Sumasabog na Puso

889 45 12
                                        

Sumasabog na Puso

By GeniusMonkey


"Mahal kita," ito ang sabi ko sa iyo,

"Alam ko," ito naman ang sagot mo;

At bakit ba hindi ko ito inaasahan?

Ang sagot mo'y hindi ko maintindihan.


Ngumiti ka sa akin at ako'y natulala,

Hindi makakilos at hindi makapagsalita

Pagkatapos ay bigla ka nalang lumayo,

Umiwas at nagtago sa aking pag-suyo.


Sa tuwing naaalala ko ang lahat ng ito,

Sa tingin ko ay sasabog na ang aking puso

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin,

Para lamang bumalik ka sa aking piling.



Poems of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon