Birthday party
Umaga ng birthday ko ay abala ang lahat sa mangyayari mamayang gabi. Sa Turner's Hotel ang venue ng party ko. Kaya ngayong hapon ay ganun pa din. Busy ang lahat. Kumuha ng make–up artist at photographers si mommy. Hindi naman ito ang unang engranding birthday ko, gusto ko nga simpleng handaan lang pero gusto nina mom at dad na memorable at masaya ang birthday ko. Wala akong magawa kasi kapag sila na ang nagsabi, sila ang susunod.
Kasalukuyang nilalagyan ng make–up ang mukha ko. Napatingin ako sa cellphone kung tumunog. Kinuha ko agad iyon.
Maraming nag greet sakin sa facebook, twitter, at instagram. At meron ding nag greet through call & text. Pero, ni–isa na galing sakanya wala. Kinakabahan ako ngayon baka hindi siya pupunta ng birthday party ko.
Noong una hindi ako mahilig mag facebook, instagram saka twitter. Nung nakita ko ang mga cousins kung bababe na busy sa pakikipag facebook saka twitter doon lang akong nagka interisado.
Tapos na akong make-upan.
“Ang ganda mo talaga miss Aya” Aniya bigla saka nagligpit ng gamit niya.
“Thanks” sabi ko sakanya. Tumingin siya sakin
“Sige po Miss aya, sa baba nalang po ako” Aniya sabay ngiti. Tumango lang ako saka ngumiti pabalik. Nagsimula naman siyang lumakad papuntang pintuan at lumabas.
Napatingin ako sa salamin. Ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si mommy
“A–ang ganda talaga ng anak ko, nagmana ka sakin” Sabi niyang naiiyak. Tumayo ako sa upuan at lumapit sakanya
“Syiempre! Like mother like daughter. wag ka ngang umiyak mhie hindi bagay sayo! Saka birthday ko to hindi kasal” Sabi kong tumatawa. Saka pinunasan ang luha sa kanyang mata. I love my mom so much! Ayaw kong umiiyak siya.
“Ikaw talagang bata ka! Namana mo talaga ang ugali ng daddy mo!” Aniya sabay punas ng luha.
Biglang bumukas ang pintuan.
“Hep! Akala mo hindi ko yun narinig mommy ha! Mana–mana lang yan!” tumatawang sabi ni daddy
Tumawa kaming tatlo. Yeah! Masaya ako kasi may ganito akong pamilya. Na–alala ko bigla na hindi pala kami kompleto.
“Mom, dad ? Hindi po ba uuwi sina lolo at lola? Gusto ko po sana silang makita” sabi ko
Tumingin sila sakin.
“I dont know Aya, hindi ko alam kung pupunta ang lolo at lola mo”Sabi ni mommy.
“Baby, wag ka ng malungkot, Birthday mo ngayon nakasimangot kapa. Ayan tuloy pumangit kana” Sabi ni daddy. Syete! Sakanya talaga ako nag mana ng ugali. Bugla siyang siniko ni mommy
“Ikaw talaga hon. Hindi pangit si Aya noh! Ang ganda niya kaya! Mana yan sakin” Aniya
“Sino nag sabi? Sakin kaya! pogi kaya ako” Sabi naman ni dad
“Leche! Sayona nga ang ugali sayo padin ang kagandahan! Manahimik ka nga!” sabi ni mom sabay hampas sa braso ni dad
Tumatawa lang akong palihim. Hayy.. ang kukulit talaga ng parents ko.
“By the way Aya, nandun na sa baba ang gown mo ipapa-akyat ko nalang dito sa tauhan natin. Sige anak, punta muna kami sa baba ng daddy mo. Mag si-six thirthy narin, Seven pm ang party mo. I love you baby girl, happy birthday” Sabi ni mommy sabay yakap sakin. Niyakap ko din siya
“Happt birthday young lady, I love you”sabi naman ni daddy sakin sabay yakap samin ni mommy. Ayy hindi pala ako kasali kay mommy lang siya yumakap.
“Thanks mom and dad. Nagpapasalamat po ako kasi kayo ang parents ko” sabi ko sakanila. Sabay yakap
“Dad? tyansing ka ha!” Sabi bigla ni mommy
“Oy! Di kaya! Ang feeler mo naman!” Sabi ni daddy sabay alis ng yakap niya kay mommy. De-deny pa kasi. Tumawa lang kami ni mommy sakanya.
“Sige aya, sa baba na lang kami, mag e–entertain pa kami ng daddy mo ng mga bisita” Sabi ni mommy sabay beso sakin.
Tumango ako sakanila at ngumiti bago tuluyang lumabas ng room.
Tinignan ko agad ang cellphone ko kung merong text. Umupo ako sa upo’an na nasa harap ng salamin.Ng nakita kong meron dali-dali akong binuksan iyon. Napakibit balikat ako na hindi galing sakanya.
From : Savier
Happt birthday Aya! ;) Goodbless you :*
Nireplyan ko agad siya. Takte Regan! Wala ka talagang planong mag greet sakin?! Buisit naman oh!
To : Savier
Thanks sav! Punta kayo mamaya ha? Aasahan ko kayo dito. Ingat :)
Biglang bumukas ang pintuan.
“Young lady, ito na po ang gown niyo” sabi ng taga housekeeping ng hotel
“Pakilagay nalang dun sa comfort room. Salamat” sabi ko sakanya. Agad naman siyang pumunta ng comfort room.
Kulay red ang gown, simple pero ang ganda. Si mommy kasi yung ng sketch ng damit ko. Pinagawa niya lang ito sa kilala niyang designer. Designer at stylist kasi noon si mommy, hindi niya iyun tinuloy kasi gusto ni lolo na tutok siya sa kompanya na ipapamana sakanya. Sa kanya nga akong nagmana, mahilig din akong mag sketch. Damit, sapatos, mukha ng tao at iba pa.
Lumabas siya ng comfort room saka tumingin sakin.
“Young lady, may kailangan pa po kayo?” Aniya
“Huh? Wala na. Marami na bang bisita sa baba?” tanong ko sa kanya
“Opo, nasa baba na din po ang mga guests saka business partners ng mommy niyo” Aniya
“Ganun ba? Sige, Salamat” Sabi kong nakangiti sa kanya. Tumango lang siya at nagsimulang pumunta sa pintuan saka lumabas
Tinignan ko kung anong oras na.
6:45 pm. 15minutes nalang mag sta-start na ang party.
Nilagay ko ang cellphone ko sa purse saka tumayo at pumunta sa comfort room
Pagkapasok ko ay agad kong hinubad ang aking mga damit saka sinuot ang gown.
Pagkatapos ay agad akong tumingin sa salamin. Kumikinang ang mga diamonds na nilagay sa gown ko. Huminga ako ng malalim kasi kinakabahan ako ng kunti at saka lumabas ng comfort room.
Biglang bumukas ang pinto.
“Miss Turner, nandito na po sa labas ang photographer at stand by na po kayo sa hagdan” sabi ng coordinator
“Okay lalabas na din ako. Salamat” sabi ko.