CHAPTER 12 :

8 0 0
                                    

Regan Ganne POV

Araw ngayon ng kaarawan ni Aya.. Hindi ako nag greet ng Happy birthday sakanya kaninang umaga. Isusurpresa ko siya mamaya.. Siguro nga nag-alala na siya doon na baka hindi ako pupunta sa party niya..

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad iyon saking bulsa

»» Aya Calling ...

Hindi ko sinagot. Kanina pa siya tumatawag sa akin pero ayaw kong sagotin.

Ng hindi na siya tumawag. Bigla namang tumawag si mommy.

"Hello mom??" bungad ko

"Regan, mamayang gabi mag-iingat ka"

"Yes mom, i will"

"Ang sinabi ko sayo, wag mong kalimutan ang ginawa ng pamilya niya satin noon at sa daddy mo"

"Hindi ko naman iyon nakalimutan" paano ko yun makakalimutan eh halos minuto-minuto, oras-oras, araw-araw pina-alala mo sakin -_-

"Pinapa-alala ko lang sayo. Sige mag bihis kana dyan para hindi ka ma late sa party niya. Bye! Love you"

"Love you too mom" binaba niya agad ang linya. Bumuntong hininga ako..

Syete! Ang hirap! Bakit kasi may nararamdaman ako para kay Aya? Alam kung hindi pwede kasi kalaban namin ang pamilya niya. Ano ba ang pipiliin ko?? Pamilya o Ang mahal ko?? ito na nga ba ang sinasabi ni savier noon sakin, na baka sa susunod na bwan na pagsasama namin may nararamdaman na ako. Hindi nga nagkamali si savier. Takte naman oh?! Ang hirap talaga!!

Naligo na ako para makapunta ng maaga sa party niya..

Pagkatapos ko ay agad kung sinuot ang white kong polo at red kong necktie. Color black naman ang suit at slocks ko. Sabi kasi niya kulay red yong dress niyang susuotin kaya nag red necktie nalang ako.

Pagkatapos kung bumihis ay agad kong kinuha ang mascara nakalagay sa center table, hindi naman mascaraed ang theme ng kanyang party, pero mag lalagay ako ng mascara saking mukha kasi isu-surpresa ko siya. Lumabas ako ng building ng condo ko at sumakay sa kotse papuntang venue ng birthday niya.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kung kinuha iyon saking suit habang nagdri-drive ako..

»» Savier Calling ...

"Anong Kailangan mo??" bungad ko sakanya

"Kailangan agad? San kana ba dude? Kanina pa kami nandito sa venue ng party ni Aya" Aniya.

Ang aga naman nila. Nagpa'aga sila siguro dahil para may time pa silang mang chicks! Tsk!

"Nag dri-drive na ako.. Papunta na"

"Ganun ba? Sige ingat! Maghahanap pa kami ng chicks! Bye!"

"Tek-" takte! Binabaan ba naman ako -_-!

Pagdating ko ay agad akong ng park ng kotse sa parking area. Sa kanila to ang hotel kung saan gaganapin ang engranding birthday party niya..

Lumabas ako ng kotse at pumasok ng hotel. Bumungad agad sakin ang maraming tao. Halos lahat ito ay business man at kasyuso nila sa kompanya..

Hinanap ko sina Savier, Xian, Axel pero hindi ko sila mahanap. Busy sila siguro sa paghahanap ng chicks kuno. Hayy.. Ganyan din ako pero nong nakilala ko si Aya, unti-unti bumago ang aking pagkatao.

Pumunta ako sa kitchen area nitong hotel nila..

"Good evening sir, may kailan po ba kayo??" Sabi ng waiter

"About sa cake ni Ms. Turner? Pwede bang ako nalang hahawak ng cake niya mamaya? Isu-surpresa ko kasi siya. Saka hihingi din ako ng microphone"

"Yes sir, no problem sir. Bibigay ko nalang ho sa inyo mamaya"

Tumango ako at umalis doon. Pumwesto ako sa madilim na part malapit sa stage. 2 minutes nalang daw ay mag uumpisa na ang kanyang party.

"Good evening Ladies and Gentleman.. Please give a warm of applause to our birthday girl, Miss Aya Irene Turner" Biglang sabi ng Emcee. Tumutok bigla ang dalawang spotlights sa hagdanan na bababa-an ni Aya at agad namang nag flash ang mga camera.

Pagkababa niya ay napakunot agad ang noo niya, dahilan siguro sa maraming tao ang pumunta sa party niya.

"Sir? Ito na po yung cake saka yung mic."

Lumingon agad ako sa likuran ko. Nakita ko agad ang waiter na kina-usap ko kanina.

"Thanks" tumango lang siya at binigay sakin ang cake at mic na dala niya. Kinuha ko agad iyon at nilagay ang mascara na susuotin ko.

Pagkatapos ay bigla namang tumahimik ang paligid.. Kaya nagsimula akong kumanta habang lumalakad papuntang stage.

"Happy Birthday to you!, Happy Birthday to you!, Happy birthday, Happy Birthday, Happy Birthday Aya.."

Ng nasa stage na ako ay nakita ko agad ang namumu'ong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Kinuha ko agad ang mascara gamit ang kamay kung may hawak na mic.

"Aya? Don't cry" sabi ko sabay punas ng kanyang luha "Surprise!! Make a wish Aya, before you blow your candles" Sabi ko sabay lahad ng isang kamay kong may hawak na cake

Yumuko siua at pumikit saka nh simulang mag wish. Pagkatapos ay nagmulat siua ng mga mata saka ng blow. Agad namang pumalakpak ang mga bisita.

Pagkatapos ay pumwesto ako sa likuran niya.

"Sir? Akin na ho yung cake"

Tumalikod agad ako at binigay ang cake sa waiter

"Okay.. Thanks" Sabi ko, ngumiti lang siya saka umalis. Tumalikod agad ako at tumingin kay aya. Naka talikod siya sakin.

Biglang binigyan siya ng microphone. Nag punas muna siya sa kanyang mukha at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Good evening, Everyone! Thankyou for coming and celebrate my birthday with me. Alam kong busy kayong lahat sa kanya-kanyang buhay. Busy sa trabaho, sa business, pero nagpapasalamat ako dahil kahit busy kayo pumunta parin kayo, Thankyou and enjoy this night" Sabi niya. Pumalakpak naman ako at ang mga bisita niya.

Na una akong bumaba sa kanya at naglahad ako ng isang kamay saka ngumiti. Napakunot ang noo niya pero ngumiti naman siya agad. Ina-alalayan ko siya sa pagbaba dahil naka gown siya.

Pumunta kami sa table ng mga kaibigan ko. Agad siyang sinalubong ni Savier ng yakap.

"Happy birthday Aya, your so beautiful tonight. Pero kahit wala kang make-up maganda kana" Aniya pero nakayakap parin sakin. Gusto niya bang agawin sakin ang Aya ko?!

"Hoy savier! Wag mo ngang mayakap-yakap ang Aya ko!!" Naiiritang sabi ko sa kanya

"Ikaw talaga regan! Ang Kj-kj mo!" Sabi niya at napakamot sa ulo

"Ou nga! Wag mo ngang ma yakap-yakap si aya sav! Ako lang dapat ang makayakap sakanya! Happy birthday beautiful" Sabi ni Xian. Isa pa tong ugok! Pinigilan ko agad bago niya mayakap si Aya

"Ugok! Isa kapa! Umupo na nga kayo!" halos pa sigaw kung sabi

Lumingon ako kay Aya. Napakunot ang noo ko sa ngiti niya..

"Anong ngiti yan Aya??" sabi ko. Napatalon siya bigla.

"Huh? Wala!" Aniya.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon kinuha sa bulsa ng suit ko.

»» Mommy Calling ...

"Aya? Sagotin ko lang to sa labas" sabi ko

"Okay regan, sige sagutin mo nayan baka importante" Sabi niya. Tumango ako saka nagsimulang tumalikod sakin at lumabas ng hotel.

The UnexpectedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu