Gising!
By GeniusMonkey
Lasing ka na naman! Di mo na ako tinantanan!
Pare ko, ikaw ay nababaliw, nassira na ang ulo mo.
Babae lang 'yan, iniiyakan? Gusto mo bang matadyakan?
Gago ka naman kasi, di ka ba marunong mamili?
Umibig ka sa babaeng hindi tama, kaya ikaw ay kawawa
Ngayon ikaw ay nakatunganga, isip mo'y nawawala!
Tumigil ka na sa kaiiyak! Para hindi kita masapak!
Ang dami naman babae dyan! Ikaw ay nagbubulag-bulagan
Daig mo pa ang nasisiraan, ako'y naguguluhan!
Paano bang minahal mo siya! Di mo naman siya kilala!
Pare ko, Mag-isip ka muna, bago ka magpakatanga!
Nalalasing ka dahil sa kanya, siya naman ay sobrang saya!
Kaya payo ko'y maghanap ng iba, ikaw ay magpakasaya
Gumimik ka rin minsan, at siya'y iyong kalimutan
Pagkat hindi kita matutulungan, sa iyong nararamdaman
Wala talagang forever! Pero meron namang together,
Hindi mo naman siya kasama, kaya mag-isip ka na!
Pare ko, ano ba talaga? Sa tingin mo ano ang mahalaga?
Ikaw ay maging masaya? O forever na magpakatanga?
BINABASA MO ANG
Poems of a Broken Heart
PoesíaA Collection of Sad and Lonely Poems... Poems that would make you relive the Past... Poems that would make you recall you Pains... Poems that would make you realize that... Once in our lives we've experience Sadness... Because we've fallen in Love...