Chapter 20

54 3 0
                                    

SAMANTHA'S POV.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses naming ginawa ni Alex ang bagay nayon. Hindi niya talaga ako tinantan. Pinainom pa ako ng kapreng iyon ng energy drink dahil ang sabi niya, buong magdamag kami magla-loving loving. Ang akala ko nagbibiro lang siya, at ayon nga, tinotoo niya nga iyon. Kaya't heto ako sa kama namin, kasalukuyan niya akong sinusubuan ng pagkain dahil hindi ko na halos maigalaw ang katawan ko dahil sa kagagawan ng kapreng to.

"I'm sorry, Love." paghingi niya ng tawad at saka ako sinubuan.

Hindi ko siya pinansin at kinain na lamang ang pagkain. Ibinaba niya ang isang plato ng pagkain at saka yumakap sa beywang ko pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Love, sorry na..." bulong niya.

"Tigil-tigilan mo ako, Alex. Nanggigigil ako sayo,"

Lalo naman siyang sumiksik sa akin. "Love, I'm sorry..." bulong nanaman niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Dahil tuloy sa nangyari, hindi ako makakapasok ngayon sa cupcake shop ko.

"Love... I'm sorry,"

Hindi ko pa rin siya pinansin. Patuloy parin siyang humihingi ng sorry sa akin.

"I won't do it again. Please, pansinin mo na ako." nagmamakaawang sambit niya.

Tumingin ako sakanya. "Promise?"

Sumimangot si Alex. "Joke lang."

"Ewan ko sayo! Buong gabi mo akong pinagod, Alex. Ang sakit sakit tuloy ng buo kong katawan. Lalo na yong pechay ko." pagmamaktol ko.

Niyakap ako ni Alex ng mahigpit at saka bumulong.

"Sorry na nga e."

At dahil isa akong dakilang marupok, niyakap ko na rin siya ng mahigpit. To the point na masasakal na siya.

"Balak mo ba akong patayin?" maamong tanong ni Alex.

Inalis ko ang pagkakayakap ko sakanya. "Niyayakap kana nga e. Ayaw mo? Edi huwag," sabi ko at kunwari ay nagtatampo.

Muling kinuha ni Alex ang kamay ko at saka iniyakap sakanya ulit. "Yakapin mo na ako ulit. Kahit sakalin moko ayos lang,"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ko sakanya.

"Meron. But I want to stay here." sagot naman niya.

"Magtrabaho kana. Kawawa yong secretary mo don kung hindi ka papasok," sambit ko habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko.

"But I can't leave you here. Lalo na't ganyan ang kalagayan mo, Sam." tila nagi-guilty na sambit niya.

"Ikaw naman kasi, kung makabayo ka parang wala ng bukas."

"Kaya nga sorry na e," parang bata na sambit niya. "I love you, Sam."

"I know,"

Nakasimangot siyang tumingin sa akin.

"I know? Diba dapat ang sagot mo 'i love you too'? Hindi mo na ba ako mahal, Sam?" tila ba'y nagtatampong tanong niya.

Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya at saka marahan iyong pinisil-pisil. "I love you too, kapre."

"Hanggang ngayon kapre pa din tawag mo,"

Natawa na lamang ako sa sinabi niya.

KATULAD nga mg inaasahan ko, hindi nga pumasok si Alex at maghapon niya akong sinamahan dito sa condo. Pero kani-kanina lang ay nakatanggap siya ng tawag kay Yael. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero matapos ang tawag na iyon, kaagad na nagbihis si Alex at umalis. Hindi ko nga lang alam kung bakit parang kinakabahan ako.

The Replacement Bride(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon