CHAPTER 8 :

32 1 0
                                    

Tumitibok ang puso

Regan Ganne POV

Bukas na ang birthday party ni Aya.. kahit ngayon hindi pa ako naka bili ng regalo para sakanya. Anu kayang magandang ibigay sa kanya? Bomba kaya? para wala na akong problema sa mga magulang niya. Di joke lang! Teka! Parang ang harsh ko naman dito.. Ayoko namang madamay siya sa plano ko. Sa mga magulang niya lang ako hihiganti..

Kay mommy na nga lang ako magpapabili ng maiiregalo para kay Aya. Syiempre yung mamahalin ang ipapabili ko.

Tumawag ako kay mommy agad niya naman itong sinagot.

"Hi mom! Pa favor sana ako. Pwede po bang ikaw nalang ang bibili ng maiiregalo ko kay Aya? Hindi ko po kasi alam ang taste niya. Please?" Sabi ko sakanya.

"Hayy nako Regan! Sige na nga. Ako na bahala bumili ng maiiregalo mo sa kanya" Aniya.

"Thanks mom! The best ka talaga!" Sabi ko.

"Wag ka nga Regan! Nga pala. Hindi ko alam kung kilala ka ng mga magulang ni Aya. Pero anak mag iingat ka bukas" sabi niya.

"I know mom. Mag-iingat po ako. Wag kayong mag-alala kasi malapit na tayong makapaghiganti sa pamilya niya" sabi ko

"Basta mag-iingat ka. Sige may aasikasohin pa ako. Bye anak, love you" Aniya.

"Love you to mom. Take care" sabi ko. Pinutol niya agad ang linya.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Baka si Aya to kaya binuksan ko agad. Hindi ako nagkamali siya nga.

From : Aya

Hi! Goodmorning Regan :* gising kana? I love you! Reply ka agad kapag gising kana. ASAP!

Yeah! Ganyan siya parati sakin. Kaya hindi ko alam pero may nararamdaman ako para sa kanya. Tumitibok ang puso ko kapag nakikita ko siya, kapag ganyan ang trato niya sakin. Tama nga ang sinabi ni Savier noon sa Night's club. Dadating ang araw na magkakagusto ako kay Aya. Pero hindi ito pwede.. Mahal ko siya pero mas mahal ko ang mga magulang ko. Gusto kong maghiganti sa mga magulang niya at hindi na siya doon kasama sa plano ko.

To : Aya

Hello! Kanina pa ako gising. Sorry hindi agad kita na text kasi tinawagan ko pa si mommy. Gawa mo?

Biglang nag ring ang cellphone ko.

>>> Aya calling ...

Pagkakita ko ng pangalan niya agad ko itong sinagot. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit.

"Hmm. Hi regan! Nandito ako ngayon sa venue para sa party ko bukas. Pinapanood ko silang nagdedecorate. Ikaw anu gawa mo dyan?" Aniya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Lentek! Parang ang bading ko naman. Bakit ba kasi ganito nalang pagtibok ng puso ko para sa kanya. Lentek naman talaga ou!

"Nandito sa kwarto. Boring ba dyan? Gusto mo samahan kita." Sabi ko.

"Huh? Wag na. Magkikita naman tayo bukas eh. Punta ka ha? Baka kasi hindi ka pupunta" Aniya. Napangiti ako. Lakas talaga ng tama ko dun sakanya.


"Hmp! Ganun ba? Sige see you tomorrow Aya" sabi ko.

"See tomorrow Regan. Ah! Sige mamaya na kitang tatawagan ha? Tawag kasi ako ni mommy. Bye!" Aniya. Pinutol niya agad ang linya. Hindi man lang ako pinagsalita. Tsk!

The UnexpectedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora