CHAPTER 13 :

9 0 0
                                    

Huli na ang lahat

Pagkalabas ko ay agad kong sinagot ang tawag ..

"Hello mom?? Napatawag po kayo" bungad ko

"Kamusta ang party? Pinakilala ka na ba niya sa pamilya niya?"

"Hindi pa po.. Mom?? M-may sasabihin po ako"

"Ano yun regan?"

"Mom? May nararamdam na po ako para sa kanya"

"Regan! Malaking problema yan!"

"Yes mom, i know"

"Oras-oras, Araw-araw ko naman dibang pinapa-alala sayo na hindi ka pwedeng mahulog sa babaeng yan! Kasi kalaban natin ang pamilya niya. Hindi mo ba nakuha ang point ko?! Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng pamilya niya satin noon at sa
daddy mo?! Ha! Regan?"

"Mom Hindi ko naman yun nakalimutan.. Ipagpaliban ko nalang to muna"

"Ikaw nalang ang pag-asa namin ng daddy mo Regan.. Sa planong ito bibigyan na ng hustisya ang pagmatay ng daddy mo"

"Opo..Trust me mom.. tuloy pa din po ang plano natin sa pamilya ni Aya"

"I trust you anak, sige may ka meeting pa ako ngayon. Ingat ka dyan..I love you. Bye"

"Opo.. take care mom. I love you" Binaba ko na agad ang cellphone pagkatapos pinutol ni mommy ang linya

Tumalikod ako at biglang napatalon ako sa gulat. Tumingin siya sakin ng masama at agad naman akong nakaramdam ng kaba. Ang bilis ng pintig ng puso ko..

"A-aya??.. A-anong.. ginagawa mo dito sa labas??.. At b-bakit ka umiiyak?" Sabi ko at lumapit sakanya upang hawakan ang kamay niya.

Bigla siyag umatras.. Nagulat ako sa ginawa niya. Parang nadidiri siya sakin.. Umiyak lang siya ng umiyak sa harapan ko.. Shit! Ito ang pinaka-ayaw ko eh! Umiiyak siya sa harapan ko at ako ang dahilan sa bawat patak ng luha niya..

"A-aya?? M-may narinig kaba?? Aya... let me explain" Sabi ko sabay lapit sa kanya

"Explain?!!! Narinig ko na Regan! Narinig ko na galing sa mga bibig mo! Ano?!! Ginagamit mo lang ba ako ha?! Anong kasalanan ng pamilya ko sa inyo?!! Bakit ako damay dito?!! Leche!! Pati ba ang pagliligaw mo sakin ay kasama yun sa plano mo?!! Tell me the truth!! Sumagot ka!!!" Pa sigaw niyang sabi sakin

"Aya.. Mali ang narinig mo.. Please! Let me explain!" Pagmamaka-awa ko sakanya. Hindi niya ako pinapakinggan

"Aya...M-may nararamdaman ako para sayo.. hindi kasama sa plano ko ang pagliligaw ko sayo..Ang hirap mamili Aya dahil ang pamilya ko ang nakasalalay dito.. Mahal kita! pero mas mahal ko ang pamilya ko"

"Mahal?? Mahal mo ako?!! Bakit?? Bakit anong nagawa ng pamilya ko sa inyo?!" Aniya na may halong pagtataka. Humugot ako ng lakas para sabihin sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso niya.

"Makinig ka Aya.. Ang pamilya mo ang dahilan kung bakit naghihirap kami noon, Ang pamilya mo ang dahilan kung bakit bumagsak ang kompanya namin noon.. At sila rin ang dahilan kung bakit namatay ang daddy ko!! Aya! Pinatay ng daddy mo ang daddy ko dahil sa negosyo at sa mommy mo!" Pa sigaw kong sabi sakanya.

Umatras siya at bigla siyang napaupo sa daan..Yumuko siya at nilagay ang dalawang palad sa kanyang mukha at umiyak..

Nilapitan ko siya at lumuhod sa kanyang harapan.. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"Aya, Mahal kita pero mahal ko din ang pamilya ko..Kahit anong mangyari hindi ko sila bibigo'in. Handa kong alisin ang pagmamahal ko para sayo.. Ngayon alam mo na ang lahat, Tuloy pa din ang plano" Sabi ko. Kunting tiis Aya.. kung tayo, tayo talaga ang isa't-isa at alam kong sa tamang panahon iyon. Masakit man pero pipilitin ko.

Tumayo ako at agad naman siyang tumingala sakin. Nagtama ang mata namin.. Bigla akong tumalikod at umalis sa harapan niya saka nagsimulang lumakad papuntang kotse ko. Pina-alarm ko iyon at pumasok sa driver seat.

Pinaandar ko agad ang makina ng sasakyan. Lumingon muna ako sa kanya, nakatingin siya sa kotse ko. Kumirot ang puso ko.. Ang sakit!! Ang sakit iwanan ang taong mahal na mahal mo..

Umalis ako sa venue ng party niya.. Nasasaktan ako sa ginawang pagiiwan ko sa kanya. Gusto ko siyang balikan pero hindi pwede..

Nag drive ako papuntang Night's Club. Pagdating ko ay ng park muna ako ng kotse. Gulong-gulo ang isip kong pumasok saclub. Pumunta agad ako sa bar counter.

"Pitong hard nga" Sabi ko. Agad naman akong binigyan ng bartender.

Nilagok ko agad ang isa ng dire-diretso.. Gulong-gulo talaga ang utak ko. Lagok lang ako ng lagok ng inuumin.. Ng naubos ko ang pitong yun ay nakaramdam ako ng sakit at hilo sa ulo..

Napagdisisyonan kong balikan si Aya. Hihingi ako ng sorry at sasabihin sa kanya na hindi ko na itutuloy ang plano ko.

Nag bayad ako sa counter at saka lumabas ng bar. Gumegewang-gewang ang paglakad ko papunta sa kotse ko kung saan naka park. Pinatunog ko agad ang alarm ng sasakyan at pumasok..

Umalis ako ng bar na hilong-hilo, gulong-gulo ang isip. Sana patawarin mo ako Aya.. Takte! Sayo lang ako nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso ko..

Nag drive lang ako ng drive pabalik sa venue ng party niya.. Ng bigla may malaking Track na patungo sa harapan ng kotse ko. Iniwasan ko agad iyon.. pero huli na ang lahat

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 04, 2015 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The UnexpectedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang