CHAPTER 4 :

18 1 2
                                    

Ngiti sa labi

Aya Irene POV

Pinagbuksan niya ako ng pituan sa front set, pumasok ako at sinirhan niya iyon. Tinignan ko lang siya na ng libot papuntang driver seat. He’s sweet. Madali akong mahulog sa ganyang mga lalaki. Alam ko na siya yong naka kuha ng Virginity ko, hindi ko iyon pinagsisihan.

Pinaandar niya na ang makina ng sasakyan saka umalis na ng building.. habang bumabyahe tahimik lang kaming dalawa. Walang nagsasalita samin. Dumungaw nalang ako sa bintana ng kanyang sasakyan.

“Anong address papuntang bahay niyo?” Aniya. Lumingon ako sa kanya at sinagot ang kanyang tanong.

“Sa Magalona Village, Doon kami nakatira” Sabi ko. Tumango lang siya sakin at pinagpatuloy ang pag drive ng sasakyan.

 Ng nandito na kami sa tapat ng bahay. Bigla niyang hininto ang sasakyan. Kumunot agad ang noo ko.

“Oh! Pano mo nalaman na bahay namin to?” sabi ko at tumingin sakanya. Lumingon din siya sakin.

“Huh? Ah.. eh?.. Ito lang naman ang pinaka malaking bahay dito sa lugar niyo. Naghinala ako na inyo to, agad kong hininto ang sasakyan at tama ako.” Aniya. Tumango ako at lumabas ng sasakyan niya.. pagkababa ko dumungaw siya sa binta ng kanyang sasakyan. Weird..

“Aya! Can I get your number?” Sabi niya sakin. Napalaki agad ang mga mata ko. Tumango ako sa kanya at lumapit sa bintana ng kanyang kotse.

“Akin na yung phone mo” Sabi ko,  binigay niya agad ang cellphone niya. Nagtype ako doon ng number ko at pagkatapos binigay ko agad ang cellphone niya.

“Thanks! Mag t-text ako mamaya sayo.  Pwedi ba?” Aniya.

“Ou naman. Btw, Thanks sa paghatid” Sabi ko. Tumango lang siya sakin at pinaandar ang kotse niya. Kumaway ako sakanya bago siya umalis. .

Tumalikod na ako at pumunta ng gate ng bahay namin. Pinagbuksan ako ng guard.

“Good afternoon po Young lady” Aniya sabay ngiti sakin. Tumango lang ako at pumasok ng bahay. Nadatnan ko agad si daddy na nandon sa sofa at ng babasa ng diaryo. Lumapit ako sa kanya.

“Good afternoon po dad” Sabi ko saka humalik ng kanyang pisngi. Pagkatapos tumayo lng ako sa harapan niya.

“Saan ka pumunta Young lady?” sabi niya bigla. Shit! Kapag Young lady na kasi tawag niya sakin seryoso at baka papagalitan na niya ako.

“Ah.. p-pumunta po ako ng m-mall dad.. Nag..Nagtitingin ng bagong damit at saka bag. Bigla akong n-nakita ng kaibigan kong babae noong college. Niyaya niya po akong pumunta sa kanilang bahay para mg dinner at doon na muna daw ako matulog kasi babalik na siya ng state bukas”  pagdadahilan ko. Sht! Sana hindi niya mahalata na nauutal ako.

“You sure? Sino yung humatid sayo dito. Siya ba? Bakit hindi mo muna siya pinasok dito sa bahay para makapag meryenda?” Aniya sabay tumingala sakin. Bigla akong kinabahan.

“Opo dad, Nagmamadali po kasi siya sabi niya sakin.  May importanteng gagawin pa daw  po” Sabi ko.  Sorry dad kung nagsisinungaling ako sayo ngayon. Ayokong  magsisinungaling sa inyo pero kailangan.

“Okay, Sasusunod mag paalam ka muna sakin o mag text bago ka umalis ng bahay. Nag-alala kami ng mommy mo, kagabi kapa hindi umuuwi ng bahay..Sige mag pahinga kana” Aniya. Tumango ako at pumunta ng kwarto ko.

Pagkapasok ng kwarto ko bumutong hininga agad ako. Akala ko papagalitan na ako. Over protective sila sakin ni mommy, dahil ako lang ang nag-iisang anak nila at only daughter pa. First time ko ang pagsisinungaling sakanila. Hindi ko alam bakit yun yong naisip ko.

Bumihis muna ako at saka humiga ng kama. Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad iyon saka binuksan.

·   1 Unread message From : 09053562**

 “Hey! Regan to. Nakauwi na ako ng condo. Ano ginagawa mo diyan?”

Save ko muna ang kanyang number saka ng reply sa kanyang text.

To: Regan :*

      Humihiga na sa kama, mag papahinga na sana. Ikaw? ..

Send ko agad iyon sa kanya. Biglang tumunog agad ang cellphone ko .. Ang bilis niyang magreply.

From : Regan :*

      Same here! :D Mamaya ka nalang magpapahinga please?..

To : Regan :*

      Cge na nga! Anu ba ang paguusapan natin?

From : Regan :*

       Hmm..? Aya? Can I court you?

Nalaglag ang panga ko sa text niya.. tumawag agad ako sa number niya. May naisip kasi akong kalokohan. XD

 “Hello Aya? So anu na? pwedi ba akong manligaw?”  bungad niya

“Manligaw? Sige sabihin mo muna ito “nakakapagpabagabag” kapag nasabi mo yan ng mabilis at kapag na perfect mo magpapaligaw ako sayo” Sabi kong paghahamon sa kanya. Napangisi nalang ako.

“Yan lang ba? Kayang-kaya ko yan! Wait! Ahem!.. Nakakapagabagab.. Nakakapagkagabagab! Shit Mali! Nakakapagbagagabag! Fvck! Ah iwan!! Kapag na perfect ko to liligawan talaga kita! Give me 1 day aya.” Aniya. Tawa ako ng tawa sa kanya.. narinig kong bumuntong hininga siya. Ganyan din ako noon nabubulol XD

“Sige regan magpapahinga muna ako. Bye!” Sabi ko.

“Okay aya, Sleepwell” Sabi niya. Binaba ko na agad ang linya saka nilagay ang cellphone ko sa katabi ng kama.

Pumikit agad ako na may mga ngiti sa labi ..

The UnexpectedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt