Pagkaka/Ibigan

390 34 12
                                        

Pagkaka/Ibigan

By GeniusMonkey

O, kupido bakit mo ako pinana!

Nakakainis ang iyong ginawa,

Dahil tagos sa puso ang tama

Ako ngayo'y naging kaawa-awa.

Pilit ko mang di siya pansinin

Pero lalong tumindi ang pagtingin

Di mapigilan ang utos ng damdamin

Na ang kaibigan ko'y aking mahalin.

Lihim ko siyang pinagmamasdan

Sana'y mapansin man lang minsan

Ngayon ako ay nag-aalinlangan

Pag-ibig ba o ang pagkakaibigan?



Poems of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon