ALEXANDER'S POV.
"Bro, is it true na pakakasalan mo yong kapatid ni Sarah?" Ryko asked.
Ininom ko ang hawak kong alak ko at saka tumango. We're here at his bar with our friends. Days had passed at hindi ko na nakakausap si Samantha. Tinignan ko naman si Ryko na tila ba'y may iniisip. I think, may problema si Ryko, hindi ko nga lang alam kung ano iyon. Hindi naman siya basta-basta nag-aaya ng inuman kung wala naman siyang problema.
"I heard that she's the owner of Sammy's Treats. Samantha Jane Villafuente, right? I love her cupcakes." tugon naman ni Oliver.
I don't know why pero nakaramdam ako ng inis nong binanggit niya iyon. Baka dahil sa alak lang ito. Tama, epekto lang ng alak ito.
"My Mom wants to meet her. She also loves her cupcakes too. Walang araw na hindi bumibili si Mommy ng cupcakes niya, diba Alex?" ika ni Edval at tumango na lamang ako.
Simimsim ako ng alak habang nakikinig sakanila.
"Mas masarap siguro yong gumagawa."
Sinamaan ko naman ng tingin ang kaibigan ko.
"She's mine, Yael." I possesively said.
"Chill bro, chill," natatawang sambit ni Yael habang ang iba naman ay umiiling na lamang.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko agad ito sa bulsa ko.
Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang text niya.
From: Sam
Hoy! Send mo sakin yong full name ng lalaki. Ang daming poser na lumabas at iba't ibang article.The fvck? Ako ba talaga ang kausap niya?
To: Sam
Who the fvck is that man, Samantha?I replied.
From: Sam
Ay, hehe. Good evening, Kapre. Wrong send lang po.Wrong send? Fvck! Bakit ba nainiis ako? And Kapre? Isa akong tanyag at kilalang C.E.O sa buong daigdig. Tinitingala at hinahangaan ng lahat then this woman just called me Kapre? Nasa tamang pag-iisip paba siya? Nagmumukha na ba talaga akong engkanto sa paningin niya?
"Bro, what happened to you? You looked pissed," natatawang sambit ni Ryko.
"Nothing." I answered.
Hindi na ako nagtext pa sakanya at itinuon na lamang ang atensyon ko sa alak. Dumating naman ang mga babaeng inimbita ni Yael at isa isa silang tumabi sa amin. Kilala ko sila. Schoolmate namin noong college. Hindi lang basta schoolmate.
"Sorry we're late," Jasmine said. Bumaling naman ang tingin niya sakin. "Long time no see, Alex."
She sat beside me at nagsimula na kaming mag-usap.
"How are you?" She asked.
"Fine." maikling sagot ko.
"Nagbreak na pala kayo ni Sarah. What happened?"
Sumimsim ako ng alak bago sumagot.
"Tapos na kasi ang larong meron samin." simpleng sagot ko.
Napatango-tango naman siya.
"Guys, sandali lang. Tumatawag si Mama." sabi ni Edval habang hawak ang phone niya.
Yael looked at him.
"Sige lang, pre. Tell Tita na hindi ka namin pababayaan. Huwag siyang mag-alala kasi hindi ka naman mawawala." Yael said.
Nagsitawanan naman ang mga kasamahan ko.
BINABASA MO ANG
The Replacement Bride(On-Going)
Aktuelle LiteraturSamantha Jane Villafuente is just a simple girl who loves baking. Sa katunayan, meron na nga itong sariling cupcakes shop na patuloy paring kinikilala ng lahat. Tahimik ang mundo niya. Walang boyfriend, walang problema. Single and ready to mingle. N...