CHAPTER 5 :

16 1 0
                                    

Hindi pwede

Regan Ganne POV

1week akong nag practice ng yun para ma perfect. Ang hirap talaga! Tsk. Nabubulol kasi ako.. pero sa wakas at nasabi ko din ng mabilis at perfect kaya ngayon nililigawan ko na siya. Hindi na ako mahihirapan pang gumanti sa mga magulang niya. Kasi hawak ko na siya ngayon..

Niyaya ko siyang makipag date sakin. Okay naman sa kanya kaya dinala ko siya dito sa mall. Pumunta kami ng Wof . nag basket, nag videoke, nag just dance at iba pa. Tawa lang kami ng tawa sa mga ginagawa namin.

Ng mapagod kami ay niyaya ko siyang manuod ng movie. Bumili ako ng ticket saka siya naman ay bumili ng popcorn at drinks. Pagkabili niya ay agad kong kinuha ang drinks.

Pumasok na kami sa cinehan. Umupo kami sa gitna para hindi medyo masakit sa mata.

May umupong lalaki sa kanyang tabi. Agad niyang kinausap si Aya.. tumagal-tagal ang pinaguusapan nila, tawa sila ng tawa kaya nanood nalang ako ng movie. Tutok talaga ako sa movie pero napa tingin ako bigla sa kanila. Nakita ko ang lalaki na tumitingin sa dibdib ni aya. Kaya akong tumayo at kinewelyohan ang lalaki.

"Tang'ina pare! Bastos mo ah?!" Sabi ko sabay suntok sa kanyang mukha.

Agad napa sigaw ang mga tao sa gulat at tumitingin samin. Wala akong paki'alam sakanila.

"Regan! Ano ba?! Tama na nga yan! Halikana!" Sabi niya sabay hawak ng kamay ko. Kinalas ko agad yun at sinuntok ng isa pa ang lalaki. Saka ko kinuha ang kamay niya at kinaladlad palabas ng cinehan.

Pagkalabas namin ay agad siyang bumitiw sa kamay ko.

"Ano ba regan?! Nag iiskandalo kananaman!" Aniya. Biglang uminit ang ulo ko at nilingon ko agad siya.

"Iskandalo?! Hindi mo kasi alam kong anu ang rason kung bakit bigla ko siyang sinuntok! Tinitignan niya lang naman ang dibdib mo! Bakit?! Sino ba ang lalaking gustong binabastos ang ka date niya ha?! Bakit ba kasi yan yung sinuot mong damit! Ayan oh?! Mamaya kitang-kita na yan yung dibdib mo! Buisit!" Sabi ko. Napangisi siya bigla. Agad akong umiwas ng tingin sakanya.

"Bakit regan? Ayaw mo ba ako binabastos ng ibang lalaki? Bakit regan? May feelings kana sakin? Wag kang mag-alala may feelings na din naman ako sayo" Aniya sabay hawak ng mukha ko

"Manliligaw ba ako sayo kung wala akong feelings para sayo? Gamitin mo nga yang utak mo aya" sabi ko. Ngumiti-ngiti lang siya sakin.

Tinalikuran ko siya at nag simulang lumakad. Bigla niya kinuha ang kamay ko.

"Ikaw naman regan, hindi mabiro" sabi niya. Buisit! Badtrip na ako dun sa lalaking yun!

"Oi! Magsalita ka nga dyan! Saan na tayo ngayon pupunta?" Aniya

"Hmm.. pupunta tayo ng night's club." sabi ko. Tumango lang siya sakin.

Lumalakad kami papuntang parking lot. Nakita ko agad ang kotse ko at pinatunog iyon. Pinagbuksan ko siya ng pintuan sa front seat. Pumasok naman siya at sinirado ko agad ang pintuan. Naglibot ako papuntang driver seat.

"Nandun ba mga kaibigan mo?" Aniya. Napatingin ako agad sakanya.

"Ou, araw-araw naman sila nandoon. Pakikilala kita mamaya sakanila" sabi ko. Pinaandar ko agad ang makina ng sasakyan. Pinaatras ko ang kotse at umalis ng mall.

"Talaga?? Pero kinakabahan ako eh!" Aniya.

"Huh? Bakit kanaman kinakabahan eh? Kay mommy nga biglaan yun sa mga kaibigan ko pa kaya" sabi ko..

"Ou pero, kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit" Aniya.

Hindi ako ng salita at pinagpatuloy ang pag drive..

Pagdating namin ay ng park muna ako at bumaba. Bumaba na din siya. Sabay kaming pumasok ng bar.

Tumambad agad samin ang amoy ng usok ng sigarilyo. Hinawakan ko bigla ang balakang niya, nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na siya pinansin.

Agad kong nakita ang mga kaibigan ko na naka upo at nakikipag harutan sa mga ka-date nila. Pumunta kami agad doon sakanila.

"Oh? Pare! Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka dito" sabi ni Axel.

"Biglaan eh. Ah nga pala! Si Aya, nililigawan ko" Sabi ko sabay lingon kai aya.

Ngumiti siya sa mga kaibigan ko at nakipag shakehands sa kanila isa-isa.

"Woohh! Tutuhanin mo na ba to?" Sabi ni Xian.

"Ou naman ugok!" Sabi ko sabay upo sa tabi ni savier.

Niyaya ng mga babaeng ka date nila si Aya na sumayaw. Tumingin sakin si aya kung ok lang sakin. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Ngumiti din siya sakin at tumalikod na. Tinignan ko lang siya na lumalakad papuntang dancefoor. Bigla akong siniko ni savier.

"Oh? Pre! Natamaan kana ba doon kay aya?" Sabi niya. Tumingin lang ako kay aya.

"Wala noh! Ginagamit ko lang siya para makipaghiganti sa mga magulang niya" Sabi ko. Hindi pa kasi nila alam kung bakit ko gustong humiganti sa mga magulang ni Aya. Kaya isa-isa kong denatalye sakanila ang nangyari noon samin.

"Patay tayo dyan pre! Pano kung mahulog kana talaga kay Aya? Pano kung sa susunod na bwan mahal mo na siya? Itutuloy mupa ba ang plano mo para sa magulang mo O susundin mo ang puso mo para sayo?" Sabi ni Axel.

Hindi pwedeng magkakagusto ako sa kanya.. hindi pwede ngayon.. maling sitwasyon...

The UnexpectedOnde histórias criam vida. Descubra agora