare!
"Aish!" Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa hatak niya. Nakarating kami sa tahimik na parte ng floor namin saka niya ako binitawan.
Binulsa niya ang dalawa niyang kamay, "I told you, you're my girlfriend. Lagi mo nalang sinasabing hindi." Kung hindi ko lang siya kilala malamang naisip ko na na nagtatampo siya.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Kailan pa?"
"June 7, 2016. Second day ng pasukan." Inirapan ko siya.
"Walang katotohanan 'yon. Saka nung sinabi kong boyfriend kita alam mong palabas lang 'yon!"
Humakbang siya palapit sa akin; umatras naman ako.
"Then why not make it real? Gusto mo naman ako 'di ba?" Teka teka. Ano daw? Nabingi ata ako.
"Wala akong sinasabing ganyan! Kapal nito!"
"Pero hindi mo tinanggi. So may gusto ka nga sa akin?" Binigyan niya ako ng mapanlokong ngiti. Nginiwian ko siya kahit sa loob-loob ko ay ang lakas ng tibok ng puso ko!
"Fine. Crush kita! Crush lang! Saka ganito laaaang kakunti." Pinakita ko sa kanya ang dalawang daliri kong may sooobrang konting agwat na kahit ako ay hindi ko makita. Basta alam kong hindi sila nagdidikit. Ganoon lang kakunti yun! Hindi sobra to the point na papayag na akong maging biyfriend siya!
Tinawanan niya ako, "See? Crush din naman kita. So it's official?"
Nalaglag ang panga ko. Parang tumigil saglit ang mundo ko. Kung kanina napilit kong magsalita agad ngayon hindi ako makapagsalito. Ultimo dila at voice box ko biglang naglaho na parang bula.
"I-ikaw? M-may gusto ka s-sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ko matapos ang ilang saglit. Alam kong hindi naman imposible. Sa ganda kong 'to? Pero nakakagulat pa rin pala na sabihin sa'yo harap-harapan na gusto ka ng tao!
BINABASA MO ANG
Meet My Instant Boyfriend
Teen FictionNathalie Rose Ferrer, nagkaroon ng instant boyfriend na nag-ngangalang Prinz Gilbert Fernandez dahil kay Hannah. Ang hindi niya alam ay planado lahat.