CHAPTER 6 :

8 1 0
                                    

Pandesal

Aya Irene POV

Bukas makalawa 20th birthday ko na. . Sinabi sakin ni mommy na may malaking handaan sa hotel namin. Maraming dadalo ng birthday ko halos lahat ay family friends, empleyado ng kompanya namin at relatives. Kaya iimbitahan ko nga ngayon si regan na pumunta sa birthday ko at para na ding makilala niya ang parents ko.

I like him noon pa. Kaya sobrang saya ko ng nililigawan niya na ako. Hindi ko lang pinahalata. Nagpapakipot pa kasi ako.

Nandito na ako sa labas ng building ng condo niya. Ginamit ko ang kotse ko marunong naman akong mag drive when i was 18. niregalohan kasi ako ni dad ng BMW kaya nag paturo agad ako kung paano mag drive. Nag park muna ako at pumasok ng building ..

Lumakad ako papuntang elevator. Ng bumukas ang pintuan ay pumasok agad ako at pinindot ang 3rd floor..

Naka dress ako ngayon.. Napangiti ako bigla ng ma-alala ko noong isang linggo ang eksenang nasa labas na kami ng cinehan na nagagalit siya dun sa lalaki kasi binastos ako ng lalaki. Lokong yon!

Ng nasa 3rdfloor na ay agad akong lumabas. Lumakad ako papuntang pintuan ng condo niya.

Kumatok muna ako ng tatlong beses at hinawakan ang doorknob saka binuksan iyon. Pagkabukas ko ay tumambad agad sakin ang kaibigan niya na umuupo sa sofa. Tig isa-isang silang babae na kasama.. napatingin agad sila sakin.

"Oh? Aya! Kamusta?" Sabi agad ni Axel.

"Aya! Beer oh? Gusto mong uminom?" Sabi ni Savier

"Ikaw talaga savier beer agad bungad mo kay aya!" Sabi ni Xian

Yep! Kilala ko na sila. Isang linggo narin ang nalipas. Every night kasi nasa Night's club kami kaya nagiging close na rin kami ng mga kaibigan ni regan.

Kumunot agad ang noo ko na hindi ko nakita si regan na hindi nila kasama.

"Okay lang Xian, nga pala saan si regan?" Sabi ko sakanila.

"Ah! Nandoon sa kwarto niya, maliligo muna daw" sabi ni Savier. Tumango ako at ngumiti sa kanila.

Lumakad ako papuntang kwarto niya. Binuksan ko ang pintuan. Tumambad agad sakin ang topless niyang katawan may maliliit pa itong butil ng tubig, bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Ohhlala !! Anim na pandesal ..

"Ahem!" Aniya. Napaiwas agad ako ng tingin sa kanyang mga pandesal. Yumuko ako. Sht! Alam kong parang kamatis na ang mukha ko ngayon.

"Anong ginagawa mo dito Aya? Hindi kaman lang nag text sakin na pupunta ka. Pasok ka muna." Aniya. Patingin agad ako sa kanyang mukha. Wet look siya ngayon. Bakit ba ang gwapo niya kahit bagong ligo? Tsk. Pumasok ako ng kwarto niya.

"A-ah eh.. bukas makalawa kasi birthday ko na. Iimbitahan sana kita. Hindi kanaman siguro busy sa araw na yon?" Sabi ko sabay upo sa kama niya. Siya naman ay pumunta ng closet niya.

"Hmm.. sige pupunta ako. Inimbitahan mo na ba sina savier?" Aniya sabay suot ng damit.. Malas! Pinagsamalantaan ko pa naman yung anim niyang pandesal. Tika! Parang ang manyak ko naman dito.. tsss..

"Hmm. Wala pa. Mamaya ko nalang sasabihin sakanila" sabi ko. Sabay tingin sa kanyang katawan. Syete! Kita-kita ko parin ang hubog ng katawan niya. Manipis kasi ang damit niya.. bigla siyang lumapit sakin napaatras ako bigla ng upo sa kama niya.. Titig na titig siya sa mga mata ko..

Napangisi siya. "Naku aya, baka hinuhubad mo na ang damit ko sa utak mo. Makatitig ka naman sa katawan ko parang walang bukas. Sayo lang to aya wag kang mag-alala" Aniya sabay halakhak.

Agad ko siyang sinapak sa braso. "Heh!! Manahimik ka nga!" Sabi ko. Humahalakhak lang siyang lumabas ng kwarto. Lokong yon!

The UnexpectedWhere stories live. Discover now