"Ibaba mo na ako..." Sabi ko pero lumabas na parang bulong. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya, baka nabibigatan siya sa akin pero hindi niya lang pinapahalata.
"Huy..." Sabi ko sa kanya nang hindi pa rin niya ako binababa. Nasa tapat na kami ng pintuan ng clinic. Tinignan naman niya ako at nag-iwas ako ng tingin.
Bakit naman ganyan siya makatingin?! Wala naman akong ginawang masama ah!
Sinubukan kong bumaba pero humigpit lang ang hawak niya sa legs at bewang ko.
"Just open the damn door." Malamig niyang sabi kaya sinunod ko nalang. Sheesh! Problema nito?
"English ka ng english. Nasa Pilipinas ka, Manong. Buti sana kung Amerikano ka..." Bulong ko nalang sa inis ko.
"Anong sabi mo?" Ayan. Nagtagalog din.
"Wala." Sagot ko at hinayaan kong ibaba niya ako sa couch na nasa tapat ng nurse's table. Agad naman niya ako dinaluhan. Nakatayo lang si Prinz sa tabi ng shelf ng mga gamot at pinapanood ang bawat gawin ng nurse sa tuhod ko.
"A-ah." Nauutal kong sabi nang i-angat ng nurse yung saya ko. Napatingin naman sa akin ang nurse at nakipagtitigan ako sa kanya, hoping na ma-gets niya na may lalaki kaming kasama na nakatitig lang sa amin tapos i-aangat niya yung palda ko?! Makikita niya legs ko! Kaloka!
"Okay lang ba, iho, kung lumabas ka muna?" Tanong ng nurse kay Prinz. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nagets niya. Napatingin naman siya sa akin. Blanko ang mukha. Bigla namang ulit nanikip ang dibdib ko. Para akong nalagutan ng hininga sa titig niya.
"I'm good. Girlfriend ko naman po siya." Nagsimulang umakyat ang dugo sa mukha ko sa sinabi niya. Loko 'to ah! Girlfriend ka diyan...
Napatingin ang nurse sa akin at palihim akong umiling sa kanya. 'Wag kang pumayag, Ate!
"Mabilis lang naman. Nahihiya siya eh..." Sige lang, ate. Tama 'yan.
Nagulat nalang ako ng kunin niya sa nurse ang first aid kit sa paanan ko. Napatayo din ang nurse at siya ang pumalit sa pwesto niya. Nakaluhod na siya ngayon sa harap ko. Pero hindi ko alam na may ilalaki pa ang mata ko at iiinit ang mukha ng simulan niyang i-angat ng dahan-dahan ang palda ko. Half way sa legs ko ay napigilan ko ang kamay niya.
"Let me."
"Ayoko."
"Isa."
"Dalawa. Tumigil ka nga. Nakakahiya." Napatingin kaming parehas sa nurse na pinapanood lang kami. Nangingiti lang siya. Grabe. Nakakatulong ka, ate. Parang okay lang sa kanya na nakikita niya kami sa ganitong eksena. More like, kinikilig. Sabagay, fresh graduate lang naman siya. Pero hindi ito ang oras para kiligin! Paalisin mo 'to, Ate! Parang awa mo na! Rape! Ay, OA.
"Tatlo." Tinabig niya ang kamay ko at tuluyang inangat yung palda ko hanggang sa makita niya ang sugat ko.
Kung kaninang umaga ay sugat at gasgas lang, ngayon ay mas malala dahil nagkaroon na ng pasa at nagdugo ulit. Napangiwi at napapikit nalang ako nang dahan-dahan niyang tanggalin yung apat na band-aid na inilagay ko bago yung practicum.
"Namamantal na 'yang sugat mo. Lagyan mo nalang ng cold compress maya-maya." Sabi ng nurse saka siya umalis para kumuha ng iba pang kailangan. Pagkabalik niya ay iniabot niya sa akin ang cold compress. Tumango ako at kukunin ko na sana ang ito pero si Prinz na ang unang kumuha. Hindi na ako nag-inarte at hinayaan ko nalang.
"May lampin po ba kayo?" Tanong ni Prinz sa nurse. Tumango naman ang nurse at umalis saglit. Pagkabalik niya ay may dala na siyang maliit na basin at doon nakababad ang sa maligamgam na tubig ang lampin. Nilapag niya ito sa paanan ko. Nag-abot na rin siya ng maliit na upuan kay Prinz. Nahirapan pa siyang umupo dahil sa haba ng legs niya. Tatawanan ko sana siya kung hindi lang siya masyadong seryoso sa paggagamot sa akin. Ang cute niya kasi. Ehem.
BINABASA MO ANG
Meet My Instant Boyfriend
Teen FictionNathalie Rose Ferrer, nagkaroon ng instant boyfriend na nag-ngangalang Prinz Gilbert Fernandez dahil kay Hannah. Ang hindi niya alam ay planado lahat.