Ala-ala
By GeniusMonkey
Masasakit na mga ala-ala'y dapat na nating ibaon
Ibaon sa lupa, ilagay sa kabaong, kalimutan
Iyakan pero sa huli ay dapat nang iwananan,
Masakit man, Kailangan nating tanggapin ang katotohanan
Kahapong kaysaya, ay lumipas na, wala na tayong magagawa
Kundi ang maging masaya, Pero paano ba?
Paano nga ba kung mahal mo pa rin siya?
Naturingan ka nang tanga pero tanggap mo pa,
Kahit ikaw pa 'yong kawawa di mo ito alintana
Ikaw pa 'yong alipin, at siya 'yong amo mong sakim,
Ginagawa mo lahat para sa kanya,
Ikaw pa 'yong taong sinasaktan niya?
Gago! Gumising ka na! Masaya ka ba talaga?
Ito ba 'yong mga ala-alang sinasabi mo?
Ilang beses ka na ba niyang niloko?
Ilang beses ka na rin ba nagpa-uto?
Ang haba talaga ng pasenysa mo...
Akalain mong nagtagal pa kayo?
Kahit harap-harapan ka na niyang niloloko!
Gago! Stupid! Ang tanga-tanga mo!
Gusto mo bang basagin ko ang iyong bungo?!
Galit na ako! Kasi suot mo 'yong earphone mo!
Nakikinig ka ba ha! Gusto mong sapakin kita!
Hoy! Ano bang ginagawa mo?!
Nakikinig ka na naman sa lovesong nyo!
At umiiyak ka na naman! Paano mo siya makakalimutan?
Mga mata'y luhaan, puso'y sugatan, utak ay naguguluhan
Mababaliw ka talaga nyan! Kaya ako'y iyong pakinggan
Kalimutan na sana ang nagdaang panahon
Hindi dapat na manatili sa isang kahapon
Sa hinaharap natin ibigay ang atensyon.
BINABASA MO ANG
Poems of a Broken Heart
PoetryA Collection of Sad and Lonely Poems... Poems that would make you relive the Past... Poems that would make you recall you Pains... Poems that would make you realize that... Once in our lives we've experience Sadness... Because we've fallen in Love...