CHAPTER 7 :

14 1 0
                                    

Sarap niyang humalik

Lumabas din ako ng kwarto niya at pumunta sa kanila. Masayang nagbibiro'an sila. Wala na pala silang kasama ngayong tig-iisang babae. Siguro umuwi na..

"Na-alala niyo ba noon ang ginawa natin kay regan? Sa night's club? Pinainom natin siya ng hard na drink, ng maka anim na siya ayon! pulang-pula ang mukha at biglang sumuka" Halakhak ni Savier. Tumawa ang mga kaibigan niya. Napangisi ako bigla. Parang sakanya ngayon ang hotseat.

"Bobo! First time ko yon! Wag niyo nga akong pagtawanan. Tss!" Sabi ni Regan.

Tumawa lang ang mga kaibigan niya. Nakikinig lang ako sa kanilang pinag-uusapan. Kawawa naman ang Baby Regan ko XD

"Oh aya! Sali ka samin. Dito ka umupo oh!" Sabi ni Xian. Tumango ako at ngumiti sakanya. Ng papalapit na ako sa upo'an niya biglang nagsalita si Regan.

"Hep! hep! Wala namang agawan dude! Akin si aya kaya dito siya sakin." Aniya sabay hablot ng kamay ko papunta sa upo'an niya.

"Relax! Hindi ko naman siya aagawin sayo, pa uupo'in ko lang. Masyadong highblood. Tss!" Sabi ni Xian.

"Aya oh? Shot ka muna" sabi ni Savier. Kanina niya pa ako kinukulit na uminom.

"Ikaw talaga Savier ang bad influence mo talagang tao" sabi ni Axel sabay sapak ng ulo ni savier.

"Fuckers ka Axel! Sakit nun ah!" Aniya. Napangiti ako bigla sakanila. Ang kukulit ..

"Anong ngiti yan?" Pabulong niyang sabi.

"Wala.. napangiti ako sa mga kaibigan mo, ang kukulit kasi" sabi ko. Na-alala ko bigla na may sasabihin ako.

"Nga pala guix, pwede ko ba kayong imbitahan sa kaarawan ko? Bukas makalawa? Hindi naman kayo siguro busy sa araw na yun?" Sabi ko bigla. Napatingin sila agad sakin

"Ou naman Aya! hindi naman kami busy sa araw na yun. Saka marami bang magagandang babae na pupunta?" Sabi ni Axel. Napalaki bigla ang mga mata ko sa tanong niya. Siniko siya agad ni Xian.

"Kaw talaga axel puro kanalang babae! Pero seryoso Aya, marami bang magaganda at sexy ang pupunta?" Aniya. Napatawa ako sakanila. Puro babae ang iniisip.

"Isa kapa! manahimik nga kayo!" Sabi ni regan sabay tapon ng tig-iisang unan sa mukha ng dalawa. Ayon! Sapol na sapol! tumawa kami ng tumawa.

"Anu ba ang susuotin namin? Casual ba or formal?" Sabi ni Xian.

"Mag formal tayong damit Xian! Para marami tayong mamingwit na babae doon!" Sabi ni Savier sabay tawa.

"Sige! Sige! Tama ka Savier!" Sabi ni Xian sabay tango-tango sa idea ni Savier.

"Mga bobo! Birthday yun ni Aya! Puro babae ang sa kukuti niyo! Mahiya nga kayo!" Sabi ni regan.

Napa-iling na tumatawa ako sa kanila. Hayy.. sana may ganito din akong kaibigan. Pero wala eh.. mga pinsan ko kasi masama ang mga ugali kaya hindi ko sila gaanong close.

"Hmm.. Regan, uwi na ako baka kasi hinahanap na ako nina daddy at mommy sa bahay" sabi ko.

"Ganun ba? Sige hatid na kita sa baba" sabi niya sabay tayo. Lumingon muna siya sa mga kaibigan niya.

"Wag kayong magbabasag dito ha?! Malilintikan talaga kayo sakin. Hahatid ko lang si aya sa baba" sabi niya. Tumango-tango lang sina Axel, Xian at Savier. Tumalikod siya at pumunta sakin.

"Bye aya! See you sa birthday mo!" Sabi ni Savier. Lasing na siguro to! Tss..

"Okay! Bye!" Sabi ko sabay talikod sa kanila. Hinawakan bigla ni regan ang baywang ko at pinalapit niya sakanya ang katawan ko.

Pinindot niya ang elevator at bumukas iyon. Pumasok kami at pinindot niya uli ang ground floor ng building saka sumarado ang pintuan.

"Pasensya kana sa kanila. Ganon talaga sila kapag naka inom" sabi niya bigla.

"Okay lang. Sanay naman ako sakanila. Ang kulit." Sabi ko sabay tawa.

Hindi na siya nag salita. Ng nasa ground floor na kami ay agad tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Lumabas agad kami.

"Nga pala aya, magpapasundo kaba sa driver niyo?" Aniya

"Huh? Hindi dala ko naman ang kotse kong bigay sakin ni dad. Marunong naman akong mag drive" sabi ko. Lumalakad kami ngayon patungong parking lot ng building.

"Hmm.. okay! Huwag masyadong mabilis mag drive Aya" sabi niya.

"Okay po" sabi kong nakangiti. Nakita ko agad ang kotse ko. Pumunta kami doon kung saan ko kanina pinark.

"Sige regan, una na ako. Text ko nalang sa inyo ang venue ng birthday party ko. Sana pupunta kayo" sabi ko sabay bukas ng pintuan ng driver seat.

"Okay Aya. Pupunta kami wag kang mag-alala" sabi niya. Nakatayo siya sa labas ng bintana ng kotse ko.

"Sige una na ako regan" sabi ko saka pinaandar ang makina ng kotse.

"Wait!" Sabi niya bigla. Napalingon agad ako sakanya. Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Ng makalapit ng husto ay hinalikan niya ako ng mabilis sa labi. Napatulala ako sa ginawa niya.

"Sige Aya. Ingat ka!" Sabi niya sabay atras. Bumalik ako bigla sa sarili ko. Syete! Sarap niyang humalik kahit mabilis lang yun.

Tumango ako at ngumiti sakanya.. saka umalis ng building ng condo niya.

The UnexpectedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora